Chapter 1 Khiana Alfonso

32 5 5
                                    


Khiana's POV

"You're so beautiful my love" I said while combing her soft hair using my fingers. She smile over her shoulder and that smile took my breath away.

"Promise me na hindi mo na ulit ako iiwan" sambit ko. Sa babaeng ito lang ako nagmakaawa at nangako. Lumingon sya at .....

"Kringggg~ kringggg~" Bullshit ! Di ko manlang nakita yung mukha nung babae. Sino ba yun ? At bakit ako nangangako sa kanya ? Tss.. Isang malaking kalokohan yung panaginip ko na yun. I glance at my wall clock. Its 6:00 in the morning. Sino naman kayang stupid person ang tatawag sakin ng alas sais ng umaga ? Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sinong tumatawag. [calling : unknown number] Agad ko naman itong sinagot dahil baka importanteng tawag ito.

"Hey who's this ?" tanong ko sa inaantok ko pang tinig.

"Hey babe its me !" sambit nya sa malanding tinig.

"Oh ! you" sagot ko. Please lang ipaalala nyo sakin yung pangalan ng babaeng ito.

"Wag mong sabihing nakalimutan mo na ako agad ?" sabi nya.

"Ah .. Ano kase eh .. Ahm" pano ko ba to ipapaliwanag ? Eto yung pinaka ayaw kong part sa pambababae eh ! Di ko na matandaan yung mga pangalan nila tapos

"Arrggg ! I really hate you for forgetting my name ! Samantalang kagabi sa bar ungol ka ng ungol ng pangalan ko tapos---" sigaw nya.

Agad ko namang inilayo sa tenga ko yung phone kaya hindi ko na naintindihan ang pinagsasasabi ng babaeng to dahil baka pag pinakinggan ko pa ang matitinis nyang sigaw ay ito pa ang maging sanhi sa pag kabingi ko at baka mabawasan pa yung pogi points ko. Sabi na nga ba mangyayari na naman to eh. Sanay na naman akong may tumatawag sa akin na di ko kakilala at tatawagin pa nila akong babe , baby , love at kung ano ano pa. Pero takte naman kase ang aga aga oh !

"Ok bye !" sabi ko nalang at agad na inend yung tawag. Sana pala di ko nalang yun pinansin at pinagpatuloy nalang yung panaginip ko.

Putcha naman oh ! Nacurious tuloy ako. Eto yung pinaka ayaw kong feeling sa lahat eh. What if ipagpatuloy ko nalang yung pag tulog ko ? Baka sakaling makita ko yung mukha nya ulit eh.

"Sige sige matutulog nalang ulit ako." usal ko sa sarili ko at sabay ngiti ng malawak. Tumagilid ako at niyakap ang unan na katabi ko.

"Pero pano kung pangit pala yung babae ?! yuck !" sabay ako humarap sa kanan at ginawang unan ang aking kanang braso

"Eh pano naman kaya kung maganda sya tapos hot tapos may mangyayari pala samin dun. Tapos kulay pula pa panty nya ?" sabi ko at tumihaya na lamang

"Aish ! Kinakausap ko na yung sarili ko. Nababaliw na ba ako dahil lang dun sa babaeng nasa panaginip ko ? Tss. Imposible to" sabay ako bumalikwas ng tayo at pumunta sa banyo ko.

May sarili kase akong banyo dito sa loob ng kwarto ko. Sa tapat naman ng banyo sa kabilang pinto nandun yung mini library ko. Pero bukod sa mini library ko sa loob ng kwarto ay mayroon pa kaming library na si mama naman ang gumagamit. Dun nya pinapapunta ang isang tao kung may importanteng sasabihin na hindi maaaring marinig ng iba. At doon ang parte ng bahay namin na pinaka ayaw kong marating dahil pag pumunta ako dun ay tiyak na may punishment na naman akong kakaharapin.

"Ma'am Khiana bumaba ka na daw sabi ng mama Ana mo" sabi ng kasambahay namin.

"Sige po nay Pacing susunod na po ako. Paki sabi po kay mama maliligo lang po ako." sagot ko dito

"Sige po ma'am" sambit nya

"Nay Pacing naman eh. Sabi ko naman po sa inyo wag nyo na akong tawaging ma'am eh. Khian nalang po." pahabol ko pa

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon