Chapter 3 Lost of words

28 2 15
                                    


Khiana's POV

Nandito ako ngayon sa coffee shop namin nila mama at dahil sabado ngayon dapat ay nasa bar ako , gumigimik , nag iinom , nambababae kaso dahil sa punishment ko , eto tuloy boring ng sabado ko.

"Kringggg~~~ kringgg~~~" kinuha ko yung cellphone ko sa gamit kong ripped jeans

Its Shara ! My gosh ! Akala ko magiging boring tong sabado ko eh.

"Hello----" di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil naexcite akong makausap sya

"OH MY GOSH SHARA TARA DITO SA COFFEE SHOP DALI !! AKALA KO MAGIGING BORING TONG SATURDAY KO BUTI NALANG TUMAWAG KA !! ANO PUPUNTA KA NA BA ??" pagtititili ko

"Teka nga ! Teka lang Khi ah ! Una sa lahat gusto ko lang itanong kung nasan ka , at pangalawa bakit napaka hyper mo ngayong araw at bakit ka nagkakaganyan ?" sermon sakin ni Shara

Eto talagang pinsan ko lagi akong sinesermunan

"Sagot ko sa una ay nasa coffee shop ako----" di nya pinatapos ang sinasabi ko

"Really Khi ?! You ? Himala ata at wala kang planong pumunta sa bar ngayon" pang iinsulto nya

Pag tawanan ba naman ako ng babaeng to. Talaga naman !

"Eh kase nagkaroon ako ng punishment dahil sa pag takas ko para maka punta sa bar nyo kaya eto nag bantay nalang ako" malungkot na saad ko

"Gusto mo bang puntahan kita----" di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at agad ko itong pinutol

"Ngayon na ASAP kase feeling ko mamamatay na ako sa sobrang kaboringan ko dito eh. Nakakaburyo na talaga dito cous" pagmamaktol ko

Narinig ko naman ang pigil nyang tawa sa kabilang linya

"Ok Khi , I'm coming" sabi nya

Ilang sandali lang ay nag paalam na kami sa isat isa marahil sabi nya ay pupunta din naman daw sya dito. Kung kayat naghanap na ako ng lugar na aming pagkekwentuhan. Ngunit bago iyon ay pinabantayan ko muna ang kahera sa isa sa mapagkakatiwalaang empleyado dito sa shop. Mahirap nang mag tiwala eh

Nandito ako ngayon sa medyo dulong bahagi ng aming coffee shop. Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa cellphone ko habang hinihintay si Shara.

"Hi Khiana !" malaanghel na boses na tawag nya sakin

Nag angat ako ng tingin para alamin kung sino ang tumawag sakin. Nag kamali pala ako , hindi pala malaanghel kundi anghel talaga. Sino pa ba ? Its Zailee !

"Hey , Khian ?" untag nya sakin "Pwede ba akong makiupo dito ? Puno na kase yung tables eh." panghihingi nya ng permiso

Tumango nalang ako bilang pag sagot dahil hindi ko mahanap kung nasaang lupalop ang boses ko.

Napakaganda nya pala. Akala ko kase nung una mukha syang palaka eh. Di naman pala. Siguro bad mood at bad timing lang yung pagkakakilala ko sa kanya that time kaya akala ko mukha syang palaka. Pangalawang meet naman namin ay pareho kaming napagalitan kaya ganun nalang siguro ang pagsusungit nya sakin.

"Are you listening ?" pagbabalik nya sakin sa kasalukuyan

"Ah ano nga ulit yun ?" tanong ko habang nakahawak sa batok ko

"Ahahahahaha your so cute !" sabi nya sakin sabay kurot sa ilong ko

"Ehem ! Mukhang nakakaabala ata ako sa inyo ah" paninira este pagpuputol ni Shara saming dalawa

Agad nyang inalis ang kanyang kamay ilong ko at umayos ng upo

"Ah-- ano Shara kase ahm... Mali iniisip mo" sagot ni Zailee at nakipagtitigan pa kay Shara

"Di ikaw ang gusto kong makausap" sagot naman ni Shara at nakapoker face pa

Tumingin naman ako kay Zai at mukhang nagulat sya sa sinabi ni Shara

"Di din naman kita gustong kausapin eh" ganti naman ni Zai nang maka recover sya sa pagkagulat

"Oh well , pumunta ako dito para kay Khi" sabi ni Shara sabay baling ng tingin sakin

"Nakiupo lang naman ako sandali sa tabi ni Khian and I think there's nothing wrong with that. Right Khian ?" tanong sakin ni Zai at nagbaling din ng tingin sakin

Pano ba to ? Bakit ba sila nag kakaganito ? Para kaseng wala sa mood tong pinsan ko kaya ganyan nalang mag sungit. Meron siguro sya

"You can go now , she's with me" pag tataray naman ni Shara

"Ok. Bye Khian. See you on Monday" sabi ni Zai

Tumayo ang huli at hinalikan ako malapit sa labi. Did she mean that ? I mean di naman big deal sakin pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nya yun ginawa.

Pag tingin ko sa mukha nya ay bakas dito ang pagkagulat. Marahil siguro hindi nya intensyon na mahalikan ako sa labi.

Pag katapos ng ilang segundong pag tititigan namin ay nanakbo sya palabas at iniwan akong tulala




Edited

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon