Chapter 7 Mood Swings

13 3 2
                                    

Zailee's POV


It's Monday morning and I'm here at the cafeteria. At dahil nga malapit na ang tinitirahan ko sa pinag aaralan ko ay dapat ko nang sanayin ang sarili ko na wag gumising ng sobrang aga. Look , it's 8:00 in the morning and 10:00 pa ang first class namin dito. Kanina pa ako buryong buryo at walang ginagawa. Wala din naman akong makausap kase si Sab nasa library as usual , niyayaya nya ako pero I choose to stay here and I have to stand for my ownluc choice. At tsaka nag advance lesson na naman ako kagabi so there's nothing to worry about.

Tumayo ako at umorder ng hot choco hehez my favorite. Pag kabigay sakin ay inamoy ko muna ito at tumalikod para bumalik sa kinauupuan ko.

Habang abala ako sa kakatingin sa hot choco ko , dahil baka nga matapon , ay may humila sa braso ko kung saan ko ito hinahawakan and great !! eto na naman !

"Hey Lour-----" nawala ang ngiti nya at napalitan ito ng ngiwi nang bumuhos saming dalawa ang hot choco

"Gosh I'm sorry Lourent" sabi nya pa

Ako naman nakanganga lang dahil sa pag kabigla. Ipaalala nyo nga sakin na hinding hindi na ako bibili ng hot choco every Monday morning. To think na hindi lang eto ang unang beses na natapunan ko sya dahil kasalanan naman talaga nya.

"You ruined my mood again Khian" walang emosyon na pagkaka sabi ko at napa eyeroll pa

"Akala ko kase wala kang hawak eh tapos nag lalakad ka lang ng dahan dahan hehe"
what a valid reason

Palihim nalang akong umirap dito at nag walk out

"Hey Lour I'm sorry. Natapunan din naman ako ah." sabi nito at hinawakan ako sa braso

Hinarap ko naman sya para di na mangulit "So ngayon kasalanan ko pa kung bakit ka natapunan?" sabi ko dito sa huli

"Yes." sabat nya na ikinakunot ng noo ko

"I mean no. It's not your fault but it's not mine too" pahabol pa nito

Pinaningkitan ko ito ng tingin at akmang tatalikod pero di pa ako nakakatalikod ay hawak na nito ang balikat ko. Awtomatiko naman akong napalingon sa kamay nito na dahilan upang ikabigla nya at bawiin agad ang kamay nya na nag dudulot ng libo libong boltahe sa katawan ko

"Hi Khiana !" bigla namang sumulpot si Sab sa gilid ko

"Uh-oh ! Wrong timing ata ako" tulad ni Khiana , ang ngiti nya ay napunta sa ngiwi

At para putulin ang awkward moments ay hinila ko na si Sab palabas

"Samahan mo ko" yun lang at kinuha ko na ang kanyang kamay

"Bye Khiana" pahabol pa nito

At nang lumingon ako ay nakita ko pang nakangiti ang bakulaw na yun

"Anong nangyari ?" usisat ni Sab nang matapos akong makapag bihis

Buti nalang may extra uniform ako sa locker kundi baka buong araw nakasambakol ang mukha ko at para akong sinakluban ng langit at lupa

"Nagkabungguan ulit kami" sabi ko ngunit sa harap lang naka tingin

"Eh bakit parang hindi nagalit si Khiana nung nagkabungguan kayo? Alam mo bang galit na galit yun pag nadudumihan sya?" sabi nya naman

Nag kibit balikat lang ako at tumuloy na sa pag lalakad dahil baka mahuli kami sa klase. Tamang tama naman dahil pag upo namin sa aming kinauupuan ay sakto namang dumating ang guro namin at pinagawa na sa amin ang mga dapat naming gawin.

"Sorry prof I'm late" napukaw ng aking atensyon sa nag salita

"As always Alfonso , come in" sabi naman ng guro

Nakangisi naman syang nag lakad at parang ipinangangalandakan pa nya na hindi sya nakasuot ng uniform at hindi pa sya nag papalit?! Kaya pala umingay ang bulong bulungan sa loob ng aming klase

"Mind your own business students. Go back to your works" sita naman ng guro sa kanila

Naupo si Khian sa tabi ko at ngumiti pa sakin

"Ba-bakit di ka na-nagpalit?" tanong ko

"Wala na kase akong pamalit eh. At tsaka ayos lang to" sabi nya pa habang naka ngiti pa din

Nanahimik nalang ako at ibinalik ang atensyon ko sa ipinapagawa ng professor namin. Ngunit may nakalimutan pa akong itanong sa kanya kaya humarap ulit ako dito

"Ah Khian?" tawag ko dito

"Hmmm ?" tugon nya ngunit wala sakin ang kanyang tingin

"Ka-kanino mo nga pa-pala nakuha yu-yung---" di ko pa natatapos ang pagiging utal ko ay sumingit na agad sya

"I have my ways" sabay kindat sa likod ko

Pag tingin ko naman sa likod ko ay nandun pala si Sab na abot langit na ang ngiti

Hmm.. I find my ways daw. Ano sya BDO? We find ways ?

Bumuntong hininga nalang ako at itinuloy na ang ginagawa

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon