Chapter 8 Something 'bout you

13 2 0
                                    

Khiana's POV

Nasa kwarto ako ngayon dito sa condo ko. Di na muna ako umuwi ng bahay dahil medyo malayo pa ang byahe pero nagpaalam naman ako kila mama and pumayag na naman sila. May sarili kase akong condo na ako mismo ang bumili dahil sa pag tulong ko sa coffee shop namin. 50% kasi ng kita nun napupunta sakin dahil nga ako ang madalas na nag aasikaso dun. Marami kase kaming branches ng coffee shop namin , meron sa Batangas , Cavite , Tagaytay at Baguio pero dito sa Laguna ang pinaka sikat at yung kita lang dito sa Laguna yung akin.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko sa kama at humiga na din hehe nakakatamad kase ngayong araw eh. Since Sunday nga ngayon , dapat nasa bar ako nila Shara , eh kaso nga umalis naman sya. Nagpunta kase sya ng States at doon na sya mag tatapos ng pag aaral. 3rd year college na kase sya at ako ay 1st year palang. Nakakatampo nga kase umalis sya ng walang paalam. Actually nagpaalam pala sya di nga lang ako nakikinig nun

kring~~~ kring~~~~~

Nagising ako sa pag tunog ng cellphone ko

"Ang aga aga nang iistorbo ka. What's wrong with you---" sabi ko agad pag sagot ko ng tawag nito

"Good morning din cous" sarcastic na sabi nito

"Bakit ka ba kase tumatawag ng ganito kaaga?" tanong ko dito at pupungay pungay na tumayo

"Gusto ko lang naman ipaalam sayo na ligtas akong nakarating sa States at---" di ko na sya pinatapos dahil nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

"States Shara ?! Ano namang ginagawa mo dyan ?!" medyo mataas na tono ng pananalita ang ginamit ko

"Eh diba sinabi ko na sayo to nung nas---" di ko ulit sya pinatapos dahil wala naman akong naalalang may kinwento sya

"Wala kang sinasabi sakin kahit isa !" sigaw ko dito

"Aba ! Tinanong ko pa nga kung di---" pinutol ko ulit to dahil nabibigla ako

"Shara sabihin mo nalang kase sakin kung anong ginagawa mo dyan ?!" inis na tanong ko at pumasok na ng banyo

"Eh pano ko nga masasabi kung palagi mo nalang pinuputol yung salita ko ?!!" sigaw nya naman

"Ok fine hindi na" pag suko ko

"Dito na nga kase ako mag tatapos !" naiinis din na tono nya

"Yun lang naman pala eh..." sabi ko naman at kinuha ang toothbrush ko...

ANO DAW ?!

"TEKA !! ANO SHARA ?! DYAN KA NA MAG AARAL ?! THE---" pasigaw kong tanong

"FUCK KHIAN ANG SAKIT MO SA TEN---" nilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil para akong mabibingi at sa halip ay ipinatong ko na lang ito sa sink ng banyo ko at niloud speak

"Bakit kase di mo sinabi sakin" this time malumanay na ang tono ko

"Anong di sinabi ? Eh tinanong ko pa nga kung di mo ba ako mamimiss eh at sumagot ka na mamimiss mo ako. Kaya pala nag tataka ako kung bakit ganun lang ang naging reaksyon mo" sabi naman nya

Oh ! So ayun pala yun... Kaya pala tinanong nya kung masama ang pakiramdam ko

"Teka nga Khi ?! Di ka nakinig sakin nun no ?!" sabi nya

Patay ! Ano sasabihin ko ?

"Ahm ano kase yun Sha eh... Ganito kase ano eh.. hehe" sabi ko at nag toothbrush na

"Tell me Khi , anong nangyari sayo sa cr ? Kase mula nung bumalik ka para kang tulala at balisa eh." sabi nya

Wala na akong magawa kundi ikwento ang nangyari

"So you don't like that Z girl ha ?" maarteng tanong nya

"Yes ! I mean no ! I don't like her ! I hate her ! Mukha nga syang palaka eh" angal ko naman

"Too defensive Khi. Para namang di kita kilala" sabi nya

Eh di ko naman talaga gusto yung palaka na yun. Lagi kaya kaming napapahiya at napapahamak pag nagkikita kami. May balat ata yun sa pwet eh

"If you like her , go get her ! Para namang di ka Alfonso Khi" pambubusga pa nito

"I don't like her nga !" sabat ko naman

"Kulitin mo sya ! Bibigay din yun" pambabaliwala nya sa sinabi ko

Napaisip naman ako sa sinabi nyang yun at napabuntong hininga

"So anong balak mo pag uwi sa bahay mo dyan ?" pag iiba ko ng usapan at buti naman ay nakisama sya

Napahinga ako ng malalim at idinial ang pamilyar na number

"Hello kuya Robert ?" sabi ko

"Yes ma'am ano pong maitutulong ko ?" tanong nya agad

"Zailee Sebastian. I want to know all about her" sabi ko sa kanya

"Yes ma'am tawagan kita agad pag may magandang balita na po ako" sagot nito

Iyon lang at inend ko na ang tawag.

Bumuntong hininga ako bago umayos ng higa

Zailee there's something bout you

You always make my heart beats so fast

What did you do to me ?

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon