Chapter 9 Deja vu

17 2 0
                                    

Khiana's POV :

"You're so beautiful my love" I said while combing her soft hair using my fingers. She smile over her shoulder and that smile took my breath away.

"Promise me na hindi mo na ulit ako iiwan" sambit ko. Sa babaeng ito lang ako nagmakaawa at nangako. Lumingon sya at .....

Nagising ako sa sinag ng tirik na araw

Bakit yun na naman ang panaginip ko ? Sino ba yung babae na yun ? Bakit paulit ulit syang nag faflashback sa isip ko ? Bakit parang sinasadya ng panaginip ko na hindi sya paharapin at magising agad ako sa katotohanan ?

Tumingin ako sa bintana at tinitigan ang sinag ng tirik na tirik na araw. Bumangon ako at nag inat dahil pinipilit kong alisin sa utak ko yung panaginip ko pero di ko magawa kaya nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagluluto ng tanghalian.

Teka , nasabi ko bang tanghalian ? The fuck ! Anong oras na ba ?

Agad kong tiningnan ang orasan ko sa kwarto upang malaman ko kung anong oras na

"Shit ! Shit ! Shit ! No way !!" chineck ko na din yung phone ko para malaman kung totoo nga yung oras na nakikita ko at hindi nga ako nag kamali dahil 11:45 na ng umaga.

The heck ! Late na ako sa school ! Bakit ba kase nakalimutan kong iset yung alarm clock ko eh ? Dali dali akong nag punta sa kusina at kinain ng mabilis ang niluto ko sabay takbo sa banyo at mabilis na naligo.

Pagtapos kong maligo , gaya ng kinagawian ay hindi ako nag uniform at sa halip ay nag suot nalang ako ng pantalon at black fitted tshirt sabay hablot ng shades na nakasabit sa harap ng human size mirror ko at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko din ang susi ng condo at lumabas na pero pasakay na ako ng elevator ng maalala kong wala pa pala sakin yung susi ng kotse ko.

Walking distance lang naman to papunta sa school pero mas maganda na din na dala ko yung kotse ko kaya tumakbo na ako pabalik sa condo ko nang may nakita din akong babaeng naglalakad ng mabilis at mukhang nag mamadali din pero di sya nakatingin sa dinadaanan nya at papunta sya sa way ko kaya umiwas ako pero pag iwas ko ay muntik naman akong tumama sa vase na nasa gilid nya kaya napabalik din ako sa kanya at nagkabungguan kami.

Nakapatong sya sa harap ko at napapikit naman ako dahil sa impact ng pagbagsak namin. At pag dilat ko ay nabigla ako ng makita ko ang gulat na gulat na mukha ni...
Zailee Lourent Sebastian

Ang babaeng bumabagabag sakin sa araw araw. Bakit sya nandito ? Anong ginagawa nya dito ?

Sa pangalawang pagkakataon ay nangyari na naman ang kahihiyan na to samin. Mukhang hindi nya din inaasahan na makikita nya ako dito

Tumayo sya at inayos ang uniform nya at dahil parang walang balak ang palakang babae na to na tulungan ako ay pinilit ko nalang tumayo mag isa. I am strong independent woman naman eh hehe

"Ba-bakit ka nandito?" tanong nya agad ng makatayo ako

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa

Infairness bagay sa kanya yung school uniform na sinuggest ko kila mama

"Dahil dito ako nakatira ?" pang iinis ko sa kanya at nginisihan ko sya

Tiningnan ko ulit ang maikli nyang skirt at di ko maiwasang mapalunok

"Di-dito ka na-nakatira ?" tanong pa nya

Tumango lang ako dahil para akong pinag papawisan ng malagkit dahil sa nakikita ko at dahil sa kapilyuhan ko ay sumipol ako at agad namang tinakpan ni Zailee ang binti nya gamit ang mga kamay nya

Tumikhim naman sya na naging dahilan ng pag tingin ko sa mukha nya na pulang pula na ngayon

"Ma-mauna na ako" sabi nya at tumakbo na papuntang elevator

Guni guni ko lang ba yun o totoong nauutal sya pag kinakausap nya ako ?

Napailing naman ako at naglakad papunta sa condo ko para kunin ang susi ng kotse ko. Dali dali naman akong lumabas pag kahanap ko nito at naglakad papuntang elevator.

Habang nakasakay ako sa kotse ko ay di ko maiwasang mapangiti dahil sa kapilyuhan ko kanina.

Iba ka talaga Khiana Alfonso

~~~~~~~~~~~

Khiana's clothes on media

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon