Chapter 5 Wrong thought

19 2 14
                                    

Khiana's POV

"Im sorry Zai---" shit ! muntik na sya dun ah. Pero shit din kase nadaganan ko sya. Arrrrggggg !! Di ka nag iisip Khiana! Pwede namang itabi mo nalang sya kase nakaharang sya sa daan diba ? Bakit eto pa napili mong gawin?

Ginusto mo din naman.

Can you please shut up ?!

Di ko malaman kung utak ko ba talaga to o ano eh. Di na nga marunong mag isip nakikisabat pa.

Di ko na napakinggan o nakita pa kung sino man ang nag salita at kung ano ang sinabi nya samin ni Zailee dahil nakatitig lang ako sa nabigla nitong mukha. Gusto ko na sanang tumayo ngunit ayaw namang makisama ng katawan ko.

Pati ba naman katawan ko di nakikisama?
Ano mag kasabwat ba kayo ng utak ko ha?

"Ehem" ay butiki mo !

Napabalikwas agad ako ng tayo at isinama ko na din si Zai sa pag tayo ko. Mahirap na baka may chix sa paligid at baka maturn off sakin at sabihing di ako gentleman.

Di ka naman talaga gentleman ah. Isa pa bibigwasan ko na tong utak ko

Oo nga di ako gentleman pero sa kama lang yun. Eh wala naman kami sa kama ngayon kaya mag papaka gentleman nalang ako.

Yun ba talaga yun?

Hays! Oo nga kase. Ang kulit !

"Let's go Zailee? Mukhang kanina mo pa ako hinihintay eh" sabi ni miss i-dont-care-who-she-is

Panira ng moment eh nakakasura

"Ahm, ehem!" feeling ko may bara sa lalamunan ko eh. Baka pati eto di makisama at mautal utal pa ako

"Zai I'm sorry but I have to go" sambit ko naman

Tumango lang naman sya dahil bakas pa din sa mukha nya ang kahihiyan at pagkabigla

So I guess thats it ! Dali dali na akong bumalik sa kinauupuan namin ni Shara at di na nag paalam pa dun sa babaeng girlfriend ata nung palaka na yun

Hinalikan pa ako sa labi tapos may girlfriend naman pala sya. Ano malandi lang ?

Pabagsak akong naupo sa kanina kong inuupuan sabay napabuntong hininga.

"Tagal mo naman mag cr cous'. Traffic ba?" pabirong sabi ni Shara pero di ko nalang sya pinansin

Kanina kase nung lumabas si Zailee balak ko sana syang sundan. Eh kaso nga mas kailangan kong unahin tong kapakanan ng mga customers at staff dito sa coffee shop namin dahil ako nga ang nagbabantay dito ngayon.

Habang naglalakad ako palabas ay nadaanan ko si Cheena na parang nagrereklamo at tumatalon talon pa kaya nag usisat ako

"What's going on here?" pormal na tanong ko dito

"Eh kase po maam kanina pa po sya nandyan sa loob eh ihing-ihi na po ako" sagot naman nito

Si Cheena ay ang pinaka masunuring empleyado dito sa shop namin

"Get the key" utos ko naman

Tumango naman sya sabay talikod pero sya namang pagbukas ng pintuan na kanina nya pa siguro kinakatok. Bubungangaan ko sana ang babaeng nag kulong sa cr nang mapag tanto ko kung sino ito.

"Ba--bakit ka nan--nandito?" utal na tanong ko

Pero sya naman ay parang bingi na nakatunganga sa mukha ko

Naalala ko tuloy yung second meet namin na sinabihan ko sya na bingi sya tapos galit na galit agad sya

Nag pigil naman ako ng ngiti nang naalala ko ang pangyayaring yun

"So, bye Khi" bumalik naman ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang pag papaalam ni Shara

"Ha ? Ah o-oo s-sige hehe" tumango nalang ako at sumang ayon kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga naintindihan ang sinabi netong babaeng to. Hayss

Eh paano naka focus ka sa babaeng wala naman sa tabi mo

Aba't sabi ko sayo di ba wag ka nang sasabat ulit ?!

Tumayo na naman si Shara at inihatid ko naman sya sa kanyang kotse

"Di mo ba ako mamimiss?" tanong neto

Clueless akong napatingin sa kanya subalit nakatingin naman sya sa malayo

Ayan kase di nakikinig kanina

Pwede ba please lang lumabas ka muna sa ulo ko ?!

Pero joke lang naman kase baka matigok ako pag ginawa mo yun eh hehe

"Khi ? Kanina ka pa wala sa sarili mula nung nag cr ka ah. May nangyari ba sayo ?" nag aalalang tanong ni Shara

"Ha ? Ano kase , masama lang pakiramdam ko." ang number one na palusot ng mga sinungaling hays. Sorry cous'

"Ah ok. Mag pahinga ka nalang kaya sa bahay nyo then pabantayan mo nalang sa iba tong coffee shop nyo?" sabi naman nya

Ngumiti naman ako ng bahagya sabay tumango

"Ahm, bye Sha. Mamimiss kita." sabi ko naman bilang sagot sa tanong nya kanina na ewan ko kung ano yun haha

Sumakay na naman sya sa kotse at bumusina muna bago ito pinaandar at ako naman ay sinundan nalang sya ng tingin.

Pagka pasok ko naman ng shop ay ibinilin ko na kay Cheena ang mga dapat gawin at umuwi na ako agad ng bahay

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon