Xander’s POV
Hindi ako makapiwala na kasama ko na ang aking prinsesa.Pero I will grab this opportunity to ask some question to Aquisha.“Quisha, Ano naman ang nagustuhan mo kay Tyron na naging crush mo noon?”
“Gwapo kasi siya eh”
“Ah ganon ba,kung manliligaw siya sayo bibigyan mo ba siya ng pagkakataon?”
“Hindi,kasi talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya”
“Eh kung darating ang lalaking magmamahal sayo ng hindi ka lolokohin.Bibigyan mo ba siya ng pagkakataon?”
“Eh ano ba yan,Kumain ka na nga at nang mabusog ka na”
“Ba’t ayaw mong sagutin Quisha.”
“Basta kumain ka na lang Xander Ok”
“Sige na nga mahal na prinsesa”
Nagpatuloy sila,pero seryosong kumakain si Xander.At nababahala naman si Aquisha kung bakit ganon si Xander kaya tinanong na naman ni Aquisha si Xander.
“Hoy Xander,may problema ka ba?”Sabihin mo lang sa akin”
“Wala naman, kumain na lang tayo”
Aquisha’s POV
Nababahala ako kay Xander,bakit siya ganon. May nasabi ba ako sa kanyang masama. Bakit kasi tinatanong niya ang lovelife ko.Wala akong ganang matopic ang naging lovelife ko noon.Makalipas ang ilang minute natapaos na si Aquisha pero itong si Xander ang bagal bagal kumain.
“Xander(yinugyug niya ito),may problema ka ba?”
“Ano ba Aquisha( mataas ang boses)”
“Hala,pasensya ka na Xander,makulit lang talaga ako.I’m so sorry Xander”
Nalungkot si Aquisha sa ganitong boses ni Xander sa kanya kaya nanahimik na lang siya at ginalaw galaw ang kanyang cellphone. Napansin ito ni Xander na parang biglang nalungkot si Aquisha.
“Quisha,pasensya ka na,nataasan kita ng boses.”
“Ok lang Xander,naintindihan ko,makulit lang kasi ako.”
“Im sorry Aquisha”
Natapos na si Xander sa kanyang pagkain,wala silang imik sa isa’t-isa.Hindi sila naguusap.Nang biglang may lumapit na kakilala ni Xander sa kanila.
“Bro,kamusta ka na?”
“Oh Bro Ethan,heto ganito parin,single(tumawa)”
“Girlfriend mo ba Bro?”
“Hindi bro,kaibigan lang”
“Kaibigan o Ka-ibigan”
“Kaibigan lang talaga bro.”
Hindi umiimik si Aquisha,nang hindi niya pinapansin sina Xander at Ethan na nag-uusap.
“Ano pangalan niya Bro”
“Ay siya pala si Aquisha,Aquisha siya naman si Ethan”
Aquisha’s POV
Ngumiti na lang ako nong ipinakilala ni Xander ang kaibigan niya.Kasi iniisip ko kung bakit tinaasan ako ng boses si Xander.“Aquisha Villafuente? The daughter of the owner of Villafuente company?”
“Yes,I am”
“Oh,nice to meet you”
“Nice to meet you too”
“Bro sige,alis na ako,may pupuntahan pa kasi ako”
“Sige bro,ingat ka na lang.”
Umalis na nga si Ethan and again,walang kibuan ang dalawa.Pero biglang nagsalita si Xander dahil naiinip na siya na walang nagsasalita.
“Quisha,sorry na,diko naman sinasadya na taasan kita ng boses,pasensya ka na.”
Ngumiti lang si Aquisha,ilang oras tumawag si Ellaine kay Aquisha.
“Bhessy,nasaan ka?”
“Wala ako sa bahay bhessy.Bakit?”“Wala lang,akala ko nandoon ka sa bahay niyo.Sige bhessy tawagan mo na lang ako kung nandoon na kayo sa bahay niyo.”
“Sige bhessy,Bye.”
Nong naputol ang usapan nila ni Ellaine.Kinausap ni Xander si Aquisha.
“Quisha,si Ellaine ba yon?”
“Oo,tinatanong niya kasi kung nandoon ako sa bahay.”
“Ah ganon ba”
“Pwede bang una na akong umuwi,hindi kasi maganda pakiramdam ko eh.”
“Ganon ba,hated na kita at nang masigurado kong ligtas kang umuwi.”
“Salamat,sige tayo na.”
Lumabas na sila at pumunta na sila sa car ni Xander.Tahimik lang si Aquisha.Sa kanilang pag-uwi,nagpakombaba na naman si Xander.
“Quisha,sorry talaga ha.”“Wala yon,kulit lang talaga ako,pasensya ka na kung hindi ka sanay na kinukulit ka.”
“Basta pasensya ka na rin.”
Ilang minuto ang nakalipas,nakarating na sila sa harapan ng bahay nina Aquisha,nagpaalam na si Aquisha kay Xander.
“Oh Xander,dito na ako.Ingat lang sa pag-uwi,dahan-dahan lang sa pagdrive.”
“Opo mahal kong prinsesa este Quisha pala.”
“Sige na nga,pasok na ako,gusto ko nang matulog.Ingat na lang.”
Nagpatuloy na nga si Xander at pumasok na rin si Aquisha sa loob ng kanilang bahay.Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit,pagkatapos ay natulog.
Sa daan,napakabilis si Xander sa pagdradrive at di niya inisip ang sinabi ni Aquisha bago siya nagpatuloy.Parang may dinadamdam na sakit si Xander.Ang bilis siyang magpatakbo sa kalagitnaan ng highway.