Kung bibilangin ang hikab na pinakawalan niya sa buong shift niya siguro ay makaka puno na ito ng isang drum. Pupungas pungas pa din si Kirsten habang inaayos ang mga basang tuwalya na naiwan ng mga bisita sa mga mesa at upuan sa loob ng restaurant. Kinakailangan ma-clear ang mga mesa dahil malapit ng mag-alas siyete ng umaga at available na ang breakfast buffet sa restaurant kaya ilang sandalI na lang ay dagsa na ang mga tao. Kagabi ay sa restaurant muna siya ini-assign ng supervisor nila dahil bihira lang naman ang mga gagawin sa stock room ng hotel kapag gabi at ayaw din niyang mag-stay don mag-isa lalo't gabi pa at sadyang matatakutin siya. Dinala muna niya ang mga towel sa laundry area at pagbalik ay pwede na din siyang mag-out. Sa wakas makakatulog na siya at makakapahinga, pakiramdam niya ay unti unti na siya nauupos na kandila sa pagod at antok.
Pag-balik ng restaurant, dala ng sobrang antok, hindi namalayan ni Kirsten na nabangga niya ang isang turistang palabas ng restaurant. May kalakihan ang katawan ng babae dahilan para tumilapon siya bago pa man makapasok sa main door ng restaurant. Sa halip na tulungan ay sinisi pa siya nito at sinigawan. Pinilit niyang tumayo upang makapag-sorry sa nabangga at para hindi na din sila makapukaw pa ng eksena. Pag-tayo niya ay bigla naman umikot ang paningin niya at muling natumba hanggang sa nawalan na siya ng malay.
Maagap na nasalo ni Tony si Kirsten ng tila nauupos na kandila ito na bumuway mula sa pagkakatayo. Bagamat nagulat siya sa bilis ng pangyayari, naagapan niyang huwag itong bumagsak sa semento. Nag-panic naman si Markus na kasunod niya kaya itinanong nito agad sa staff ng restaurant kung saan ang clinic sa resort at dinala nila si Kirsten na buhat buhat pa din Tony.
Hindi maalis sa mukha ni Tony ang pag-aalala sa walang malay na babaeng karga niya dahil putlang putla ang mukha nito. Naalala niya pa kahapon kung gaano kapula ang buong mukha nito pero ngayon ay tila tinakasan ng dugo ang maputi nitong mukha. Ultimo mga labi ay tila pumusyaw ang kulay. Agad namang nilapatan si Kirsten ng first aid ng Doctor na sumalubong sa kanila sa clinic. Ilang minuto pa ay nagkamalay na si Kirsten. Pinili ni Tony na iwan na ang dalaga bago pa ito magising dahil iniisip niyang maging uncomfortable ito at maalala ang pang-aasar niya dito kahapon eh lalo pang sumama ang pakiramdam nito. Nang masiguro na maayos na ang kalagayan nito, niyaya na niya si Markus na bumalik sa restaurant upang mag-almusal at puntahan ang mga kasama. Pag labas, nasalubong nila ang isang babae na marahil aya nasa 50 ang edad at bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala habang binabangit ang pangalan na "Kirsten? Kirsten?" Ito marahil ang Tita niya, nasabi ni Tony sa sarili bago tuluyang nilisan ang lugar.
Nasa loob na ng kwarto si Kirsten at kasalukuyang pinag-hahain ni Mariz ng mainit na noodles na pinahatid ng Tita nito, bandang alas tres ng hapon.
"Pinakaba mo kaming lahat kanina Kirsten, akala namin ay sinaktan ka nung guest kanina kaya bigla ka na lang bumagsak. At kung makikita mo yun itsura ng guest, parang takot na takot din siya habang sinasabi wala siyang ginawa sa yo hahaha."
Nakangiti na si Kirsten at hinawi ang nakalugay na buhok sa likod ng mga tenga at sinimulang humigop ng sabaw. Maging siya ay nagpapasalamat na wala siya kahit anong galos sa katawan dahil ang huling naaalala niya ay nakatayo pa siya bago nag-blackout ang paningin niya kanina.
"Mabuti na lang talaga nasalo ka nung gwapong kaibigan ni Sir Mark kung hindi, baka may bukol ka na"
Natigilan si Kirsten sa narinig at nagtatakang binalingan si Mariz.
"Anung sinabi mo? Sino ang nakasalo sa akin?"
"Bakit wala ka bang maalala?" Nang matiyak na wala nga matandaan ang kaibigan ay nagpatuloy si Mariz. "Yung gwapong lalaki na hot na isa sa mga kaibigan ni Sir Mark na dumating kahapon. Siguro ay mag-be-breakfast sila at timing na hihimatayin ka pala kaya ayun, siya yung naging instant hero mo!"
YOU ARE READING
Uncertain (A KissTon Fan Fiction)
RomanceNang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay an...