"I bet you're surprised to see me! How are you babe?"
Tila nag-ring ng paulit-ulit sa utak ni Kirsten ang pagbati ng bagong dating na tinawag ni Tony sa pangalang "Yass" kung hindi siya nagkakamali. Awtomatikong inalis ni Kirsten ang kamay niya mula sa pagkakakapit ni Tony ng mapansin niyang matagal na napako doon ang mga tingin ng magandang babae na ngayon ay kaharap niya. Hindi naman siya pinigilan ni Tony at napansin niyang ipinasok ni Tony ang mga kamay sa bulsa ng pantalon, pakiramdam ni Kirsten ay tila guilty ito, nakaramdam siya ng pagkainis na naman dito.
"Of course I'm surprised to see you, when did you arrive?" si Tony at lumapit sa bagong dating at hinalikan at niyakap pa ito.
Nakita ni Kirsten na gumanti rin ng yakap ang babae at nakangiti ito kaya napansin niyang lalo itong gumanda. Ilang minuto ding kamustahan bago siya ipinakilala ni Tony bilang isang kaibigan at employee ni Mark. Kinailangan din nitong i-explain kay Yass na pansamantala siyang nakatira sa bahay nito bilang bago pa lang siya sa Maynila at hindi pa alam ang mga pasikot sikot dito. Hindi nakaligtas kay Kirsten ang tila pasimpleng panunukso ng kaibigan ni Tony na ginantihan lamang ng mahinang pagtawa ng huli.
Nang ipakilala ni Tony si Yassi kay Kirsten ay nalaman niyang isa rin itong modelo at artista, kaya pala napakaganda niya, ang naisip ni Kirsten. Magkakasama sila nina Tony, Mark, Markus sa isang modelling agency at halos sabay sabay na nag-umpisa. Ngayon ay isa nga itong artista at unti-unting gumagawa ng sarili nitong pangalan sa showbiz. Napag-alaman din niyang kararating lang nito mula sa out-of-the country show kasama ang ilan ding artista.
Matapos ang kamustahan ay nag-yaya si Yassi na kumain sa labas pero tumanggi si Kirsten na sumama dahil gusto sana niyang bigyan ng time na makapag catch-up ang dalawa dahil ilang buwan ding nawala si Yassi, medyo nahihiya din kase siya rito. Pero hindi pumayag si Tony na hindi sya sumama kaya nagpa-deliver na lang sila ng pizza at chicken wings, nag-request din si Yassi ng beer dahil gusto daw nitong mag-relax.
"How about you Kirsten, do you drink?" si Yassi na hindi nawawala ang ngiti kapag kinakausap siya.
"Ooopss..sorry Yass, she can't. She's only seventeen, basically a kid so you can't ask her to drink"
"Oh!" medyo nagulat na reaksyon ni Yassi. "You're only seventeen? Then why did you bring him here to live with you, you jerk" hindi na napigilan ni Yassi bagamat normal naman sa kanila ni Tony ang ganitong klase ng pag-uusap. Pero ng makita na tila namula si Kirsten at yumuko ito, agad naman siyang bumawi.
"Oh I'm sorry dear, I..I don't mean to offend you, I'm really sorry. First of all, it's for Tony okay? No, actually, he's not really a jerk, sometimes lang haha. But he's really a nice person and he's very caring. I just hope he treats you nice, is he?"
"Woah! Do you know that you're the second person who warned Kirsten about me? The first one is Mark. What's wrong with you guys ha?" may himig pagtatampo na nakangiting tanong ni Tony.
"Oh my gosh! If it's Mark who warned you Kirsten,you should listen. He knows Tony from root to tip hahaha" patuloy na panlalaglag ni Yassi kay Tony.
Gumanti lamang ng tipid na ngiti si Kirsten kay Yassi pero alam niyang medyo na-hot spot siya ng kaibigan ni Tony. May point din naman kase ito kahit binibiro nito si Tony. She's only seventeen and yet she lives in the same house with Tony, hindi nga naman magandang malaman iyon kahit pa alam niya sa sariling wala siyang ginagawang masama.
Nang maramdaman ni Tony na tila naiilang si Kirsten ay sinubukan nitong ilihis ang usapan.
"Anyway, I think Kirsten baked a macaroni din, why don't we serve ourselves while we wait for the pizza and your beer. I'll just get it."
YOU ARE READING
Uncertain (A KissTon Fan Fiction)
RomanceNang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay an...