Lakad –takbo ang ginawa ni Kirsten para makalayo kay Tony habang panay ang punas ng mga luha niyang walang tigil sa pagpatak. Halo-halo na ang nararamdaman ni Kirsten – pagkalito, takot, kaba pero nangibabaw ang pagkapahiya sa sarili dahil hinayaan niyang mangyari ang mga hindi dapat mangyari. Wala siyang lakas ng loob na panlabanan ang nararamdaman kaya hindi niya kayang harapin si Tony at ibunton dito ang sisi sa nangyari. Kung hindi niya naalala ang huling pag-uusap nila kaninang umaga ng tiyahin ay hindi siya magigising at babalik sa katinuan. Sa unang pagkakataon ay hindi siya naging sigurado sa sarili at alam niya na natangay siya ng nararamdaman at sa epekto ng halik ni Tony.
Malapit na siya sa employees' quarter ng marinig niya si Tony na tinatawag ang pangalan niya. Muli niyang binilisan ang paglalakad at nag-desisyon siyang sa likod na bahagi siya dadaan upang hindi makita nito. Imbes na sa kwarto nila dumerecho ay sinubukan niyang buksan ang pinto ng silid ni Mariz at nagkataon naman na hindi ito naka-lock kaya dali-dali siyang pumasok at kaagad na isinara ito. Isinandal niya ang likod sa pinto atsaka sunod-sunod na pinalaya sa dibdib ang hingal dulot ng kaba at pagtakbo ng mabilis. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig siya ng malalakas na katok at pagtawag sa pangalan niya. Mula sa silid nila ay apat na pinto ang pagitan bago ang kay Mariz kaya alam niyang sumisigaw si Tony habang binabalagbag ang pinto. Pero hindi siya lumabas kahit halos magmakaawa ito sa pag-tawag sa pangalan niya at halos mag-wala na rin ito sa pasilyo. Nag-desisyon siyang huwag muna itong harapin dahil kailangan muna niyang ayusin ang sarili. Hindi rin siya umaalis sa pagkakasandal sa likuran ng pinto dahil sa mga oras na ito ay parang hinang hina ang pakiramdam niya at tanging ito lamang ang pwede niyang asahan para hindi siya mabuway.
Nang mapagod ay dahan-dahan niyang idinausdos ang sarili at naupo sa sahig. Hindi niya alam kung may ilang oras na siya sa ganoong posisyon pero ng muli niyang pakiramdaman ang mga kilos sa labas at wala na siyang marinig, tumayo siya upang lumabas. Pinihit niya ang doorknob para lumabas ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mariz na nagulat pagkakita sa kanya.
"Kirsten?!"
Mabilis niyang hinawakan sa braso si Mariz at hinila ito papasok ng silid sabay sara ng pinto. Sinenyasan ni Kirsten ang kaibigan na huwag mag-ingay na agad naman nagets ni Mariz. Sinigurado ni Kirtsten na naka-lock ang pinto bago hinila si Mariz para maupo sa kama nito. Bakas pa din sa mukha ni Mariz ang pagtataka sa mga ikinikilos ni Kirsten kaya sa mahinang boses ay nauna na siyang magtanong dito.
"Anu bang nangyayari bes? Bakit andun si Tony sa labas ng pinto ninyo at nakasalampak dun? Tinanong ko siya kung anung ginagawa niya dun pero hindi naman ako sinagot.." sunod sunod na ang mga tanong ni Mariz. "Atsaka, bakit andito ka sa silid ko? Tinataguan mo ba si Tony?"
"Bes, paki-hinaan naman ang boses mo, baka may makarinig sayo.."
"Oh sige, bubulong na lang ako..anu ba kase ang nangyayari?"
"Mahabang kwento kase bes...pwede ba dito muna ko matulog ngayong gabi? Wala kase si Tita Crystelle kaya wala akong kasama sa kwarto.."
Nakatingin lang si Mariz sa mukha ni Kirsten, gusto nya sana kulitin ito para magkwento pero naramdaman niyang may pinagdadaanan ito, mugto ang mga mata at tila naguguluhan. Naisip din niya na maaaring may kinalaman si Tony kaya ito nasa harap ngayon ng silid nina Kirsten pero aantayin niya na lang ang kaibigan na kusang-loob na mag-kwento kapag kaya na nito.
Tumayo si Mariz at tinungo ang cabinet at kumuha ng t-shirt at iniabot kay Kirsten. "Magpalit ka muna ng damit bes, basa ka ng pawis, baka magkasakit ka" pagkatapos ay kumuha din siya ng isang basong tubig at pinainom sa kaibigan.
Hanggang sa maubos ni Kirsten ang tubig ay hindi pa rin ito kumikibo kaya't inayos na ni Mariz ang kama at iginiya ang kaibigan para makapagpahinga. Kinumutan niya pa ito at pinatay ang main light at binuksan naman ang maliit na lampshade na nasa gilid ng kama.
YOU ARE READING
Uncertain (A KissTon Fan Fiction)
RomanceNang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay an...