Maagang nagising si Tony para maghanda sa pagpasok sa opisina. Bagamat medyo nahihilo ay nagawa pa rin niyang mag-prepare ng breakfast bago naligo at nag-bihis. Paglabas ng silid ay sinubukan niyang katukin si Kirsten pero nagdadalawang isip siya. Pagkatapos ng nangyari kaninang madaling-araw ay wala siyang mukhang kayang iharap sa dalaga. Alam niya sa sarili na magiging akward na si Kirsten sa kaniya kaya nakaramdam siya ng pagsisisi sa ginawa. Pero sa kabila ng paninisi sa sarili ay hindi rin niya maiwasang makaramdam ng sobrang kasiyahan. Yung saya na tila ngayon lang niya ulit naramdaman matapos ang ilang buwan ng pagiging miserable.
Dumiretso na siya sa dining table at nadaanan ang bagong gising na si Yassi na nakaupo sa sofa at binuksan ang TV.
"Dude, did you sleep here in the couch last night?" tanong ni Yassi
"Yeah"
"Why?"
"Why? Well, let me remind you, you drunkard. You invaded my room and my bed so I have no choice but to sleep here"
"Oh common, why didn't you sleep in the other room? Or..are you sure you didn't sleep in her room?
"I didn't sleep in her room okay? And why would I even do that?"
"Hmmm....so you're a change man now ha? Having a woman in your house but not sleeping with her?"
"Your mouth, Yass! I told you, Kirsten is a minor and even if she's not, I still won't sleep with her..."
"Really now? You know what dude, you should try harder to make me believe. I know you so well man"
"Haha. Bahala ka nga. Let's eat and I need to leave for my early meeting"
"Oh wait, sasabay na ako sayo, I also need to catch up on my errands. Where is Kirsten by the way? Is she still sleeping?"
"I think so"
"I'll wake her up para sabay-sabay na tayo mag-breakfast"
Tinungo ni Yassi ang kwarto ni Kirsten at eksakto naman na kagigising lang din nito. Maya-maya pa ay sabay sabay na silang tatlo na nag-aalmusal. Sa unang pagtatama ng tingin ni Tony at Kirsten ay tila nagdulot ng sari-saring emosyon para sa dalawa. Nakaramdam si Kirsten ng tila pagkahiya at awkwardness samantalang si Tony ay pilit inaalam ang nararamdaman ng dalaga. Tahimik lang din siyang pinagmamasdan ito at naramdaman niyang tila umiiwas ito ng tingin sa kanya. Mabuti na lang ay kasama nila si Yassi ngayon na bagamat walang alam sa namamagitan sa kanilang dalawa ay pilit na binabasag ang anumang ilangang nasa hangin.
Nag-volunteer na si Kirsten na iligpit ang pinagkainan habang si Yassi naman ay dumiretso na ng banyo para maki-ligo para makasabay kay Tony. Nang maiwan si Tony at Kirsten sa kusina ay tila bumalik ang ilangan nila pero si Tony ang unang bumasag sa nakabibinging katahimikan ng iabot niya kay Kirsten ang cellphone na binili niya para rito.
"Ahm..I just have to attend to early meetings with our clients, if in case you need me or anything, call me."
Nakatingin lamang si Kirsten sa box ng phone na hawak ni Tony pero hindi niya ito magawang tanggapin.
"I-I will just use the landline.."
Kinuha ni Tony ang kamay ni Kirsten at inilagay sa mga kamay nito ang cellphone.
"I am not always beside the landline but I am with my phone. It's more practical to use so you can reach me right away"
"I don't think I need this, binili mo ba ito? Magkano? Pwede naman sa akin yun ordinary phone lang, mukhang mamahalin ang isang to.."
"Kirsten, please. Let's not argue about this okay? I have so many spare phones, some from company that nobody uses them, and you need this para madali mo akong ma-contact. I saved my number there, call me anytime okay?"
YOU ARE READING
Uncertain (A KissTon Fan Fiction)
RomanceNang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay an...