Chapter 2

413 27 2
                                    

Nakarating si Kirsten sa school bago mag-alas onse ng tanghali at nakumpleto naman niya ang mga kailangan sa loob lang ng isang oras. Laking pasasalamat niya na hindi sya inabutan ng 'lunch break' kung hindi ay gagabihin sya ng pagbalik sa resort. Kagaya ng bilin sa kanya ng tiyahin, dumeretso sya sa bahay nila upang kumuha ng ilang damit ng Tiyahin at nag-empake na din para sa nalalapit niyang pagluwas sa Maynila. Siniguro niyang wala na syang nakalimutan at binitbit na ang may kabigatang bag. Pag labas nya sa main road ay nakasalubong niya ang isang kapit-bahay na hinila sya sa tabing kalsada at tila lilingod lingon sa paligid bago nagsalita.

"Kailan ka pa dumating? Nasaan si Cristy, bakit di mo kasama?" bungad na tanong ng kapit-bahay nila. Bagamat pamilyar sa kanya ang mukha ng babae ay hindi naman nya alam ang pangalan nito. Simula kase ng lumipat sila ng Masbate mula Davao ay hindi naman sya nakakalabas ng bahay. Tanging school at bahay lamang siya.

"Ah eh, kadarating ko lang po pero paalis na din ako, kumuha lang po ng ilang gamit kase hindi po makakauwi si Tita sa day-off niya", napako ang mata ni Kirsten sa braso nya na hindi pa rin binibitawan ng kausap.

"Ganun ba? Makinig ka mabuti iha, sabihin mo sa Tita mo, huwag na muna syang umuwi dito sa inyo ha?" "May dalawang lalaki na may dalawang beses ng pumunta sa bahay ninyo at hinahanap siya. Ayoko naman mag-isip ng kung ano pero wala ako tiwala sa mga itsura non, kaya sabihin mo na lang sa kanya na huwag na munang uuwi dito.  Atsaka.. Ikaw, mag-ingat ka din." Doon lamang ito bumitaw sa kanya at inunanhan pa sya mag-para ng jeep ng dumaan at halos ipagtulakan na syang sumakay dito, hindi na nya nakuhang magpasalamat dito sa bilis ng mga pangyayari.

Habang nasa jeep, di pa rin mawala sa isip nya ang sinabi ng babae. Sino naman kaya yung mga lalaki na maghahanap sa Tita niya? May atraso ba si Tita sa kanila? Mabuti na lang din at nakauwi sya ngayon at nakauap ang babae kanina. Bahagya syang pumikit at nagdasal, nagpasalamat din sya dahil may mga taong concern sa kanila ng Tita niya.

Bago mag-alas sais ng gabi ng dumating sa resort si Kirsten. Dahil mabigat ang bag, nahuli syang bumaba at pinauna ang lahat ng pasahero. Tinulungan naman siya ni Mang Ador, ang driver ng Bangka pero pinigilan niya ito na ihatid siya sa employees quarter. Para skanya, para lamang sa mga bisita ng resort ang ganong courtesy, gusto na din niya makapahinga ang matanda kaya inawat niya ito.

Habang tinatahak ang daan papunta sa kanilang kwarto, nadaanan ni Kirsten ang isa sa mga VIP villa na sa tingin niya ay ang siyang tinuluyan ng mga bagong dating na mga kaibigan ni Mark. Maingay at halos malakas na music ang nangingibabaw sa paligid dahil sa pagsasaya ng mga ito. Nakita din niya ang mga inuming alak, softdrinks in can at chips na nagkalat sa terrace ng villa.

"Hay, kawawa na naman si Mang Orly nito bukas" iiling iling na lang na nasambit ni Kirsten na ang tinutukoy ay ang isang matandang katiwala din sa resort na taga-linis sa umaga.

"Why but I guess the moon here in Villa Virgina grant my wish so quick" nagulat si Kirsten sa tinig ng lalaki na bigla na lang sumulpot sa likuran niya.

"Hey! Hello again!" naka ngiting bati sa kanya ng lalaki sa harapan. Sa pagkakatanda niya ay Bailey ang pangalan nito. Naamoy agad ni Kirsten na amoy alak ang lalaki at pulang pula ang mukha. Kahit papano ay di sya nagpahalata pero mabilis niyang binaba ang bitbit na mabigat na bag, kung sakali man na may gawin itong di maganda sa kanya, since nakainom ito, ay makakatakbo siya agad.

"I'm Bailey. Again. And you are?" inilahad ang kamay sa harap niya.

"Kirsten" nahihiyang tugon naman niya. Ayaw niya sanang ibigay ang pangalan dito pero nag-dalawang isip siya na baka maisumbong siya nito kay Mark kapag nalaman nitong empleyado siya ng resort, baka masermunan pa siya ni Sir Ivan pag nagkataon.

"Kirsten. I assume that's your real name. Nice to meet you, Kirsten" eto na ang kumuha ng kamay nya para makipag kamay ng tila mapansin na wala siyang balak makipag-shake hands dito.

"So, are you a guest here too? Which villa you stay at?"

"No, hindi ako guest dito. I'm an employee here"

"I see. That's nice. But you look so young, how old are you? Do you have working permit because you look like you're just... fourteen?" tila amused ito habang nakatingin sa kanya.

Uncertain (A KissTon Fan Fiction)Where stories live. Discover now