Hello dear readers. First of all, I really want to say sorry to you especially to those na nag-hihintay ng updates. I was really busy and swamped with work lately plus dumagdag pa ang masamang pakiramdam kaya hindi ako nakapag update ng weekend. I just want to say Thank You too sa lahat ng nagbabasa and I get quite a few notifications on new followers, new comments, new readers who added my work to their list - maraming salamat!
By the way, I was at Kisses Mega Docu Premierre last Sunday and I was extremely happy to see Kisses up close and personal, I just didn't had the chance makapag picture kase talagang dinudumog siya. But guess what, I had a selfie with Tony, oh my Gosh! Hindi ko talaga pinalampas ang opportunity. Despite being sick and tired last Sunday, napawi lahat because I was able to meet my two faves who happen to be the stars of this fan fic. I love them so dearly kaya naman pinilit kong matapos ang chapter 8 to give back for the beautiful experience I had with them. This chapter is just as important as the other chapters but this might not be loaded with so much kilig - I'm actually preparing for the next chapters since 1 day remaining na lang sila Tony sa resort so please bear with me. I wanted the next chapters to be really special before I switch to a more serious parts of the story. Once you're done reading chapter 8, please vote and let me know your feedback on the comments, I will try to finish everything at work so I could update earlier than usual :)
----00----
Dahil sa tensyon at biglang pag-ambon, hindi na natuloy ang balak sanang pag-stop by nila sa isang island para mag-bonfire. Iniutos ni Mark na bumalik na ang bangka sa resort bago pa lumakas ang unti-unting lumalaking patak ng ulan. Mabuti na lang ay sakto na pag-daong ng bangka ay biglang bumuhos ang malakas na ulan na ikinatuwa naman ng magbabarkadang Mark, Bailey, Joao at Markus kasama sina Zarah at Athena. Tanging si Tony lamang ang hindi makitaan ng enjoyment pero nag-pabasa rin naman ito sa ulan habang nagtatakbuhan ang mga kaibigan niya.
Kinailangan sumilong ni Kirsten, Mariz at Ate Marge habang inaantay na tumila ang ulan, hindi nakaligtas sa paningin ni Tony ang pag-alalay ni Kirsten sa kaibigang si Mariz, gamit ang dahon ng saging na dala-dala nila sa bangka ay pinayungan nito ang ulo ng best friend. Narinig ni Tony kanina habang nag-uusap ang mga ito at ang tinatawag nila na Ate Marge na masama pala ang pakiramdam ni Mariz pero gustong gusto nito na sumama sa activity kaya naman binalewala ang nararamdaman. Kita niya din na masayang masaya ito habang nakikipag-usap kay Mark at kina Bailey pero napalis ang masayang mood nito dahil sa mga ginawa ni Zarah kanina. Kaya siguro ganon na lang ang labis na pag-alalay dito ni Kirsten at kanina lang ay ang akmang ipagtatangol nito sa mga pang-iinsulto sa kanila ni Zarah. 'She's one hella tough woman' naisip ni Tony.
"Para silang mga bata na nagtatampisaw sa ulan" pansin ni Mariz sa grupo nila Tony habang nakasilong sila ni Kirsten at Ate Marge sa isang beach hut.
"Ang we-weird kamo nila" may himig inis naman si Kisses.
"Anu naman ang weir don bes, nag-eenjoy lang naman sila..baka kase sa Manila, walang ulan" sabay tawa ni Mariz.
"Salamat naman at bumalik na ang best friend ko" napalingon si Mariz kay Kirsten "Kanina kase nawala siya ng mga ilang oras din...nakaka-panibago pag anjan sya pero tahimik ang paligid...nakaka-miss" may konting pang-asar na pa paglalambing ni Kisses at niyakap pa sa tagiliran ang best friend.
"Pasensya ka na bes ha, nabigla lang kase sa sinabi nung babaitang yun" sabay nguso sa direksiyon kung nasaan si Zarah. "Biruin mo, insultuhin ba naman ang pagkababae natin at pagiging probinsyana? Akala mo kung sino.."
YOU ARE READING
Uncertain (A KissTon Fan Fiction)
RomansaNang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay an...