Lyrics five

20 8 29
                                    




"Matanong ko lang baby boy Bakit me klase pa kayo sa paaralan niyo? eh April na kaya." tanong ni Ate Misha sakin. Kaya napaisip naman ako.

"Ah ganun po talaga sa school namin sa East University hanggang May pa ang pasok." paliwanag ko sa kanya.

"Ah ganun ba?" sagot niya naman.

"Bakit nga po pala nandun kayo kanina?" Tanong ko naman sa kanya

"Wala lang pumapasyal lang ganun hahaha." tawang sagot niya. nagkibit balikat naman ako Paano naging pasyalan ang paaralan namin?



Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay agad din akong bumaba.
Pero ang samasama talaga ng tadhana sakin at nakita ko na naman ang bestfriend kung hinahalikan ni gagong Jake psh!

Tok~tok~tok~

Gulat akong napatingin kay ate Misha nang pinukpok niya ang helmet na suot ko. Akala ko naman na kukunin niya na kaya balak ko sanang hubarin na. Pero pinigilan niya ako.

"Alam mo baby boy? Uso rin ang pumikit at mag let go kung talagang masakit na. Wag mo hayaang lamunin ka ng kalungkutan." saad niya at nainis naman ako dahil wala nama siyang alam.

"Ano bang alam mo?"I bitterly answered her.

"Wala, woah! easy wag ka namang
mag super saiyan sa harap ko
baka di mo alam Ako ang female version ni One punch man hahaha." saad niya pa kaya imbis na magalit ako ay agad naman akong napatawa sa corny jokes niya.

"Benta nun ano?" saad niya tiningnan ko naman ito habang tumatawa. Mabuti pa siguro si ate Misha walang kinakaharap na problema.


"Siya ba ang dahilan kaya ka umiiyak kanina?" tanong niya kaya gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Alam mo dalawa lang naman ang alam kung dahilan para umiyak ang isang lalaki sa harap ng isang babae baby boy. Gusto mong malaman?" nakangising tanong niya. Tumango naman ako.

Nakita niya siguro ako kanina tsk. Nakakahiya


"First reason, baka piningot siya ng kanyang Inay niya sa betlog haha." Walang prenong sagot nito sabay hagalpak ng tawa. "Or, Malamang mahal na mahal niya talaga ang babaeng yun." saad nito sabay ngisi sakin.

"So alin ka dun?" tanong nito pero hindi na ako sumagot ar tumawa nalang.

"Bakit ate nagmahal ka na ba? Iniyakan ka narin ba nang lalaking nagmahal sayo?" Balik na tanong ko dito at siya naman ang nagulat sa sinabi ko.

"Oo naman sa pitong lalaki pa nga eh hahaha" saad niya pa sabay tawa nagulat naman ako sa sinabi niya.

Ang totoo maganda naman talaga si ate Misha. Yun nga lang medyo may pagkaboyish ang pormahan niya. Magandang astig.

"Pwede kong malaman?" tanong ko pa. kahit wala naman akong karapatang magtanong sa personal na buhay niya.

"S-sa BTS hahaha! Agik! ikaw naman masyado kang seryoso. Pero kilala mo sila? " Saad niya pa ahh kaya naman pala fangirl si ate Misha Napangiti naman ako sito.


"Yes I think they're cool." sagot ko sa kanya.

"Exactly! baby boy hahaha At dahil jan gusto na kitang ampunin." Sambit niya kaya natawa nalang ako sa kakulitan niya. She's fun to be with. Kahit ngayon lang naman kami nagkakilala.

"Oh siya, Sige lumapit ka nga muna dito." tawag niya naman sakin at lumapit naman ako. Agad siyang may kinuha na marker sa bulsa niya at saka nagsulat sa helmet na suot ko pa.

"Tawagan mo ako pag may nararamdaman kang sakit ha? yan yung number ko at sinasabi ko sayo.
Pag masyadong mahapdi na sa mata ang mga nakikita mo. Matuto kang pumikit. Kaya nga may talukip yung mata natin diba?" paalala niya sakin sabay tawa na naman. She's corny pero nakakatawa narin yung kakornihan niya. I'm glad I finally meet her. Will accidentally.




"Uso rin pumikit baby boy. Sinasabi ko sayo, close your eyes, Take a deep breath and think of happy thoughts." saad niya pa sabay tawa hindi ko tuloy alam kong seryoso ba talaga siya sa mga payo niya. Kahit kasi walang nakakatawa eh tumatawa siya.

"Siya nga pala baby boy." samvit pa niro.

"Kenneth po pangalan ko ate Misha. " pagrereklamo ko sa tawag niya sakin

"Oh ki- Kenneth or Kent basta baby boy tawag ko sayo pabayaan muna si ate alam mo? aba! bihira lang yung mga tao na hinahayaan kung tawagin akong ate kaya pagbigyan muna ako." saad niya at napatango naman ako saka tumingin sa kanya.


"So yun nga baby boy pag sinaktan ka ulit ng lokong bastos na bata na yun. Sabihin mo sakin hahamunin ko yun ng kickboxing at papagapangin ko yun sa loob ng ring sa sakit gusto mo?" Saad niya at nanlaki naman yung mga mata.

So nanood nga siya samin kanina?
Haisst...napakabrutal naman nun.

"Joke! Hindi ako pumapatol sa bata pero sabihin mo lang sakin at isa-isa kung pipitikin ang mga ngipin nun para hindi na ngumisi sa'iyo." Saad niya ulit at napangiwi naman ako. Pati yun nakita niya?




"HAHAHA" biglang hagalpak na tawa niya. Naguguluhan naman akong tiningnan siya wag naman sanang may problema si ate Misha sa utak?

"May problema kayo ate?" tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba naman baby boy. Pag tumatawa ba yung tao sa tingin mo may problema siya?" tanong niya.

Oo kaya some people hide their pain and sadness through smile and laughter. It's a good disguise and no one will ever notice just like mine.

"Sa utak? bigla lang kasi kayong tumatawa..Aray!" saad ko pero agad akong napadaing dahil kinutungan niya ako.

"Ah? so sa tingin mo me sakit ako sa utak? dukutin ko kaya puso mo?" saad niya at nagulat naman ako saka napahawak banda sa puso ko.

"Hahaha buti nalang talaga ang cute mohmm.. Ganto kasi yun napaisip kasi ako  bigla na paano nga kaya kung pitikin ko lahat ng ngipin niya at wala ng matira. Can you imagine that? Haha I bet wala na siyang mahahalikan. Walangya din kasi talaga ugali ng batang yun. Sarap kutusan alam mo bang sinabihan ako nun na tibo? psh! Kung hindi lang talaga yun bata binubug ko na yun." Mahabang sambit nito pero nakatingin lang ako sa mukha niya.




"Tsk... Sige na umuwi ka na hindi mo nakukuha ang sense of humor ko kanina Kaloka ka baby boy. Bukas mo na kausapin yung puso mo arasso?" saad niya sabay paandar sa makina ng motor niya.

"Jalgayo donsaeng, ingatan ang puso okay? ako bahala sayo." Saad niya pa sabay kindat at paharurot ng motor niya.

"Woah!" tanging reaction ko nalang.

She's Unpredictable...






Vote?

Comment?

Thank You

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon