Finale

22 7 26
                                    

It's been One year and six months simula nung umalis kami ng pilipinas at nagpunta dito sa US para sa heart transplant ko. The operation is successful and malaki ang pasasalamat ko kay Misha. Palagi ko siyang tinatawagan simula nung nagising ako matapos ang operation.

Binalita niya rin sakin na sa East University na siya nag-aaral. Gusto ko sanang itanong sakanya at ika musta si Yesha pero nahihiya ako kay ate. Not that I still have a feelings for her. But as a Friend. Akala ko permanente na yung nararamdaman ko para sa kanya.

My feelings for her fade ng hindi ko man lang napansin.

Isa pa nalaman ko rin na kapatid ko pala si doc Neil. Misha told me, or should I say aksidente niyang nasabi sakin yun. haha naalala ko pa kung pano siya namutla nang maisip niyang may nasabi siyang hindi ko pwedeng malaman. Her face is priceless.

Kasalukuyan akong nakahiga habang nagpapahinga. Isang buwan  narin simula nung maging tagumpay ang operation sakin.

Hinihintay ko ang tawag ni Misha. Dahil pinangako niya sakin na tatawag siya ngayon sa Skype. Masaya akong pinindut ang accept ng Makitang tumatawag na siya.

"Hi babyboy, kamusta--Waa!" bati niya sakin ngunit bigla siyang nawala sa screen at kumalabog pa ito.

"A-Ate?"

"Hi papa! hahaha"

"hi vevevoy! ikaw pala yung kinikwento palagi samin ni beshy ang pogi mo pala." biglang sulpot nang dalawang babae sa screen at hindi ko sila kilala. Sa tagal na naming nagvi-videocall ni ate. Ngayon ko pa sila nakits.

"Asan po si A-Ate?" tanong ko pero hindi na nila ako pinansin dahil nagsisipaan na sila.

A-Anong nangyayari?

"Mga abnormal! che, hahaha pasensya kana babyboy ah, ito nga pala ang mga kaibigan kung may mga sapak sa ulo. Kamusta ka na pala?" bati ni ate habang nagsasapakan parin sa likod niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Okay na ako ate, maraming salamat dahil sayo gumaling ako" nakangiting saad ko.

"Asus! nagpacute ka pa kurutin ko singit mo eh, hahaha" saad ni ate Misha namula naman ako. Kahit kailan talaga walang preno yang bibig niya.

"hihi, totoo po ate, siguro kung hindi dahil sayo wala--"

''Shhh.. don't you ever say that word babyboy,'' saad niya. Napansin ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Natigil naman ang dalawa niyang kaibigan sa pagsasapakan.

"I'm s-sorry, kamusta kana?" naiilang na tanong ko,

"As always, masaya haha ako pa." biglang nagbago na naman ang mood nito at naging masaya. Minsan napapaisip narin ako kung anong pinagdaanan niya para magkaganyan siya.

"Wait babyboy, napagisip-isip ko pala na magtransfer dito sa school niyo. Kaya magpagaling ka ng mabuti ah. Wait, inaalagaan ka ba ng  kapatid mung si Neil jan? nako sabihin mo lang sakin at lilipad ako agad papunta jan--"

"ha? A-Ate pwede paki-ulit ng sinabi mo?" naguguluhan na saad ko.

"Nako naman bata ka, okay take two ahem... babyboy, Napagisip-isip ko pala na magtransfer dito sa school niyo. Kaya magpagaling ka ng mabuti, wait, inaalagaan ka ba ng  kapatid mung si Niel jan---"

"Kapatid ko si Doc Niel."sagot ko naman habang nanlalaki ang mata.

"Waah! babyboy wag kang magalit. Relax lang! okay? alalahanin mung kaka opera mo palang waah!  jusko bakit ba kasi ang daldal ko.'' tarantang saad niya is it true? May kapatid pa ako?

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon