Abaddon School Part 1.2

392 55 7
                                    

Chapter Two:

LINCOLN'S POV

Namutla ako sa nakita ko. A-anong nangyayari? B-bakit duguan si prof.

Nilapitan ko ang dalawang kumag na mahimbing na natutulog. Pusanggala! Paano sila nakakatulog ng mahimbing? Hindi ba nila naririnig nyong mga sigaw at mga tawag ng mga tao sa school. Ano ba kasi nangyayari? Nakatulog lang kaming tatlo dito.


Una kong nilapitan si Ivan, niyuyugyog ko na lahat-lahat si kumag, hindi pa rin nagigising. Tulog mantika talaga oh! Ayaw mo gumising ha!

BOGGGS!

"Pusa naman oh! Anong problema mo Lincoln? Naknang! Natutulog n'yong tao dito!" Sigaw na sabi niya sa akin habang hinihimas ang likuran niya.

"Ogag! HINDI MO BA NARIRINIG NYON? M-MAY MGA SUMISIGAW, MAY MGA HUMIHINGI NG SAKLOLO!" Tarantang sagot ko sa kanya.

"Hoy Lincoln anong hinithit mo? Alam ba niyan ni Debra na gumagamit ka? Pusanggala, hindi naman kami naging BI sayo ha. Hindi nga kami gumagamit..." Hindi ko na hinayaang ipagpatuloy niya nyong sinasabi niya. Walang kwenta naman nyon.

"HOY HINDI AKO GUMAGAMIT KUNG ANO MAN ANG INIISIP MO IVAN! PAKER BRAD NAKITA KO NIYONG PROF NA NAGBABANTAY SA ATIN, DUGUAN SIYA!" Hinila ko siya papunta sa pintuan ng detention room.

Nakita namin pareho ang kawawang professor na n'yon.

"What the f*ck!! Anong nangyari habang tulog tayo?" natatarantang sabi niya.

"Ivan, hindi ko alam. Tulog din ako! Pagkagising ko ganyan na. May naririnig na akong humihingi ng tulong at mga sumisigaw!!"

Natataranta kaming lumapit kay Fayce. Niyugyog namin siya pareho pero paker mantika din matulog 'to!

Wala kaming magagawa ni Ivan kung hindi ihulog din siya. Bahala na mamaya kung anong gagawin niya sa amin.

"P*TANG *NA NAMAN OH! NATUTULOG N'YONG TAO DITO!" Dumagundong na sigaw ni Fayce.

Tumingin siya sa amin ng masama, napalunok na lang ako. Tae, masama pa naman magising 'tong isang to. Yung kakambal lang niya makakapagpigil dito saka si Debra. Tsk. Aambahan na sana niya kami ng suntok ng biglang may nagsalita sa speaker ng school.

"Hello Students of Abaddon School! Do you want a game? Okay, we will play a game. But, your life will be a payments for this game. Are you ready students of this school. Let's play!!" Hindi namin alam kung anong klaseng tao ang nagsalita sa speaker hindi namin alam kung lalaki ba o babae.

"What the? Anong game? May sinabi ba ang mga Prof sa atin about sa pakulo nilang 'to?" tanong ni Fayce na mukhang walang alam sa nangyayari.

"FAYCE! MUKHANG WALANG ALAM ANG MGA PROF AT STAFF NG SCHOOL NA ITO TUNGKOL SA SINABI NG SPEAKER KANINA. SAKA BAKIT NAMAN NILA IPAPAHAMAK ANG MGA BUHAY NATIN?" tanong ko sa kanya. Natataranta na ako. Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa school namin. Nag-aalala ako kay Debra.

"PAANO MONG NASABING WALA SILANG ALAM HA?!" sagot niya sa amin. Bakas sa mukha niya ang Inis at galit.

Hinila siya ni Ivan at dinala sa pintuan ng detention room. "What the f*ck!!" yan lang ang narinig namin kay Fayce at bigla siyang "PUSA! NASAAN NYONG SUSI? BAKA ANO NA NANGYAYARI SA LOOB NG SCHOOL!!" sigaw niya at pilit na binubuksan ang pintuan.

"Nasa prof na niyan ang susi nito! Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. Kailangan kong uminahon dahil kung makikisabay ako sa init ng ulo nila, wala kaming magagawa para makalabas dito.

"Sumigaw na lang tayo ng tulong, baka may dumaan dito at matulungan tayo." Suggest ko sa dalawang kumag na pilit na sinisira ang pinto.

"ANO? Paano kung walang dumaan ha Lincoln? Habang buhay tayo dito? F*ck 'yong kakambal ko! Kailangan niya ng tulong!" at pilit na sinisira pa rin ang pinto.

Tumingin naman sa akin si Ivan "Tama siya Lincoln, tumulong kana lang sa amin. Si Debra kailangan din niya ng tulong."

Pilit naming sinisira ang pinto ng detention room pero walang nangyayari.

"Wait, pakinggan nyo 'yon. May mga tumatakbo papunta sa atin." sabi ni Ivan sa amin. Kaya tumahimik kami ni Fayce at pinakinggan. Tama nga siya may mga labag na sapatos ang naririnig namin at mukhang dalawa sila na tumatakbo pa gawi sa amin.

"Magtago tayo, baka kalaban niyan. Baka ito na n'yong game na sinasabi ng speaker kanina." dahil sa sinabi ko nagtago kami sa magkabilang gilid ng pinto. Palihim kaming tumitingin sa pinto kung sino nga ba n'yong mga tumatakbo sa gawi namin. Sa corridor na ito, dead end na rito. Detention room lamang ang matatagpuan mo rito.

"Amchel sandali lang. Hinihingal na ako! Kanina pa tayo tumatakbo. Ano ba kasing nangyayari ha?" parang kilala ko n'yong boses na 'yon ha.

Bumulong sa akin si Ivan, "Si Joaqui n'yon ha." Sasabihin palang sana namin kay Fayce na si Joaqui n'yong nagsalita pero si ogag pa bida.

"Oy Vice president at president!" sigaw ni Fayce sa dalawa na hindi malayo sa amin.

Tama nga kami ni Ivan, si Joaqui nyong nagsalita kanina at kasama si Amchel - president ng campus.

Lumapit sa amin ang dalawa, "KUNIN NYO NGA 'YONG SUSI SA LAMESA NI PROF AT PAKAWALAN NYO KAMI!" sumunod naman agad si Joaqui sa sinabi ni Fayce, takot lang niya hindi sumunod. Tsk!

Nang mabuksan ang pintuan, agad kaming lumabas doon.

"Anong nangyayari sa school? Ano n'yong game na 'yon ah Amchel?" Tanong ni Fayce kay Amchel - na namumutla sa takot.

"H-hindi ko alam! Nasa ssg room kami ni Joaqui ng mangyari ang mga 'to! Lumabas kami, at nagulat kami 'yong mga classroom may mga dugo na at yung mga schoolmates natin patay na!!" nanginginig na takot ni Amchel.

"Kaya tumakbo kami ni president papunta dito para magtago. Tapos nung narinig pa namin nyong sinabi ng speaker kanina, baka n'yon 'yong game kanina sa mga room na narinig namin..." sa puntong ito si Joaqui na ang sumagot.

"A-ano narinig nyo?" Sabi ko sa kanila.

"May nagbibilang... May nag-boo... at may mga sumisigaw na parang nagmamakaawa. Tas paglabas namin, puro mga patay na schoolmates ang nadatnan namin... P-pero, ilan sa mga rooms na nakita namin may mga buhay na nakalabas at mga tumatakbo. H-hindi namin alam kung saan sila pupunta." nakayukong sabi ni Joaqui sa amin.

"Si Debra nakita mo ba na lumabas sa classroom? Malapit lang ang classroom nila Debra, Fayce at Lincoln sa ssg room! Nakita mo ba ha!" pagtatanong ni Ivan kay Joaqui.

Imbis na sumagot, yumuko lang ito at umiling. Sa puntong iyon, para akong binawian ng buhay. Hindi maaari alam ko buhay pa siya. Alam kong nakaligtas siya, kung ano man ang game na n'yon.

Aalis na dapat si Ivan ng pigilan siya ni Fayce. "Saan ka pupunta? Hahanapin mo si Debra? Na walang diskarte at plano para mahanap? Wag mo kong dinadaan sa ganyan mokong ka!" galit na sabi ni Fayce.

"Gumawa tayo ng plano! Kailangan natin matipon ang iba pang buhay na schoolmates natin, kailangan natin makahanap na malalabasan." tumingin siya sa gawi ng dalawa "Oy kayo? Nag-try na ba kayo lumabas ng school? Ha?" sabi ni Fayce sa kanila.

"O-oo, pero hindi kami makalabas parang hinaharangan kami. Lahat ng pintuan na pwedeng paglabasan ng school sinubukan namin pero ganoon pa rin!" dismayadong sabi ni Amchel. Buti na lang ayos na siya.

"Ganito ang plano natin..." At nagsimula na ang pagpaplano namin...


- end of chapter 2 -

VOTE. COMMENT. SHARE.

Thank you!❤

Abaddon School (Part 1&2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon