Abaddon School Part 1.8

255 42 0
                                    

Chapter Eight:

DEBRA'S POV


Naglalakad kami ngayon palabas ng gymnasium. Halos 15 na lang kaming natira,sa sobrang daming estudyanteng nag-aaral dito, heto at kinse na lang kami.

"Bestfriend!! Ang galing mo kanina! P'wede kana mag-training sa girls basketball. Grabe ka bestfriend!" masayang sabi sa akin ni Faye habang nakahawak sa kanang kamay ko.

Maski ako hindi pa rin  makapaniwala kanina. Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Biruin mo naman, na shoot ko n'yong bola?

"Oo nga naman Debra! Lupit mo! Hindi mo naman sinabi sa amin, nagbabasketball ka pala." Sabi ni Rey habang nagshoshooting sa invisible ring niya. Minsan talaga may tililing din 'to, parehas sila ni Faye. Si Rey lang nakilala kong medyo maangas na may tililing.

"Ang dayaaaaa mo Debra! Magkababata tayo, bakit hindi ko alam niyon?" Ito na naman si Lincoln, isip bata na naman.

Hindi ko na sila sinagot basta ang importante nakaligtas kami sa pusang n'yon. Kinabahan ako roon nung hinabol kami ni Faye. Akala ko katapusan ko na.

Naglalakad kami ngayon papunta sa canteen. May 1 hour pa kami bago magsimula ang pangatlong game. Ano na naman kayo ang palalaruin sa amin.

Nang makapasok kami sa canteen, pumuwesto kami sa mahabang lamesa, sa tyansa ko kasya rito 10-15 katao. Dito kami lahat umupo.

"Bullsh*t! Ano bang nangyayari dito?" Biglang sigaw ni Fayce. Habang ginugulo ang buhok niya. Naka-upo siya ngayon sa ibabaw ng lamesa.

Wala ni isa sa amin ang sumagot sa kanya. Maski kami walang alam sa nangyayari. Lahat kami naguguluhan sa nangyayari.

Tumayo sa tabi ko si Ivan at naglakad.

"Oy Ivan, san ka pupunta?" Sigaw ni Lincoln.

"Kukuha ng pagkain. Para may lakas tayo mamaya." simpleng sagot niya.

"Teka lang ogag! Tulungan na kita!" Susundan na niya sana si Ivan ng tumingin itong kababata ko kina Amchel at Joaqui. "Oy President at VP, ngayon ko lang kayo mauutusan tulungan niyo kami kumuha ng pagkain." Hinila niya ang dalawa kaya wala na mga palag ang mga 'to.

Umiling na lang ako sa kalokohan ni Lincoln. "Napakabully talaga..." mahinang sabi ko.

"Ngayon mo lang ba nalaman na bully n'yong kababata mo bestfriend? Eh, lagi nga niya ako binubully. Hmmmp!" sabi ni Faye sa akin. Hahaha narinig pala niya. Aso't pusa kasi sila ni Lincoln. Kaya minsan hindi sila magkasundo at napupunta sa pambubully si Lincoln.

"Anong gagawin natin mamaya?" Biglang tanong ni Gino sa aming lahat. Tumingin siya sa amin isa-isa. "Tutunganga na lang ulit? Bakit hindi tayo maghanda ng mga gagamitin natin? Armas?" suggestion niya.

Maganda n'yong ideya niya. Malay ba namin na 'yung pangatlong laro ay may kakalabanin kami, Edi mabuti ng may armas kami.

"S-saan naman tayo kukuha ng magiging armas natin?" tanong ni Ria na hanggang ngayon ay natatakot sa mga nangyayari.

"San pa ba? Edi sa..."

"Sa mga archery club." sabat ni Fayce kay Gino.

Hinugis baril ni Gino ang kanyang kamay at tinutok ito kay Fayce sabay sabing "Bang! Tama si Fayce."

"Pagkatapos natin kumain. May iba na pupunta sa office ng president ng school na 'to at ang iba ay pupunta sa archery club. Kinse na lang tayo, kaya dapat magtulungan tayo." punong otoridad na sabi ni Fayce sa amin.

Abaddon School (Part 1&2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon