Abaddon School Part 1.13

184 37 0
                                    

Chapter Thirteen:

DEBRA'S POV

Kakalabas ko lang ng kwartong kinalalagyan ko ng habulin ako ng isang tempter - hindi ko inaasahan ang itsura niya, mukha itong diyablo.

Tumakbo ako ng mabilis, wala akong pakealam kung mapagod at hikain ako basta ang gusto ko lang makatakas sa tempter na'to!

Lumiko ako sa isang pasilyo, sa pagliko ko nakita ko si Ivan. Tumatakbo sa kabilang direksyon.

"Ivan! Ivan! Ivan!" Sumisigaw na sabi ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako naririnig.

Sinundan ko siya sa pagsunod ko sa kanya nakita kong may kasama na si Ivan...si Fayce.

Hihinto sana ako para magpahinga pero laking gulat ko, malapit na sa akin ang tempter.

Lumiko na naman ako sa isang pasilyo. Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero isa lang ang sigurado ko, gusto ko pang mabuhay.

"AAAAAAHHH! TULONG!" Sigaw ko habang patuloy na tumatakbo palayo sa tempter na'to!

Sa pagtakbo ko, may nakita akong fire exit at dito ako pumasok pababa sa 4th floor.

Buti na lang pagkababa ko, nabangga ko si Rey na tumatakbo rin kagaya ko dahil may humahabol din palang tempter sa kanya.

Sa paglalakad namin, may narinig kaming humihingi ng tulong... tulong na galing kay Jinky.

Wala kaming nagawa kung hindi magtago sa isang kwarto habang unting-unti pinapatay ng dalawang tempter si Jinky.

Halos mandiri kami ni Rey sa nasasaksihan namin. Nakita namin kung paanong maghingalo at magmakaawa si Jinky sa mga tempter pero sa mga paghingi ng awa niya, parang walang naririnig ang mga tempter.

Nakita naming hinati ng mga tempter ang katawan ni Jinky. Napaka-brutal ang ginagawa sa kanya. Hindi maka-tao ang pagpatay sa kanya.

Hindi ko na kaya panoorin ang ginagawa ng mga tempter kay Jinky. Kaya napag-isipan na naming umalis ni Rey.

Naiinis ako sa sarili ko, wala akong nagawang paraan para iligtas siya sa brutal na pagpatay sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa fire exit, bubuksan pa lang namin ito ng may marinig kaming sigaw.

"DEBRA! REY!" Paglingon namin sina Lincoln, Faye, Fayce at Ivan ang nakita namin.

Bakas sa mukha nila ang pag-aalala sa amin.

Kwinento namin kung anong nangyari sa amin at ang tungkol kay Jinky. Ni-isa sa kanila ang walang naka-imik sa sinabi namin.

Kaya napagdesisyonan namin na bumaba na. Sa pagbaba namin, nakita ko sina Joaqui, Gino, Ria, Dave, Dustin at Roswell na mukhang kanina pang nasa 1st floor at hinihintay kami.

Nilibot ng tingin si Dave sa amin.

"S-si Jinky guys? N-nasaan?" nagtatakang tanong niya sa amin.

Wala ni-isa ang nagsalita sa amin. Tumahimik na lang kami.

"Wag n'yong sabihing?"

"Kung niyan ang iniisip mo? Oo, Dave. Wala na tayo magagawa. By pair para hindi ka galawin ng mga tempter, pero dahil 13 tayo, may mamatay sa atin." Paliwanag ni Fayce sa kanila.

Walang nagawa si Dave kung hindi mapaiyak na lang para sa kaibigan.

Pinabayaan naming umiyak si Dave. N'yon na lang naman ang magagawa niya para sa kaibigan niya.

Nang mahismasmasan, may narinig ulit kami na mula sa speaker. Ayan na naman siya...

"GOOD DAY,STUDENTS OF ABADDON SCHOOL! CONGRATS! YOU ARE SUCCESSFUL TO GO OUT IN THAT ABADDON HOSPITAL. PLEASE, TAKE A REST FOR AWHILE. OUR 4TH GAME WILL BE START IN 1HR. YOU CAN NOW GO INSIDE IN THAT ELEVATOR."

4th game after 1hr? Teka? Ano n'yong ginawa namin kanina? 'Yong pagtakbo namin para makalayo sa tempter na 'yon? Ano n'yon?

Nang makapasok kami sa loob ng elevator.

"Hindi n'yo ba narinig n'yong sinabi ng langya nyon? Our 4th game will be start in 1hr?" sabi ni Roswell sa amin.

Akala ko ako lang ang nakarinig nun.

"Pusa naman oh! Ibigsabihin wala lang n'yong pusanggala game na n'yon? 'Yong hahabulin ka ng demonyong tempter na n'yon? T-tapos nabawasan pa tayo? Tsk." galit na sabi ni Fayce.

"Ganoon na nga. Literal na napaglaruan tayo." Walang buhay na sabi ni Ivan.

Magsasalita pa sana si Fayce ng biglang bumukas ang elevator.

Sa paglabas namin, nakita namin ang canteen ng school.

Naglakad kami papasok para makakain na ng umagahan.

Kumuha sila ng pagkain sa kitchen pero ako parang wala akong ganang kumain dahil sa nakita ko kanina. Lumabas ako ng canteen ng hindi nila napapansin.

Nasa isipan ko pa rin kung paano pinatay si Jinky. Niyong mga payahaw niya at paghingi niya ng tulong. Umeecho pa rin sa isipan ko.

"Debra, ano iniisip mo?" Hindi ko namalayan na may tumabi pala sa akin.

Lumingon ako sa katabi ko, nakita ko si Rey na nakatingin sa akin.

"N'yong kay Jinky pa rin ba? Alam kong gusto mo siyang tulungan pero isa naman sa atin ang mapapahamak kung tinulungan natin siya..." mahinang sabi ni Rey.

Nakita kong napakuyom siya ng kamao niya.

Tumingin siya sa kalangitan at tumingin din ulit sa akin "Pinapangako ko wala na ni isa sa atin ang mawawala." sa sinabi niyang n'yon. Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Tara na kumain na tayo, kailangan natin maging malakas. Hindi natin alam kung anong game na naman ang lalaruin natin. Tara na?!" At, sabay kaming pumasok ulit sa loob ng canteen.

Nakita na namin silang kumakain. Sa pag-upo namin, nakisabay na rin ako kumain. Sabi nga ni Rey kailangan namin ng lakas.

Nang matapos kumain, nagpahinga kami at hinintay ang susunod na pagtunog ng speaker.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang hinihintay ang susunod na laro. Laro na magiging sanhi ng kamatayan namin.

.
.
.
.

Bigla na lang tumunog ang speaker... pero iba na ang tunog ngayon...

"Bakit ganoon ang tunog?" Tanong ni Dustin sa amin.

"Tunog panglibing?" sabi naman ni Joaqui.

"Isa lang ang sigurado tayo, may mamamatay na naman sa atin." mahinang sabi ni Gino.

Tama siya mukhang may mamatay na naman sa amin. At, mukhang mas mahirap na ang magiging laro namin.

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL. OUR 4TH GAME WILL BE START IN 10 MINS. OUR GAME WILL BE NAMED AS 'TRUTH OR FALSE'. SIMPLE AS THAT. SO PLEASE PROCEED TO AUDITORY ROOM."

Ayan na siya... ito na ulit ang laro na magiging kamatayan naming...lahat.


- End of Chapter 13 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuu!❤

A/N:
Nasa kalahati na po tayo. Malapit na'to matapos, sana matapos ko 'to after kong makapagtrabaho. Next kona n'yong W-WorldJungkook and itutuloy kona ulit n'yong Finally, I found you (Chris Ellis) 😉

Abaddon School (Part 1&2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon