CHAPTER 1
Patakbo akong naglalakad sa second floor ng building namin dahil late na talaga ako. Nakita kong halos wala nang ibang estudyanteng nakatambay sa labas ng room, kahit gustung gusto ko ng lumipad sa paglalakad hindi ko magawa dahil bawat classroom na madaraanan ko ay tahimik na sumasagot sa kani-kanilang test papers at maingat din akong naglalakad patungo sa room dahil baka mapagalitan ako ng mga terror na adviser ng bawat classroom na daraanan ko at ramdam na ramdam ko na ang pangangatog ng tuhod ko sa takot. Kasi alam kung first subject namin pag lunes ay Math, ayoko talaga ng Math hindi ko maintindihan lalo na pag may variables ng kasama. Ewan ko ba, addition tsaka subtraction lang medyo madali sa tingin ko kasi mas madalas na magamit sa araw-araw lalong lalo na ang multiplication at division, yun nga lang medyo tagilid din ako sa dalawang yan.
Patay exam pala ngayon, hindi ako nakapagreview. Halos sabunutan ko na ang buhok ko ng mapansin kung nagsisimula na ang exam sa room namin.
Yumuko ako ng bahagya para di ako makita ng teacher namin, at dahan dahan akong lumakad patungo sa upuan ko. Okay na sana eh okay na sana kaso biglang may humarang sa dinaraanan ko at takte talaga, bakit ba siya humarang. DAHan dahan ko ring inangat ang mukha ko, at nakita ko siyang nakasmirk sakin.
"Umalis ka nga dyan".pabulong kong sabi kay christian, ang walang hiya kong classmate na malakas mantrip.
Tinaasan niya lang ako ng kilay, at tiningnan ng lagot-ka-kay-maam look. hayy kaasar talaga angsakit na ng likod ko, pesteng to. Tumingin muna ko sa side ng teacher namin na bising bisi magbasa ng libro siya si Ms. Chavez, nasa 30's na siguro siya lagi siyang seryoso at wala pang asawa. At tumingin ako kay Christian na ewan ko ba kung bakit di parin umaalis sa harap ko. Ayaw mo talagang umalis ah, watch and learn.
Hulaan niyo kung ano ginawa ko sa kanya.
Haha,"Aray!!."mamilipit ka sa sakit dyan, halos di mo maintindihan ang mukha ni Christian parang gusto ko siyang pagtawanan, hawak hawak niya kasi yung paa niya. Inapakan ko eh bakit, harang harang kasi dyan sa daraanan di naman kanya.
Napatingin ang buong klase sa gawi namin. Pati si Maam na kanina lang bising bisi sa kakabasa ng libro.
"Anong nangyayare dyan Mr. Perez?" Patay, lagot na. Napapikit nalang ng mariin dahil sa kahihiyan. Ano na naman bang ginawa mo Shane? tch.
"Maam, si Shane po kasi."sumbong ni Christian kay Maam.
Nakalapit na samin si Maam.
"Oh Ms. Contiz, maaga pa ba para sayo ang alas otso. Di mo ba alam na may exams kayo ngayon?"
"Maam, pasensiya napo. Nalate po kasi ako ng gising kasi alam niyo naman po na working student ako".Nahihiya akong yumuko at napapikit. Naku sana madaan ko siya sa pakiusap. Nagttrabho kasi ako sa gabi kaya anong oras na ako kung magising sa umaga.
Mataman niya kong tiningnan at mukhang nakumbinsi ko naman siya. Huminga muna siya ng malalim, senyales nga na nakumbinsi ko siya.
"okay, you may take your seat now Ms. Contiz. Palalampasin kita ngayon ha kasi may valid reason ka pero pag paulit ulit yang reasons mo, I will not accept it anymore. Now, start answering this answer sheet." pakabigay niya sakin ng answer sheet ay nakahinga ako ng maluwag. Tumingin naman siya kay Christian.
"Oh ikaw naman Mr. Perez, ano pang ginagawa mo riyan?"
"Ahh Maam, may I go out?."pakamot sa ulo niyang sabi na parang di naman talaga mag ccr.
"Naku Maam, wag ka pong maniwala dyan pupunta lang yan dun sa kabilang room para silipin ang chicks niya."natatawang sulpot ni Eric. Kaibigan ni Christian.
"Tumahimik ka nga."naasar na sabi ni Christian.
"Quiet boys, masyado niyo nang inuubos ang oras para sa exam niyo my next subject pa kayo. Mr. Perez, take your seat now kung ayaw mong pauwiin kita at wag ng magtake ng exams."seryosong sabi ni Ms. Chavez.
Tumalima naman si Christian at tumingin bigla sa direksyon ko. Inirapan ko siya at umismirk naman siya sakin.
Paki ko sayong jologs ka, buti nga sayo. bulong ko sa isip ko.
A/N:
Pasensiya na po kayo sa late at maikling updates. Busy kasi ako at dito lang ako sa opis nakakapag edit kasi may wifi sa bahay kasi wala hehe.
Kaya sana patuloy niyo pong suportahan, tangkilikin at basahin ang kwentong ginagawa ko. Please vote and comment kung meron po kayong concerns at tumatanggap din po ako ng suggestions go ahead and feel free to chat me. Salamat :)Many chapters to be updated soon.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearted Girl
Teen Fiction[COMPLETED] Sabi nila time can heal the wounds, the pain, the scars of a Broken Heart. Ganyan si Shane kasawi noon dahil sa break up nila ni Cloud. But her heart turn into whole again when Christian came to fix it. Naging maayos ang lahat sa kanila...