Chapter Fourteen
Shane's POV
Wala akong magawa nong nakikita ko na si Christian at Ivan na nag-aagawan ng Baril. Hindi ko din sila malapitan. Nang maya-maya'y halos matanggal ang puso ko sa malakas na pagputok ng baril.
"Christian!"nilapitan ko kaagad si Christian pero mas lalo akong nagulat nung bumagsak si Ivan at nakita ko si Cloud na nandon sa likod nina Christian at pigil-hiningang nakatutok ang baril nito sa kapatid niya.
Siya ang bumaril dito kaya ito nakahiga ngayon sa sahig.
Lumapit sakin si Christian, at nakatulala lang ako na nakatingin sa nakahigang lalaki sa sahig.
"Cloud."tawag ko dito. Binaba na nito ang baril niya."Bakit mo--?"
"Tayo na, ang mga pulis na ang bahala sa kanya. Hindi na ko papayag na may isa pang mawala sainyo."maitim ang awra nito at tumalikod na samin. Si Tita, asan na siya? Hindi kaya?
"Tara na Shane, wala na siya hindi ka na niya masasaktan pa."niyakap niya ko at ginantihan ko din siya ng mahigpit na yakap, miss na miss ko na siya.
Naglakad na kami palayo at hawak hawak na ni Christian ng mahigpit ang kamay ko, pero nakatingin parin ako sa likod namin hindi ko alam pero parang hindi pa tapos.
Hindi pa kami nakakalayo nang masilip kong dahan-dahang bumangon si Ivan at tinutok ang baril sa likod ni Christian kaya bago paman niya ito maiputok ay mabilis kong tinakpan ang likod ni Christian.
Dinig na dinig ko ang putok ng baril at ang animo dahan dahan nitong pagbaon sa likod ko.
"Shane!"naramdaman kong nakarga na ko ni Christian at pilit na ginigising ako. Nagmamanhid na ang katawan ko at nahihirapan na din akong huminga. Humahapdi na din ang likod ko at nahihilo na ko."Shane, gumising ka."
Narinig kong may bumaril pero hindi ko na makita. Dinig ko nalang ang mga yabag ng mga paa na dumadaan samin.
Gusto kong magsalita pero wala na kong lakas. Ramdam kong umiiyak na din si Christian kaya pilit kong inabot ang pisngi niya at hinawakan ito.
Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Shane, wag ka munang matutulog. Dadalhin na kita sa ospital."
Pero nahihilo na talaga ako at nagmamanhid na ang katawan ko.
Hanggang sa."Shane! Shane!"
Naramdaman kung medyo mahapdi pa din ang likod ko. At naririnig ko rin ang mga boses sa paligid ko kaya dahan-dahan kong minulat ang mata ko, at bumungad sakin ang puting paligid. Nasa ospital ako naibulong ko sa king sarili. Agad na lumapit sakin si Papa at Kuya.
"Bunso, kumusta ka na? Buti naman nagising ka na. Halos mamatay na ko nong makitang duguan kang dinala dito sa ospital."alalang alang sabi ni Kuya.
Niyakap at kiniss naman ako ni Papa sa noo.
"Anak, okay ka lang ba? Ano nararamdaman mo? Gusto mo bang kumain? Nauuhaw ka ba?."
"Okay na po ako Papa. Huwag ka na pong mag-alala."Nginitian ko si Papa. Tinanaw ko ang buong kwarto ngunit wala siya dito."Papa, si Christian po?"
"Bumili lang siyang almusal. Di pa nga umuuwi yon."ani Papa.
"Gusto mo bang prutas, bunso. Grapes? Apple?"tanong ni Kuya. Natatawa ko sa kanya ang bait niya sakin ngayon.
Nginitian ko si Kuya. At tiningnan niya ko ng may bahid ng pag-aalala.
"Bunso, wag mo ng uulitin yon ah. Wag ka ng mawawala ulit samin."
Naiiyak ako sa sinabi ni Kuya. Ako lang kasi ang nag-iisa niyang kapatid, 5 taon ang tanda niya sakin kaya nong bata pa kami siya lagi nagapagtanggol ko, inaalagaan niya din ako pag may sakit ako, kaya alam kung mahal na mahal din niya ko tulad ng pagmamahal samin ni Papa.
"Oh, wag kang iiyak bunso. Lumalabas na mga uhog mo oh. Ampangit mo pa namang umiyak."
"Sira ka talaga Kuya."
"Shane."sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nong may nagsalita. Si Christian.
Agad siyang lumapit samin, at agad akong kiniss sa noo.
"Kumusta na pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? Nauuhaw?"sabi niyang sobrang nag-aalala. Napangiti naman ako dahil masyado siyang concern sakin.
"Para kang si Papa. Hehe, okay lang ako. Gusto ko lang kumain ng apple kaya yan pinagbalatan na ko ng Apple ni Kuya."sabay turo ko Kay Kuya.
"Mabuti naman at okay ka na."pero bakit parang hindi pa rin siya masaya.
"Ikaw, kumusta ka na? Si Cloud asan?"
Napatitig siya sakin. At parang di maganda ang kutob ko sa mga titig niya sakin.
"Nandito din sa ospital si Cloud, naconfine din kasi si Tita."
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? May Problema ba?."tanong ko at bigla kong naalala si Ivan."Yung.. kambal ni Cloud.. nahuli na ba?"
Saglit siyang tumingin sakin. At umiling iling.
"Hindi siya nahuli?"bigla kong kinabahan, pano kung balikan niya ko ulit.
"Bigla nalang siyang nawala nong barilin ka niya. Hindi ko alam kung pano siya nakatakas samantalang me tama siya. At dahil sa alam niya rin ang pasikot sikot sa hide out niya, nakatakas siya at di nahanap ng pulis."paliwanag ni Christian."Kaya nga, meron pulis dyan sa labas na nagbabantay. Dahil, baka bigla ka niyang balikan."
Natahimik ako. Oo nga, baka bigla niya kong balikan. Pero magandang ideya yon para mahuli siya.
"Di kami aalis dito Bunso, para hindi ka na mabalikan nang hinayupak na manyak na yon."galit na saad ni kuya.
"Di ba, maganda kong maging pain ako."
"Anak naman, kulang pa ba yang nangyari sayo para magbuwis ka ulit ng buhay."
"Pa, kailangan ko tong gawin para mahuli na siya dahil sigurado naman akong babalikan niya ko dito."
"Gagawa tayo ng plano, at sasabihin natin sa pulis para mahuli na si Ivan."ani Christian."Pero di ka namin iiwan, sasamahan ka namin."
A/N : Sa lahat po ng nagbabasa nitong The BrokenHearted Girl. Salamat po ng napakarami sainyo, sana po patuloy niyo paring tangkilikin ang mga ginagawa ko. Open po ako sa lahat ng magcocomment sakin at sa mga magvovote. 🙂
Anyways Last Chapter na siguro yong isusunod ko dito. Abangan po natin kung ano ng mangyayari 😘
**
septembermushroom
BINABASA MO ANG
The Brokenhearted Girl
Novela Juvenil[COMPLETED] Sabi nila time can heal the wounds, the pain, the scars of a Broken Heart. Ganyan si Shane kasawi noon dahil sa break up nila ni Cloud. But her heart turn into whole again when Christian came to fix it. Naging maayos ang lahat sa kanila...