Chapter Three (part 2)

130 7 0
                                    

Chapter Three (2)

"ohh nandito rin pala kayo."pekeng ngiti sa kanya ni Christian.

"Oh, yeah. Magdedate kasi kami ngayon, kayo ba? magdedate din kayo? w-wait, kayo na ba.?"maang niyang tanong samin. At palipat lipat din siya ng tingin saming dalawa.

"Naku, nagkakamali ka h----"

"yeah she's my girlfriend."pagpuputol niya sa sinabi ko sabay akbay sakin ng marahan.Pero mukhang di ata tumalab kay Maika ang trick niyang pagpapaselos, kawawang salamangkero.

Lumaki naman ang mata ni Maika at mukhang naamaze pa sa narinig niya. Pakiramdam ko di ako makagalaw at makahinga, ewan ko ba kung dahil sa titig samin ni cloud o sa higpit ng hawak sakin ni Christian. Please lupa bumuka kana ngayon din lamunin mo na kaming lahat! waahh..

Naagaw naman ang atensyon ko ng buksan na ni Cloud ang pinto ng kotse niya at walang emosyong tumingin samin.

"Babe, tara na."tapos pumasok na siya sa kotse niya. Sumunod naman si Maika na masayang kumaway samin. Ang ganda ganda niya tapos ang bait-bait pa kumpara sa kin, mabait naman ako pero hindi maganda.

Lumuwag naman ang pagkakahawak sakin ni Christian at mukhang disappointed siya sa nangyari halos pareho lang din kami ng feeling.

"Oh bat mukhang disappointed ka?"tanong ko sa kanya na nagpapakacool upang takpan din ang disappointment na nararamdaman ko habang naglalakad kami palapit sa kotse niya. Nasa kabilang kalsada kasi ang parking area ng school, meron naman sa loob kaso para sa mga faculty teachers at professors lang ang space na yun kaya ang mga students namay kotse nasa labas ang parking area nila.

"Hindi naman ako disappointed eh.Nag-iisip lang ako kung payag ka na ba sa alok ko sayo."sabi niya, not convincing Christian.Iba ang sinasabi ng mukha mo.Pero hinayaan ko na lang siyang lokohin ang sarili niya.

Saglit kaming tumigil sa harap ng kotse niya. Huminga muna ko ng malalim at malungkot na tumingin sa kanya.Napansin ko namang parang mas lalong nadagdagan ang disappointment niya.

"Oo na.Payag na ko."

Nagulat ako ng bigla niya kong yapusin at masayang ngumiti sakin.

"Thank You Shane, promise di na kita aasarin sa room."nakangiti niyang sabi.Ngayon ko lang napansin ang gwapo-gwapo pala niya pagnakangiti actually kahit na hindi.

"Oo na.Para kang bata."paiwas kong tingin.Sa totoo lang kahit papano gumaan gaan din yung loob ko dahil sa kanya medyo hindi na ganun kasakit lalo na nung makita ko si Cloud kanina.

"So dahil tayo na ihahatid na kita pauwi sainyo."

"Naku wag na nakakahiya, t-tsaka sa trabaho ang diretso ko ngayon.H-hwag mo na kong ihatid.Sige, k-kita nalang tayo bukas ha."ba't ba ko nabubulol. Tumalikod na ko sa kanya at lalakad na sana paalis.Nang bigla niya ulit hinigit ang kamay ko.

"Ihahatid na kita sa trabaho mo, boyfriend mo na ko ngayon kahit na peke lang tu kaya wag ka ng mag inarte dyan, sakay na".hinila niya ko ng marahan at binuksan niya ang pinto sa kabila ng driver seat.

"Saglit lang, talaga bang paninindigan mo na tung pekeng relasyon natin?"

"Oo paninindigan ko. Sakay na."

Tiningnan ko siya at mataman naman siyang tumingin sakin.Umiwas ako ng tingin.Ano ba? bat ka ba ganyan kung tumingin.Di naman kita type eh pero bakit parang ang gwapo gwapo mo sa paningin ko ngayon.Haist, nataranta tuloy ako kaya bigla nalang akong pumasok sa kotse niya ng di tumitingin.

"Aray."nasapo ko ang noo ko, grabe ang sakit.

"Okay kalang? dahan-dahan naman kasi. Saglit."mabilis siyang pumunta sa likod ng kotse, at may kinuhang kung ano. Saka naman ako nagpakawala ng hangin.Iniipit ipit ko ang mukha ko.Ano bang nangyayari sakin? nagmumukha tuloy akong jologs nito eh.

Nilagyan niya na ng band aid ang noo ko kasi nagkasugat ng kunti.Ewan ko ba manipis ata ang balat ko o malakas yung pagkakauntog ko.?Bakit ba kasi ganun siya kung makatingin, hay.

"Bat ang tahimik mo?"pagpupukaw ni Christian, na nakatingin parin sa daan habang nagmamaneho.

"A-ah w-wala ano kasi.. naisip ko lang, kung.."napahinto ako at nagdadalawang isip kung itatanong ko ba talaga to sa kanya.

"kung ano?"sabay sulyap niya sakin saka bumalik ng tingin sa daan..

"Pano k-ung magkagustuhan t-ayo? ano gagawin natin?"pumikit ako ng mariin at nagsisisi na sana di ko nalang tinanong yun sa kanya, gusto ko na talagang mawala sa inuupuan ko ngayon. Nakakahiya,

"Di ko pa alam sa ngayon.H'wag na muna nating isipin yun, siguro kung maging ganon.Why not? diba?"

Biglang sumiko ng malakas ang puso ko.Hala anu yun, tsk.

"D-ito na nga pala ako, itabi mo na."

Sumunod naman siya. Inihinto niya ang kotse sa harap ng fastfood chain na pinagtatrabahuhan ko.

"Salamat Christian. D-ito nalang ako."bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla siyang nagsalita.

"Basta wag mong kakalimutan ah.Tayo na.Okay then go ahead, ingat Shane."

"Oho na po kamahalan. Sige, ingat sa pagdadrive."nginitian ko siya saka bumaba sa kotse niya at kumaway na din sa kanya.

To be continued..

The Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon