Chapter Two
Bahagya kong inunat ang mga kamay ko na parang bagong gising lang at sabay patpat ng bibig ko inaantok na kasi talaga ko, sa wakas natapos din ang exam grabe sumakit ata ulo ko ah. Hooh lunch break palang pero feeling ko dismissal na. Natanaw ko sa second row na upuan na tumayo si Abbi at Mau, lumakad patungo sakin kaya tumayo na rin ako.
Naglakad na kami palabas ng room."Grabe ang sakit ng ulo ko mga bes, magkakahemorrhage ata ako."sabay hawak sa ulo niya na kunyare masakit.
"Mani nga lang sayo lahat ng exams natin eh. Lakas din ng trip mo bes, hemorrhage ka dyan."
sabi ni Mau. Totoo naman talagang matalino si Abbi, valedictorian nga siya nung high school kami."Hindi kaya, sisiw lang."ngumiti siya, ang cute talaga ng mata ni Abbi bigla nalang nawawala pagngumingiti, pero bigla ding naging seryoso at tumingin sakin."Maiba nga pala ako Shane, nagpaparamdam pa ba sayo yung ex mong kupal.?"
Sabi ko na eh yun ang itatanong niya.
"Hindi. Bat naman niya gagawin yun."nakasimangot kung sagot. Bat ba kasi sa daming pwdeng itanong yung tungkol pa sa kupal na yun, oo kupal talaga. Sobra.
"Mabuti. Hwag kang makikipagbalikan sa ipis na yun ah, masyado ka niyang pineste noon kaya dapat natuto ka na. College na tayo oh, baka umaasa ka parin sa kanya".sabat naman ni Mau
"Oo. oo na po, tara bilisan na natin wala na tayong mauupuan sa canteen."
Malapit na kami sa canteen ng bigla kong natanaw si Cloud sa di kalayuan nakaupo sa bench sa tapat ng canteen. Ang ex ko kasama ang bago niya.
Pakiramdam ko mawawalan na ko ng hininga. Para na rin akong estatwa dahil napangko na ko sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko ding umiinit ang gilid ng mata ko at malapit nang malalag ang mga butil ng luha ko kaya bago paman ako mapansin ni Cloud ay kumaripas nalang ako ng takbo sa ibang direksyon, at alam kong nagulat ang dalawa pero hindi din nila ako nasundan dahil sa bigla na kong nawala sa paningin nila.
Hindi ko alam kung san patungo ang pagtakbo ko pero ang alam ko lang gusto kong makaiwas sa kanya, sa kanila.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasampa sa damuhan kung saan nakasilong ako sa malaking puno malapit sa kabilang department. Doon na ko umiyak ng umiyak.
Bat ganun? bat siya nakamove on na tapos ako hindi pa? bakit napakaunfair naman. Bakit?
Humahagulhul na ko sa sakit at wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng dumaraang mga estudyante sakin.
"Bakit sa dami ng pwedeng iyakan yang puno pa talaga ang napili mo?."natatawang tanong ni Christian.
Napatigil ako bigla at sinipat kong saan ba ko nakaharap. Nakaharap nga ako sa puno.
"Anong ginagawa mo dito??"pasigok kung tanong sa kanya.
Lumuhod siya at tumapat sakin.
"Oh."sabay abot niya ng panyo. Kinuha ko ang panyo sabay punas sa mata ko.
"Salamat".
Umupo siya sa damuhan at umiba ng direksyon.Ginaya ko din siya.
"Bakit ka umiiyak? Kumain ka na ba?".bat ba parang ang bait bait niya sakin ngayon?.
Pinilig ko ang ulo bilang pagsagot sa kanya.
"Di ka pa pala kumakain inuna mo pa ang pag iyak".tapos bahagya siyang may kinuha sa gilid niya. Jolibee, tinake out niya? pero teka di ko yun nakita knina."Oh, para sayo."abot niya sakin ng isang box.Dalawa pala yun pero di ko talaga napansin.
"Ano yan?"tanong ko ng di ko pa kinukuha ang iniaabot niya.
"E di pagkain, kunin mo na. Di ko naman kayang ubusin yan eh."sabi niya na seryosong nakatingin sakin.
Kinuha ko na din sayang baka bawiin niya pa eh
"Salamat."tugon ko.
Tahimik kaming kumakain ng bigla niyang binasag ang katahimikang yun.
"Bakit ka nga pala umiiyak kanina?."eto na naman tayo.
"Wala ka na dun, wag mo ng alamin."sagot ko habang bisi sa pagsubo ng pagkain.
"Dahil ba kay Cloud?"alam naman pala niya eh nagtatanong pa. Di nalang ako umimik at mas pnili kong magpatuloy sa pagkain.
"Magpanggap nalang tayo magboyfriend, okay ba sayo?".
To be continued..
BINABASA MO ANG
The Brokenhearted Girl
Teen Fiction[COMPLETED] Sabi nila time can heal the wounds, the pain, the scars of a Broken Heart. Ganyan si Shane kasawi noon dahil sa break up nila ni Cloud. But her heart turn into whole again when Christian came to fix it. Naging maayos ang lahat sa kanila...