Chapter Eleven

103 5 0
                                    

Chapter Eleven

"Sino yang nagtetext sayo ha? ba't ayaw mong ipabasa sakin?."Nakapout kung tanong, nandito si Christian sa bahay halos dito na siya natutulog. Okay lang naman daw sa parents niya kasi may tiwala naman daw sa kanya.

"Ano ba kasing babasahin mo eh wala namang nagtext sakin."Todo iwas ng cellphone niya sakin. Pilit kong inaabot pero matangkad kasi siya ng unti sakin kaya hirap akong abutin.

"Ehh meron. Alam ko, halos idikit mo na nga yang cellphone sa mukha mo eh."

"Wala naman talaga. Hm, nagseselos ka no?"nang aasar niyang tanong sakin.

"Hindi!"

"Oy, wag ka ng magtampo labs ha. Wala naman kasi talaga yon."

"Anong labs? labs your face."nakakatampo, naintriga lang kasi ako sa text na yun kung di ba naman siya mukhang engot magbasa eh.

Maya-maya bumaba na si Papa galing sa kwarto. May pupuntahan daw kami sabi ni Papa kaya nakisama na rin tong kumag na to na nakalimutan na atang monthsary namin ngayon. Kaya nakakatampo, sarap bangasan eh. Hay,

"Oh nag aaway ba kayo?"tanong ni Papa.

"Hindi po Pa hehe tara na?"pag aaya ko sa kanya baka kasi magtanong pa. Naku.

Hindi ko pinansin si Christian hanggang sa makapasok kami sa kotse. Napansin kong wala si Kuya, nasan na bang kabute na yon, nawawala't bumabalik heto na naman. Hehe

"Pa, asan si Kuya?."maang kong tanong. Si papa ang magdadrive. Nasa likod naman kami ni Christian.

"Ah nauna na, nandun na siya sa pupuntahan natin."Ahh kaya naman pala.

Nagpapansin naman si Christian sa tabi ko, panay kalabit eh. Parang timang.

"Ano?".inis kong tanong, nakakainis. Di niya maalalang monthsary namin. Wala man lang bati simula pa kaninang umaga.

"Sorry na. Wag ka ng magtampo labs."

"Eh sa nagtatampo ako, may magagawa ka?"pagtataray ko sa kanya.

Bigla naman siyang lumapit sakin kaya napapitlag ako. Tapos may binulong siya sa tenga.

"Meron ka ba ngayon?"nanlaki ang mata ko sa turan niya kaya pinalo ko ang legs niya ng malakas."Aray! naman Shane!"

"Yan, ayaw mo kasing tumigil eh."

Tapos nginitian niya ko. Sabay tungkil sa dulo ng ilong ko.

"H'wag ka na magselos ha Shane ko. I love you."

Hindi ko siya tiningnan pambihira naman kasi bakit ba pag sinasabi niya yun parang hinihigop niya ang buong kaluluwa ko? Wala ba siyang ibang pwedeng sabihin na hindi mamumula ang pisngi ko?

"Ewan ko sayo."

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe. Kaya naalimpungatan ako ng maramdaman kung nakahinto na ang sasakyan at wala na kung kasama sa loob ng sasakyan.

"Asan na ba sila. Di man lang ako ginising."ang dilim pa naman sa labas, hapon na kasi kami umalis kaya ginabi na kami. Saan na ba tung lugar?

Pagbukas ko nang pinto ng sasakyan. Nagulat ako ng sumindi ang mga ilaw na nakapulupot sa mga puno, bumungad sakin ang napakagandang lugar. Nasan ba kami? Pagbaba ko nakita kong nasa may kaliwa sina Christian. May hawak siyang gitara at balak pa ata akong kantahan. Hehe, nandito din si papa at kuya, mukhang kinonchaba niya pati ang mga mukong niyang kaibigan at mga kaibigan ko. Nakangiti lang sila at napapahiyaw sa kilig.

Habang naglalakad ako palapit sa kanila. Lumapit sakin si Abbi at Mau.

"Ang haba ng hair mo te. Ayan oh, Abbi usog ka dun naaapakan mo na."sabi ni Mau na akmang iniingatan ang invisible kong buhok na nakalantay na daw sa lupa.

The Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon