Chapter Nine

111 6 0
                                    

Chapter Nine

Pagpasok na pagpasok ko ngayon sa campus, namataan kong dumadagsa ang mga estudyante sa tapat ng bulletin board at mukhang gulat na gulat. Kaya lumapit na din ako at nakipagsiksikan sa kanila para makita ko yong tinitingnan nila.

At napahawak nalang ako sa bibig ko ng makita ko kung ano ang nasa bulletin board.

Una Picture ni Maika na puro pasa at parang hubo't hubad halatang pinagsamantalahan. May tape na nakatakip sa bibig niya at pakiramdam ko matinding pagtorture ang ginawa sa kanya.

Pangalawa, picture niya na parang wala ng buhay..

Napakaripas ako ng takbo, at di ko maintindihan ang kaba at takot na nararamdaman ko.. Sino ba ang wala awang pumatay kay Maika? bakit niya ba ginagawa yon?

Agad kong hinanap si Christian sa room pero nakita ko nalang ang nakasulat sa Board namin.

Pangalan ko!

Shane, see you soon. Ang nakalagay, mas lalo akong kinilabutan. Ba't ganun? ano bang ginawa ko? Di ko na napansin ang biglang paglapit sakin ni Christian at mahigpit niya kong niyakap, niyakap niya ako na parang sinasabi niyang wag kang mag alala poprotektahan kita. Kahit na madami kaming classmate sa room parang pakiramdam ko ako lang mag isa at naging blanko ako..

"Shane.. Shane!" kanina pa pala ako niyuyugyog ni Christian kaya Bigla akong natauhan.

"Oh?"yun lang nasabi ko..

"Wag kang matakot babantayan kita, dito lang ako sa tabi mo.. di ko hahayaang makalapit sayo ang kung sino man ang may gawa nito." nakatiim bagang saad ni Christian..

Pero napatulala parin ako sa nakasulat sa board. Sino ka ba? at bakit ako naman ngayon ang pinupunterya mo?

"Who the hell wrote this on the board?"pasigaw na tanong ni Christian. Kaya nagulat ako at natauhan sa ginawa niya. Ako na ang susunod di ko alam kung anong gagawin at iisipin ko.

"Chris.. ako ang nauna dito sa room nakasulat na yan pagdating ko at di ko alam kung sino kasi wala namang ibang tao pagdating ko dito, maliban don sa janitor na naglilinis sa labas ng room kanina.."sabi nong isa naming classmate..

Walang sabi-sabi agad na nagmadali si Christian palabas ng room kaya hinabol ko siya. Pero napahinto kaming pareho ng tumapat sa amin si Cloud. Ilang araw ko siyang di nakikita, at halata sa mukha niya ang pag aalala. Pero nagulat nalang ako sa mga nangyare ng walang ano ano'y sinuntok ni Christian si Cloud at sabay na hinugot ang collar nito. Hindi tumitingin si Cloud kay Christian, wala akong magawa hindi ko malapitan si Christian para awatin dahil alam kung galit na galit na siya ngayon.

"What did you do Cloud? Tell me!"bakit niya ba tinatanong si Cloud ng ganun?

"I didn't do anything, I swear. He did it."depensa ni Cloud. Pero mas lalo lang hinigpitan ni Christian ang hawak sa kwelyo niya kaya napalapit ako sa kanila.

"Christian, tama na. Nasasaktan na si Cloud."hinawakan ko ang kamay ni Christian para pigilan siya sa mga pwede niya pang gawin, dahil pag nagpatuloy pa to malilintikan na kami sa principal. Madami na ding estudyante ang nakapaligid samin dahil di pa nagsisimula ang klase.

"Anong wala? you killed Maika!"panong.. si Cloud?

"Hindi ko kayang gawin yon Chris.. hindi ako mamamatay tao.."nanlulumong saad niya.

"Hindi mamamatay tao? Did you hear what you're sayin'? Did you forget it Cloud? Did you forget what you did to Enna?"ano ba talagang nangyayare? sinong Enna?

Bigla namang sumulpot ang isang professor samin.

"You two again? in Guidance Office now!"

"Dalawang warning na to sainyong dalawa.. If you repeat this fight again, I'm sorry but I have to expel the both of you.."sabi ng Principal sa kanilang dalawa..

The Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon