Chapter Thirteen
Hindi ako natutulog dahil alam kung hindi na maganda ang gagawin niya sakin. Tinanggal niya yung tali ko sa kamay at paa sa edge ng kama, hindi ko alam ang plano niya. Nag iiba din ang pagkatao niya, minsan mabait minsan parang demonyo, nakakatakot. Pinagpawisan ako ng malamig hindi ko maramdaman ang gutom. Kailangan kong makaalis dito, ito na ang pagkakataon ko. Bumangon ako sa kama, sobrang dilim kaya nagdahan dahan ako sa paglakad. Ni kaluskos ng paa ko'y iniingatan kong di niya madinig. Alam kong nandyan lang siya sa paligid kaya kailangan kong mag ingat.
Pinatay niya kanina ang ilaw kaya nahihirapan akong maglakad ng mabilis. Anong lugar ba to? Nakapa ko din sa wakas ang doorknob. Pinihit ko yun ng mahina, sobrang ingat na hindi yun makagawa ng ingay. Nang sa wakas, nabuksan ko din yun ng payapa, gumala ako ng tingin. Pero sobrang dilim talaga sa lugar na to. Hide out niya ba to, wala man lang ilaw.
Dahan-dahan parin ako sa paglalakad hanggang sa naabut ko ang dulo ng daan. Medyo madilim parin ng konti, kaya nangangapa ako.
Akala ko nasa dulo na ko pero parang mali.
May naririnig akong nagsasalita, pinakiramdaman ko kung saan yun kaya naglakad ulit ako hanggang sa marating ko ang lugar kung saan nanggagaling ang boses na yon.
Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi ng dalawang nag-uusap kaya dinikit ko ang tenga ko sa isang dingding. Pakiramdam ko pinto ito, dahil nagagap ko din ang seradura nito kaya dahan-dahan kong dinikit ang tenga ko sa pinto.
"Anak, itigil mo na to."
"No! akin lang si Enna, akin lang siya."
"Anak patay na si Enna, pinatay mo siya. Kung di mo pakakawalan si Shane baka mapatay mo rin siya."
"Sinong Shane? Hindi siya si Shane Ma. Ayos ka lang? Siya si Enna. Hindi Shane."
"Anak, makinig ka naman sakin. Ayokong makulong ka, gagawin ko lahat. Ano bang gusto mo? aalis tayo ng bansa? magpapakalayo layo tayo."
"Isama natin si Enna sa pag-alis ng bansa."
"Son. Please listen to me, Enna is Dead. And we need to get out of here."
"No! I'm not leaving Enna, hindi siya pwedeng mapunta kay Cloud."
"Anak naman --
"Tumigil ka na Ma, stop this nonsense issues of yours. I'm not insane! kaya di ako sasama sayo. Dadalhin mo ko sa ibang bansa, para ano? Ipasok sa mental. Ma, hindi ako baliw. Hindi! hindi!"
Malakas ang sigaw ng kambal ni Cloud at ramdam na ramdam ko ang galit niya. Baka kung ano ang gawin niya sa Mama niya. Kailangan kong tulungan ang Mama ni Cloud, kaya kahit nanginginig na ako sa takot ay pinihit ko ang seradura at iniluwa ako non sa harap ng Mama at kambal ni Cloud.
Nakabukas ang ilaw sa kwartong pinasukan ko, kaya kitang kita ko ang mukha ng dalawa. Gulantang na napatingin sakin ang Mama ni Cloud.
Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko, pero mas pinili kong maging matapang. Ako lang naman ang kailangan niya diba? Ibang iba na ang awra niya ngayon. Tiim baga siyang napatingin sakin, pero mabilis ding nagpalit ang ekspresyon ng mukha niya.
"Enna.--
"Ako lang naman ang kailangan mo di ba?"
"Shane, ba't di ka pa tumakas. Nanganganib na ang buhay mo sa anak ko."sabi ng Mama ni Ivan.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Ivan dahil bigla niya nalang tinutukan ng baril ang mama niya.
"If you don't stop, I swear I will pull the trigger and shoot you to death."
BINABASA MO ANG
The Brokenhearted Girl
Novela Juvenil[COMPLETED] Sabi nila time can heal the wounds, the pain, the scars of a Broken Heart. Ganyan si Shane kasawi noon dahil sa break up nila ni Cloud. But her heart turn into whole again when Christian came to fix it. Naging maayos ang lahat sa kanila...