Chapter Four

127 8 0
                                    

Chapter Four

Naalimpungatan ako sa malakas na katok sa pinto.Kaya bigla akong napabangon sa higaan at nakapikit na lumapit sa pinto para buksan ito.

"Ano ba yan bunso? maghilamos ka nga dami mo pang laway oh."bungad ni kuya.Ang aga-aga na naman nitong mambuwisit eh.Napapunas tuloy ako sa mukha ko.

"Paki mo ba eh sa ganito ako matulog.Ano bang kailangan mo sakin at ang aga-aga mong mambuwisit ha."pagsusungit ko sa kanya habang kinukusot kusot ang mata ko.

"Andyan yong boyfriend mo daw, sa baba.Kailan pa naging kayo nun ha bunso at di ka man lang nagpapaalam sa kuya mo?"

"Ha? sinong bo--"napahinto ako bigla at naalala ko na kung sinong tinutukoy ni Kuya."Andyan si Christian?!"bulalas kong tanong.Naku! naku naku naku.Pano niya nalaman ang bahay ko?Anak ng.

"Oo, ang aga-aga ngang dumalaw eh.Nandun siya sa labas iniinterview ni Papa.Pasaan ba kayo ngayon?Ikaw ah, di ka nagsasabing may pinalit kana agad sa gagong yun."seryoso niyang sabi.Makagago naman si Kuya eh wagas."Maghilamus ka na nga dun ki babae mong tao mukha kang bruha matulog"

"S-i papa? kinakausap siya ni papa?."

"Oo kaya bilisan mo na dyan.Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nila sa labas."

Hindi ko na si Kuya pinatapos ng pagsasalita agad kung sinara ang pinto, narinig ko pang may pahabol siyang sinasabi pero di ko naintindihan dahil nagmamadali akong nagpalit ng damit pambahay, sabado ngayon kaya walang pasok.Balak ko sana matulog magdamag kasi day off ko din ngayon, kaso hay.. at tumakbo na ko palabas ng kwarto para maghilamos sa CR sa baba. Nak ng ipis talaga, Mabuti nalang talaga at nasa balkonahe namin si Christian dahil kung hindi baka nakita niya ang itsura kong mukhang nagsuper saiyan.Nagsuklay nadin ako ng buhok ko at inayos ang sarili ko.

Takte naman..

Kausap niya nga si Papa. Pero bat sila nagtatawanan. Close agad sila?

Nang makalabas ako, bahagyang napatingin si papa at ngiting ngiti pa.Salamat naman, akala ko nagsuntukan na sila pero sabagay mabait naman talaga si Papa kahit kay Cloud, nong kami pa kaya nga maswerte kami kasi siya ang papa namin masipag at mapagmahal, kaya nga mahal na mahal siya ni Mama hayy sana nandito ka ngayon para sama-sama parin tayo.Maang akong tumingin kay Christian nang mapansin kong tinitingnan niya ko.

"Oh anak halika rito maupo ka, ang bait pala nitong boypren mo, akalain mong bigyan ako ng maraming tsokolate. Oh,"napatingin ako sa hawak ni papa na mga chocolates.Waah ang dami nga.Kaya naman pala abot tenga ang ngiti niya.

"papa naman baka magkadiabetes ka niyan."

"Naku, di ko naman tu aaraw arawin baka sumakit ang ngipin ko."nakangiti niyang sabi."Oh siya, sige anak pumasok nalang kayo para mag almusal ha, ayain mo tong boypren mo ha baka bigla mo na namang sipain palabas."si papa talaga, tapos bumaling naman siya kay Christian."Sige Hijo maiwan ko muna kayo't ipaghahanda ko kayo ng almusal."

"Sige po tito, salamat ho."nakangiti ring sagot ni Christian.

Umalis na si papa at naiwan kaming dalawa.

"Bakit andito ka? pano mo nalaman ang bahay ko? tsaka bat ang aga-aga mo?."

"Ang cool ng papa mo no?."hindi niya sinagot ang tanong ko at feeling ko talagang naamaze siya sa papa ko.

"Ang layo naman ng sagot mo, eh. Bat ka ba nandito?tsaka pano mo alam ang bahay ko?."

Lumipat siya ng upo at ngayon magkatabi na kami pero hindi magkadikit.Naimagine niyo yon?

"Eh di nagtanong, para san pa ang bibig kung lagi lang nakatikom?"sagot niya.Aba, mukhang straight na ata dila nito't wala ng halong english ang pinagsasabi.

The Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon