Married Life With A Dela Torre (Book 2)

4.9K 37 0
                                    

Married Life With A Dela Torre (Book 2)

Introduction:

"When the road ahead seems impossible, start the engine." --- Benny Bellamacina

Nang minsan kong mabasa ang quote na 'yan, naisip kong madali lang gawin---literal man o hindi. Pero mula nang makilala ko ang isang Kurt Dela Torre, nagbago ang pananaw ko.

I can compare the impossible road to the word 'moving-on'. Ngayon, 'pag iniisip ko na 'yon ang dadaanan ko, ni ang isaksak ang susi sa ignition ng sasakyan ko, hindi ko magawa.

CHAPTER ONE

Cheska's POV

Alam ko marami akong kasalanan. Sa sobrang dami, hindi ko na matandaan lahat kung anu-ano nga ba 'yon. Alam ko wala akong karapatan magtanong o magreklamo. Pero gusto ko lang malaman ang totoo.

Gano'n na ba karami ang kasalanan ko at kailangang kuhanin na sa'kin ang kauna-unahang lalaki na minahal ko at sobrang mahal na mahal ko?

Sa pinto pa lang ng chapel, hindi ko na nagawang pigilan ang pag-agos ng luha ko. Bakit siya pa? Bakit hindi ako? Bakit ngayon pa? Paulit-ulit ang mga tanong na 'yon sa isip ko habang pinipilit kong humakbang papalapit sa kanya.

Sana nang mahimatay ako kagabi ay hindi na lang ako nagising. Sana hindi ko na lang siya kailangang makita ngayon. Pero anong magagawa ko? Pagkamulat pa lang ng mga mata ko kagabi sa hospital, masayang sinabi ng doktor na okay ako at ang baby ko. Stress at pagod lang daw ang dahilan kaya nawalan ako ng malay.

Gusto kong hilingin na sana hindi na lang ako naging okay. Pero siguradong magagalit siya dahil kasama ko ang baby niya, namin. Kaso lang ay paano naman ako? Bakit iniwan niya akong mag-isa?

Umiling ako sa kuya ko na nakahawak sa'kin. "H-hindi... ko k-kaya." Nagmamakaawang usal ko.

"Kaya mo. Hinihintay ka niya."

Hindi ko magawang sumagot. Nanghihinang umiyak lang ako ro'n. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng lahat nang nando'n. Si Kurt, siya ang pinuntahan ko rito at hindi sila.

Inalalayan ako ni kuya para makapaglakad. Pinilit ko. Kaunti na lang naman. Kahit parang ang layo pero kaunti na lang.

"Kurt! Ang daya-daya mo!" Mahigpit na niyakap ko ang coffin sa harap ko. "Tumayo ka diyan, Kurt! Hindi mo 'ko pweding iwan dito! H-hindi mo pa 'ko... pweding iwan! P-paano... paano 'yong... mga p-plano natin? P-paano na... 'ko..." Hirap na hirap akong humugot ng hininga habang patuloy ang pag-iyak ko.

Gusto kong magalit sa kanya sa ginawa niya. Mahal na mahal ko naman siya pero iniwan niya 'ko. Pero sino ba 'ko para magalit? Alam ko namang hindi niya 'to ginusto.

"Cheska?"

"S-sandali... na lang, kuya." Panay pa rin ang pag-iyak ko. Pero sa pagkakataong 'to, tahimik ko na lang siyang tinititigan habang nasa salamin ng coffin ang kamay ko.

Kung alam ko lang, sana isinama ko siya sa'min nang gabing 'yon. Ilang beses niya akong kinulit na isama ko siya pero hindi ko ginawa.

I smile despite of the tears. "Nagtatampo ka pa rin ba kaya mo 'ko iniwan? Grabe ka naman magtampo sa'kin..." I close my eyes and open it again. "I love you, Kurt. Sana maraming beses ko nasabi sa'yo 'yan."

*****

Nang humupa na ang pagluha ko, nanlalambot na naupo ako sa pinakamalapit na upuan. Dahil hindi ko na kayang tingnan pa ang coffin, nilingon ko ang malaking picture ni Kurt sa bandang kaliwa ng coffin.

Married Life With A Dela Torre (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon