Married Life With A Dela Torre (Book 2) part 8

2.3K 35 8
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

... October 2014 ...

Nang nasa landing na ako ng hagdan, nilingon ko ang mga taong nagkakagulo sa sala. Three months na mula nang maipanganak ko ang baby ko pero gano'n pa rin ang epekto niya sa mga tao rito sa bahay---gulo in a nice way.

Napailing ako sa nakakatawang katotohanan na 'yon. Lahat kasi ng kaganapan sa buhay ng anak ko may kinalaman sa gulo. At lahat 'yon ay dahil sa nanay niya na hobby na yata ang masangkot sa trouble.

Nang makita kong komportable na ang anak ko habang buhat ni mommy, tumalikod na ako at humakbang papunta sa kwarto ko. Gustong-gusto ko na kasing ihiga ang likod ko dahil parang nangawit ako sa tagal nang pagkarga ko sa anak ko kanina habang nasa hospital kami. Monthly check up niya kasi kanina.

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko, ibinagsak ko na agad ang katawan ko sa kama kahit nakasapatos pa 'ko.

"Haay. Finally." Nakapikit na usal ko. Kaunting music lang siguradong matutulog na 'ko.

Sa naisip ko, nagmulat ako ng mga mata at kinuha ang cell phone ko sa purse na nasa tabi ko lang. In-unlock ko ang phone at nang nasa 'music' na 'ko, basta na lang pinindot ang play.

Patapos na ang kantang tumugtog do'n---siguro basta ko na lang in-stop 'yon kahit hindi pa tapos ang kanta no'ng huli akong nakinig ng music---pero agad din namang napalitan ng bago.

Pipikit pa lang sana ulit ako nang matigilan ako dahil sa kanta.

NP: Stay by: Lisa Loeb

~  You say, I only hear what I want to

And you say, I talk so all the time, so

With those words, bigla kong naalala ang isang taong nagdala ng pinakamatinding gulo sa buhay ko. Si Carl.

~ And I thought what I felt was simple

And I thought that I don't belong

And now that I am leavin'

Now I know that I did somethin' wrong

'Caused I missed you

Yeah yeah, I missed you

I can't help to smile when the words hit me so hard. Pakiramdam ko, 'yon mismo ang mga salitang gusto kong bitawan kay Carl sa mga oras na 'to. Sobrang miss ko na siya at alam ko na may isang malaking maling desisyon akong ginawa kaya sobrang miss ko na siya. Siguro tama lang 'yon para sa'kin.

~ And you say, I only hear what I want to

I don't listen hard, don't pay attention

To the distance that you're running

To anyone, anywhere

I don't understand if you really care

I'm only hearing negative, no no no, bad

"Para sa ikakabuti mo 'to..."

Mapait akong tumawa nang maalala ang so-annoying line niyang 'yon na lagi ko na lang sinasalungat. Ilang pagtalak ba ang ginawa ko tuwing sinasabi niya 'yon? Goodness! Ni hindi ko na alam kung ilan dahil sa sobrang dami. Paano kasi ay lagi ko na lang tinitingnan sa maling paraan ang lahat ng sinasabi niya.

Married Life With A Dela Torre (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon