Married Life With A Dela Torre (Book 2) part 5

2K 25 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Matapos ko magpalit ng pantulog ay pinatay ko na ang main light at lumakad papunta sa bedside table para buksan ang night lamp.

"Nasaan ang cell phone ko?" Usal ko nang makitang wala sa tabi ng night lamp ang cell phone ko.

Nagmamadaling tiningnan ko ang ilalim ng mga unan at tinanggal ang comforter sa kama. Wala sa kama ang cell phone!

"Saan ko nilagay 'yon?" Muli na namang usal ko at lumakad papunta sa tabi ng pinto para buksan ang main light.

Nang nakabukas na ang ilaw ay kunot-noong inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Wala pa rin!

Hinilot ko ang noo ko at pumunta sa tapat ng cabinet. Habang frantic na hinahanap ko sa damitan ang cell phone ko ay pumasok sa isip ko na baka nahulog ko 'yon at sa ilalim ng kama napunta.

Nagmamadaling lumuhod ako sa gilid ng kama at itinaas ang laylayan ng comforter saka yumuko. Pero ang mahirap kasi sa lumang bahay na may mga lumang gamit, pati ang kama ay antigo. 'Yon bang four-poster bed na maliit lang ang pagitan ng ilalim ng kama mula sa sahig. Jeez! Kung itutulak ko naman ang kama, aba, baka makunan ako dahil gawa 'yon sa hardwood.

"Dito ko huling ginamit 'yon, eh." Kausap ko sa sarili ko saka sumandal sa poste na nasa paanan ng kama. "Nasaan na ba 'yon?" Muli kong hinilot ang noo ko at pinilit alalahanin kung saan ko ba talaga nailagay 'yong cell phone.

Ilang minuto rin akong nasa iisang pwesto---nakasalampak sa sahig at nakasandal sa poste ng kama habang nakaunat ang dalawang binti at hinihimas ang tiyan---nang maisip ko na galing ako sa library bago umakyat sa kwarto ko.

Dahan-dahan akong tumayo na nakahawak pa sa kama at poste ng kama. Haay! Kung mahirap ang lumuhod at yumuko kanina, mas mahirap ang buhatin ang sarili mo patayo.

Paglabas ko sa kwarto ko, tila ako lokang nangangapa sa dilim papunta sa hagdan. Mukhang tulog na ang mga tao at ako na lang ang nanatiling gising.

"Ang aga naman nilang matulog." Bulong ko at huminto sa paglakad nang sa palagay ko ay nasa landing na 'ko ng hagdan.

Mula sa first floor ng bahay ay napansin ko ang bahagyang liwanag na hindi ko sigurado kung sa dining o sa kusina galing. Pero hindi ko na masyadong binigyang pansin pa 'yon. Sa halip, sa tulong ng liwanag na 'yon, maingat akong bumaba sa hagdan at dumiretso agad sa library nang nasa baba na 'ko.

Nang nasa tapat na 'ko ng pinto ng library ay pinihit ko agad pabukas ang door knob no'n.

"Bakit ayaw?" Nakakunot-noong bulong ko at muling pinihit ang pinto. Ayaw talaga bumukas!

Frustrated na sumandal ako sa pinto at nagbuntong-hininga nang maalalang ginamitan ni Carl ng susi ang library kanina.

"Malamang na ni-lock niya 'to para hindi ako makagamit ng aircon at laptop niya." Naghihimutok na kausap ko sa sarili ko at tiningnan ang paligid ko.

Ngayon ko lang na-realize, ang creepy tingnan ng buong bahay!

All of a sudden, lumakas ang tibok ng puso ko sa takot at kaba. Nanlalaki ang mga matang inikot ko ang tingin ko dahil sa pagiging aware ng lahat ng senses ko.

Napalunok ako at nag-umpisang maglakad ng kaswal, sa abot ng makakaya ko, papunta sa hagdan. Pero nang nasa tapat na ako ng hagdan at hahakbang na sana paakyat, biglang naging weird ang pakiramdam ko. Walang sigaw na lumabas sa bibig ko pero naramdaman ko nang kumaripas ako ng takbo papunta sa liwanag na nahagip ng peripheral vision ko.

"Oh, heavens! My God... please.. oh." Humihingal na humawak ako sa kitchen table habang nasa tapat ng puson ko ang kaliwang kamay ko. Yeah, sa kitchen galing ang liwa---

Married Life With A Dela Torre (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon