CHAPTER THIRTY-ONE
"OOH!" Malakas na singhap ko nang may maramdaman na kakaiba sa tiyan ko.
"May masakit ba?" Natatarantang tanong ni Carl at tinanggal ang comforter na nakatakip sa'kin.
"Oh!" Muling singhap ko at wala sa sariling napahawak sa gilid ng tiyan ko. "Nothing hurts, Carl." Nakangiting usal ko pero hindi mapigilan ang pangingilid ng luha.
"Are you sure? Ano ba kasing nangyayari?"
"The baby moved, Carl. My little Kurt... moved." My voice trailed off in mentioning Kurt's name.
"Really?"
Napatingin ako kay Carl sa coldness na narinig ko sa boses niya. "Aren't you happy?" I asked with hurt and confusion.
Umiwas siya ng tingin at marahang umalis sa kinauupuan niya. "Matulog ka na, bababa lang ako." Sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto.
Naguguluhang bumangon ako. "Carl..." Tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya lumingon.
Nang makalabas na si Carl sa kwarto ay tuluyang bumagsak ang luha ko. "Carl, please." Bulong ko habang nasa tiyan ko ang mga kamay ko.
May ginawa ba 'kong mali? Tanong ko sa sarili ko habang patuloy pa rin sa tahimik na pag-iyak. Masaya lang naman ako dahil sa baby, eh. Bakit ba parang galit siya? At bakit umiiyak ako? Bakit may kakaibang sakit na naman na gumuguhit sa puso ko?
*****
Kinabukasan, nagising ako na wala si Carl sa tabi ko. Alam kong hindi siya ro'n natulog. Halos buong magdamag kasi ay hinintay kong bumalik siya pero hindi naman 'yon nangyari.
Sa agahan, as usual, ako lang mag-isa ang kumain. At pagdating ng tanghalian, sinabi ni Tatay Mario na nasa rest house raw si Carl.
Sa nalaman ko ay halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko. At agad akong nagkulong sa kwarto ko matapos no'n.
Alam ko na gustong magtanong ng dalawang matanda kung anong nangyayari. Pero ipinagpapasalamat ko na hindi nila 'yon ginawa. Hindi ko kasi alam ang dapat kong sabihin dahil kahit ako ay walang ideya sa nangyayari.
"Mama..." Tawag ko sa mama ko habang umiiyak.
Noon, okay lang sa'kin na wala sa'kin ang phone ko. Naisip ko kasi ay makakatulong 'yon para sanayin ko ang sarili ko sa mas simpleng buhay. Baka kasi 'yon ang way para maging independent ako.
Pero habang nakakulong ako rito sa kwarto ko, namin ni Carl, naiisip ko na sana ay kahit ang makausap ang mama ko sa phone ay magawa ko.
Sobrang nami-miss ko na ang mama ko. Kung nandito lang siya, sigurado akong alam niya ang gagawin para gumaan ang loob ko.
NP: Welcome to my life by: Simple plan
~ Do you ever feel like breaking down?
Do you ever feel out of place?
Like somehow you just don't belong
And no one undestands you
Do you ever want to run away?
Do you lock yourself in your room?
With your radio on turned up so loud
That no one hears you screaming
No you don't know what it's like
When nothing feels alright
BINABASA MO ANG
Married Life With A Dela Torre (Book 2)
RomanceUnpredictable path of life is the most exciting way you can take to ride.