Married Life With A Dela Torre (Book 2) part 2

2.1K 31 1
                                    

CHAPTER SIX

Carl's POV

Today's the today.

Tumitig ako sa malaking salamin sa banyo at tinitigan ang bago kong hitsura. Skinhead. Tiny silver earring on my right ear. A three-day old snake tattoo on my left arm. And of course, a two-day old stubbles on my chin. In short, a stranger.

Sa tulong ng mga kaibigan ko---exclude Baste because he's still in his heartache recovery stage---ay ginugol ko ang panahon ko nitong mga nakalipas na araw para paghandaan ang 'kasal' ko.

Nang araw na magpakalasing ako, ang mga barkada ko ang nabungaran kong nakatunghay sa'kin nang magising ako kinagabihan. Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay sumalubong agad sa mukha ko ang isang baso ng malamig na tubig mula kay Ryan at isang malutong na 'WHAT A MESS!' mula kay Eds.

Nang bumangon naman ako mula sa couch---na hindi ko na matandaan kung paano ko narating---inabutan naman ako agad ni Zeph ng isang tasang kape, siya lang ang walang kibo sa kanilang tatlo.

Napailing ako sa repleksyon ko sa salamin at lumabas ng banyo para magbihis na.

Ang akala ko ay masisiraan na ako ng ulo nang magising ako ng gabing 'yon. Mabuti na lang talaga ay dumating ang mga kaibigan ko. Matapos kong magkwento sa kanila no'ng gabing 'yon ay tahimik lang sila tulad din no'ng nasa wake sila ni Kurt---sa wake ay nando'n si Baste. Pero sa kabila ng katahimikan nila ng gabing 'yon, alam ko at ramdam ko ang suporta nila. Paano ba namang hindi, eh, mga nagsi-absent pa ang mga 'yon---except Baste---para lang samahan akong magpamasahe, magpa-tattoo, magpabutas ng tainga at magpakalbo no'ng mga sumunod na araw.

"Carl?" Narinig kong tawag ni mommy mula sa labas ng kwarto.

Lumakad ako papunta sa pinto habang tina-tuck in ang long sleeves sa jeans na suot ko. Binuksan ko ang pinto nang matapos ako sa ginagawa ko.

"Madre de dios!" Bulalas ni mommy nang makita ako. "Carl, ano ba naman 'yang suot mo?!"

Hindi ko siya sinagot at muling tinungo ang closet para kuhanin ang sinturon ko at susi ng kotse.

"Carl, magpalit ka naman ng pantalon! Bakit faded jeans ang suot mo? Luma na 'yan, anak."

"Walang dahilan para magbihis ng magara sa kasal na 'yon, Mom. Civil lang 'yon." Balewalang sagot ko habang inaayos ang sinturon ko.

"Kahit na! Haharap ka sa pamilya ni Cheska na ganyan ang hitsura mo? You're impossible, hijo!"

Nilingon ko si mommy na tila maghi-hysteria anumang oras. "Pangalan ko lang ang kailangan nila, Mom. Kahit pa siguro mukha akong pulubi na darating do'n, ipapakasal pa rin nila ako kay Cheska para isalba sila sa kahihiyan." I said surly, thinking that I'm really like a fucking beggar for accepting the crap marriage as a solution.

Nagbuntong-hininga si mom at lumakad papunta sa pinto. "Alam kong parte nang pagrerebelde mo ang ginawa mong mga pagbabago sa sarili mo, Carl. Physical changes are tolerable but the inner changes are not. I'm sorry, hijo." Hindi lumilingong sabi niya at lumabas sa kwarto pero agad ding huminto. "Hihintayin kita sa grahe." Pahabol niya at tuluyan nang umalis.

Frustrated na naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at sinuot ang unang sapatos na nakita ko sa shoe rack.

Sa grahe, hindi pa man ako nakakalapit sa sasakyang gagamitin ko, nakita kong nakatayo na si mommy sa tabi ng kotse ko habang ang mga mata ay nasa sasakyan sa tabi no'n---Kurt's Mazda. Well, daddy at mommy ko muna ang dating gumagamit no'n. Wala kasi silang tiwala na mag-drive si Kurt.

"Gusto mo bang 'yong Mazda na lang ang gamitin natin?" Tanong ko nang makalapit ako.

"No."

Tumango ako at pumunta sa tapat ng driver-side door ng sasakyan ko. My car was Kurt's gift. Isang puting 2012 Volvo C70 'yon.

Married Life With A Dela Torre (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon