CHAPTER ELEVEN
Cheska's POV
"What rules?" Bumangon ako nang marinig si Carl.
"Rules. Magkakaroon tayo ng rules." Sagot niya na nakaupo paharap sa'kin.
Sumandal ako sa backrest ng couch at itinabi ang cell phone ko. Parang ngayon pa lang ayoko na ng idea niya. "Ikaw ba ang magbibigay ng rules?"
"Natural."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay, let's see. Tell me YOUR rules."
Nakakalokong ngumisi siya at itinaas ang hintuturo. "Una, ako ang masusunod sa bahay na 'to. Fundamental rule 'yon at lagi mo dapat tatandaan."
Ano?! "HOY! Hindi ako papayag! Ano 'to? New version ng bahay namin at ikaw ang Papa ko?!" Nakapamaywang na tumayo ako. "Excuse me, Mr. Husband, asawa mo 'ko at hindi alila na susundin ka!"
Tumayo rin si Carl. "Para sa'yo 'to kaya sumunod ka na lang."
"At kailan naging para sa'kin na ikaw ang masusunod? Sige nga, explain!"
Naiinis na pinadaan niya sa buhok niya ang kamay niya. "Look, alam kong ayaw mo---"
"Ayoko talaga!"
"Makinig ka muna, please!"
Umirap lang ako at pinagkrus ang mga braso ko.
"Maniwala ka man o hindi, Cheska, para sa ikabubuti mo na ako ang masusunod. Alam ko hindi mo gusto ang kinokontrol ka, ako rin naman, pero hanggang sa makapanganak ka lang naman."
"Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Ano ba naman kasing kinalaman ng pagbubuntis ko sa pagsunod sa kanya, 'di ba?
Umiling siya. "I can't tell you... for now."
Ha? "Confidential?" Sarcastic na usal ko.
To my bemusement, Carl gazed at me earnestly. "Yes, it is... for now."
Oh-kay! "Fine!" Naiinis na pagsuko ko at naupo na ulit.
Nagbuntong-hininga siya, nanatiling nakatayo. "Pangalawang rule, hindi ka lalabas ng condo nang hindi ko alam."
"What?!" Anong klaseng rule 'yon? "Ikaw na nga ang---"
"Cheska, fundamental rule---it's for your own good."
"I know. Pero bakit? I mean, paano kung gusto kong makita ang mga kaibigan ko 'tapos wala ka rito? Paano kung hindi kita matawagan or something? Ano 'yon? Dito lang ako? No way!"
"I'll make sure na lagi mo akong matatawagan kung wala ako rito." Sagot niya na sobrang kaswal na talagang ikinakulo ng dugo ko.
"Wow! Sana sinabi mo na lang na: 'Cheska, you're my prisoner.'" I replied, totally annoyed.
"Gusto mo ba? Madali akong kausap." Hamon niya na tila lalo pang nang-aasar.
I exhaled angrily. "Sigurado ako, ikaw din ang masusunod kung saan lang ako pweding pumunta, kung kailan, kung sino ang kasama at baka pati kung ano lang ang sasakyan. Oh, please! Tell me you're not going to do that or I might go pretty and madly insane!" Nanggagalaiting kinuyom ko ang mga kamay ko. Baka masapak ko ang kumag na nasa harap ko kapag 'di ako nakapagpigil!
"Then, I won't tell you. Ayokong magkaroon ng asawang baliw."
HEAVENS! SIYA ANG NABABALIW! "Alam mo... uuwi na lang ako sa'min! Dahil sa'min, kahit nakakasakal ay hindi tulad dito." Kinuha ko ang cell phone ko at tumayo para kuhanin ang susi ng kotse ko na nasa dining table.
"Hindi ka aalis." Hila ni Carl sa braso ko.
Galit na humarap ako sa kanya. "At bakit hindi? Kasal lang tayo sa papel at wala kang karapatan na diktahan ako!"
BINABASA MO ANG
Married Life With A Dela Torre (Book 2)
RomanceUnpredictable path of life is the most exciting way you can take to ride.