Married Life With A Dela Torre (Book 2) part 6

1.9K 21 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

"CHESKA ALCARAZ IS MY SUPER LOVELY BUT VERY IRRITATING WIFE!" Sigaw ni Carl na pigil na pigil ang pagtawa.

"Hey! I'm not irritating!" Kontra ko sa kanya.

"Nah! You are."

I rolled my eyes in amusement. "So mean!"

"Mean?!" Carl scoffed.

Bigla-bigla ay naalala kong sinabi rin pala niya ang 'lovely'. "Fine! You win!"

Hmm. Lovely? Tsk! Bakit parang tumaba ang puso ko ro'n?

*****

Matapos nang papamasyal namin ni Carl sa dagat gamit ang speed boat ay ibinalik na niya 'yon sa lugar kung saan nakakadena 'yon kanina. At syempre, ako naman ay walang reklamo na hinintay lang siya sa pinag-iwanan niya sa'kin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghintay kay Carl na medyo may kabagalan sa pagkakadena ng speed boat. Pero pagbalik niya sa tabi ko, nakaupo na 'ko sa buhangin dahil nangawit na 'ko sa pagtayo.

"Miss me, wife?" Nakakalokong asar ni Carl nang tingalain ko siya.

Jeez! What an arrogant! "In your dreams, Carl." Sagot ko na lang at nag-pout. "Tulungan mo akong tumayo."

Agad naman niya 'kong tinulungan. "Ang laki na rin pala ng tiyan mo." Usal niya nang naglalakad na kami papunta sa motorbike niya.

Nagbuntong-hininga ako nang makasandal na 'ko sa motorbike. "Napansin mo rin pala." Sarcastic na sagot ko. "Pwede bang maupo na lang tayo rito? Napapagod na kasi akong tumayo." Tukoy ko sa bike

"Sure."

Tinulungan akong maupo ni Carl sa bike---upo na hindi tulad kapag nakaangkas---at nanatili naman siyang nakatayo sa kanan ko. Though, bahagya siyang nakasandal sa bike.

"Pacific Ocean na 'to, 'di ba?" Naisip kong itanong nang mapansing walang nagsasalita sa'min ni Carl.

"Yup." Matipid na sagot niya na nasa dagat ang tingin.

"Kita ba rito ang villa?"

"Ang lugar kung nasaan ang villa ay oo. Pero ang villa mismo, hindi."

"Gano'n?"

"Uh-huh." Lumingon siya---na sinundan ko ng tingin---sa likuran namin at tumuro sa mataas na bahagi ng tila isang bundok. "Kita mo ba ang mataas na lugar na 'yon?"

"Oo."

"Sa kabila ng mga puno diyan, nando'n ang villa. Pero siguro medyo malayo-layo pa ng kaunti mula sa nakikita natin."

Inalis ko ang tingin ko sa itinuturo ni Carl at tiningnan siya.

"Pero alam mo, mula sa mataas na parte na 'yon, makikita natin ang dagat. One time, pagkapanganak mo, dadalhin kita ro'n para maintindihan mo 'ko. Medyo delikado kasi sa kondisyon mo ngayon ang magpunta ro'n." Saglit siyang huminto at huminga ng malalim. "'Tapos after nating makita ang dagat do'n, magla-lunch tayo sa rest house. Nasabi ko na naman kung saan 'yon, 'di ba? Ano sa tingin mo, ayos ba ang plano ko?"

Nang lumingon sa'kin si Carl, hindi ko alam kung bakit may sakit akong naramdaman. Kakaiba ang sakit na 'yon sa nararamdaman ko tuwing naaalala ko si Kurt. Parang may halong guilt ang sakit na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa kanya.

"Cheska? Okay ka lang? Ayaw mo ba no'ng naisip ko?" Tanong niya na nagpabalik sa atensyon ko.

"G-gusto ko naman." Sagot ko saka umiwas ng tingin at tinanaw ang walang katapusan na karagatan.

Married Life With A Dela Torre (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon