Married Life With A Dela Torre (Book 2) part 4

1.8K 22 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Carl's POV

"That's the last one, dude." Sabi ni Zeph nang maisakay na niya sa L300 na dala ni Eds ang swivel chair na kapares ng study table ko.

"Thanks, dude." Sagot ko at pinunasan ang dibdib ko ng T-shirt na hinubad ko kanina. "Kumain muna kayo sa loob bago tayo umalis."

"Oo naman, 'no. Nakakagutom kaya buhatin 'yong study table mo." Si Eds na lumabas sa sasakyan mula sa pag-aayos ng mga gamit.

"Halika na. Ang init-init na rito." Sabi ni Zeph na nauna nang maglakad habang nasa ulo ang hinubad na damit.

Sabay na kaming naglakad ni Eds habang panay ang ikot niya sa damit niya na hawak niya. "Putsa! Ngayon pa lang ramdam ko na ang summer."

"Hey, dude. 'Wag kang magsasalita ng ganyan sa harap ni Cheska." Paalala ko.

Tinawanan niya 'ko. "Sure. Sa kwento mo lang kanina ay ayoko nang makaaway ang asawa mo."

Umiling lang ako at dumiretso sa sala para kuhanin ang sunglasses at cap ko. Sila Zeph at Eds naman dumiretso na sa dining.

"Mom, nasaan si Cheska? Tapos na kami nila Eds." Tanong ko kay mommy nang mapansing pababa na siya ng hagdan pero hindi kasama si Cheska.

"Nasa kwarto siya ni Kurt. Nasaan sila Eds?"

"Nasa dining."

Tumango si mommy. "Ikaw, hindi ka ba kakain?"

Umiling ako.

"Fine. Hintayin mo na lang si Cheska. Titingnan ko muna sila Eds." Agad na umalis papunta sa dining si mommy matapos sabihin 'yon.

Nang mag-isa na lang ako sa sala, naisip ko kung bakit nasa kwarto ni Kurt si Cheska. "There's only one way to find out." Usal ko at nagmamadaling ibinaba sa center table ang cap, sunglasses at T-shirt ko saka umakyat sa hagdan.

Cheska's POV

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ni Kurt, napansin ko na agad ang mga kahon na nasa isang sulok no'ng kwarto. 'Yon ang mga box na pinaglagyan ng mga gamit niya galing sa unit niya.

Nilampasan ko ang mga kahon at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa chest of drawers na nasa bandang kanan, malapit sa isang french door. Nang nasa tapat na 'ko ng chest of drawers ay isa-isang tiningnan ko ang mga picture na naka-display sa pader sa itaas no'n.

Wala sa loob na itinakip ko sa bibig ko ang kamay ko. Lahat ng picture ay si Kurt. Iba't ibang Kurt.

Si Kurt na nakasakay sa kabayo katulad ng picture sa hallway. Graduation pictures ni Kurt no'ng elementary, high school at college siya. Si Kurt na naka-car racer's suit sa tabi ng isang sports car---not his Ferrari. Si Kurt sa harap ng Eiffel Tower. Si Kurt sa gitna ng isang football field. Si Kurt sa harap ng Harvard kasama ang ilang foreigner. Si Kurt kasama ang mommy at daddy niya. At si Kurt kasama si Carl na nakasandal sa isang motorbike.

"Magkaibang-magkaiba talaga tayo. Lumaki ka sa isang bahay na may classic beauty at ako ay sa isang moderno pero walang buhay na bahay. Lumaki ka ng masaya kasama ang pamilya mo at ako ay sa isang buhay na puro kasinungalingan. Ikaw ang nagpatakbo ng buhay mo at ako ay kailangan pang tumakas para mabuhay sa paraang gusto ko. At ang dami-dami mong na-achieve pero ako puro panghuhusga ang nakukuha mula sa mga taong hindi nakakaintindi sa'kin." Kausap ko sa mga picture sa harap ko habang umiiyak. "Pero sa kabila nang lahat, minahal mo pa rin ako, Kurt. Thank you, honey. Thank you kasi kahit ang dami-dami mong trophy sa den ng bahay na 'to, ako pa rin ang pinili mo para iwanan ng pinakaimportanting trophy mo." Hinaplos ko ang tiyan ko at tinitigan ang picture ni Kurt na nakasakay sa kabayo. "I love you, Kurt, as always." Halos pabulong na sabi ko at lumakad na papunta sa pinto.

Married Life With A Dela Torre (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon