1

46 0 0
                                    

"Why don't you try to find someone? Come on Autumn, it's been eight years..."

And here we go again... Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko at sa aming tatlo ay ako na lang ang nananatiling single ang status. Kaya naman hindi sila napapagod na kulitin ako.

"I don't have to look for someone to love. Nabubuhay naman ako ng walang ganun." Sagot ko kay Lindie.

"Oh really?" sarcastic na hirit namn ni Micha.

"Wag mong sabihing bitter ka pa din kay..." dagdag naman ni Lindie.

"Ano ba kayo? Eight years na ang nakakaraan. Bata pa ako noon."

Sinasabi ko na nga ba. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin nilang dahil ito sa aking first heart break. I was just seventeen back then when my first boyfriend cheated on me. After that I avoided boys well, not really.

"Yeah. Kaya nga simula noon ay wala ka ng ibang nagustuhan! May pag-alis ka pang nalalaman!" saad ni Lindie.

"Hindi lahat ng lalaki ay manloloko katulad nya!" segunda pa nitong si Micha.

"I know..." nakangiting sagot ko sa kanila at awtomatikong napakapa ako sa sing-sing sa aking kaliwang palasinsingan.

"Whatever. Basta, sa ayaw at sa gusto mo, nakaschedule ang date mo tomorrow night!"

"What?! Uso pala sayo ang blind date?! Wag mo ko idamay sa kalokohan mo Lindie Maze!" bulyaw ko sa kanya.

"Para din sayo 'to. Ayokong tumanda kang dalaga."

"I agree with Lindie. Sa pagkapihikan mo, iisipin ko ng tibo ka."

"Ugh! I guess I have no choice. But... just this once." Frustrated na sagot ko sa kanila.

Kinakapoy na sinundan ni Autumn ang receptionist habang papunta ito sa pwestong nakareserve para sa kanya at sa ka-'date' nya. Nang makita nya ang lalaking nakatalikod ay inayos nya ang kanyang postura, hindi para magpaimpress dito ngunit para hindi naman mapahiya ang kaibigan nya na syang nagreto sa kanya.

Tumayo ang lalaki ng makita sya nito. Bakas ang pagkamangha sa mga mata ng binata ng mapagmasdan ang dalaga.

"I suppose you're Masami Autumn?" saad nito at inilahad ang kanyang kamay.

"Yes I am. Nice to meet you Hotaka Ken." Nakangiting sagot naman ng dalaga.

Half-Japanese rin si Ken, kaibigan ito ng asawa ni Lindie. Noong una ay naiilang pa si Autumn sa binata sapagkat matapos ang pitong taon ay ngayon lamang sya muling lumabas kasama ang isang lalaki. Ngunit kinalaunan ay medyo nagiging komportable na siyang kausap ito. Hindi naman ito boring ngunit hindi rin naman niya masasabing nag-enjoy sya. Sapagkat sa loob-loob nya'y meron pa rin siyang hinahanap.

Napagawi ang tingin ni Autumn sa lalaki sa table na di naman kalayuan sa kanila. Tumayo ito habang nakatalikod pa rin sa direksyon nya. Nakipagkamay sa may ka-edaran nang lalaki na marahil ay kameeting nito. Nang akmang iaalis na niya ang kanyang paningin ay biglang humarap sa kanilang direksyon ng lalaki na tila hinahanap ang waiter upang magsettle ng bill. Tila tumigil ang oras para kay Autumn ng panahong iyon. Napabalik naman siya sa katinuan ng marinig ang boses ni Ken.

"Hey? You still with me?" tanong nito nang mapansing wala sa kanya ang atensyon ng dalaga.

"A-ah! Gomenasai..."

"It's fine. As I was saying..."

"Ahm.. Ken, I'm sorry but I think I have to go. Nice to meet you again."

Pagpuputol ng dalaga sa nais pang sabihin ni Ken. Napansin nya kasing nakalabas na ang lalaking nakita nya kanina. Wala na rin namang nagawa si Ken dahil agad na tumayo at mabilis na naglakad palabas ng resto si Autumn.

Habang papalabas si Autumn ay iniisip nya pa rin kung bakit nya ba naisipang sundan ang lalaking nakita nya. Nakita na lamang niya itong nakasakay na sa kanyang kotse at umalis na. Doon sya natauhan at napatulala sa kinatatayuan nya. 'Bakeru. Imposibleng siya iyon Autumn! Wala na siya rito.' She said trying to convince herself.

Nang gabing iyon, pagkauwi ay dumiretso siya sa kanyang kama... at unti-unting nabasa ng maliliit na patak ng luha ang kanyang palad na nakatakip sa kanyang mukha. Malungkot nyang binalikan ang nakaraan. Ang isa sa pinakamagandang alaala na mayroon sya.

When Fall Came One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon