8

11 0 0
                                    

Hapon na nang makarating ako sa probinsya na kinalakihan ng aking ina. Nakangiti akong binati ni Nanay Lina at binigyan ako ng mainit na yakap. May kasama siyang isang binatilyo at dalagita na marahil ay mga apo na nya na nakangiti lamang sa akin at ginantihhan ko naman iyo ng malumanay na ngiti. I can’t believe eight years have passed, it feels like yesterday when I decided to be a doctor.

“Iha, mabuti naman at nakadalaw ka muli rito. Sayang at hindi mo kasama ang iyong ama at kapatid.”

“Sa susunod po siguro, Nanay Lina.” Pinaakyat na niya ako sa aking silid upang makapagpahinga at sinabihang bumaba na lamang sakaling gusto kong magmiryenda.

I stopped in front of my room; my hands are trembling, cold and sweating as I reach for the knob. My heart’s thumping hard on my chest with the same ache I felt the first few months that I started to accept the harsh reality eight years ago. Right now I’m starting to wish that later this night I’ll find him sitting on a tree near my balcony, waiting for me. That he’ll visit his childhood friend, his first love and I will hug him tight and proudly show him that his proposal ring fits my finger well now. I never thought it’ll be this hard. I let out the air I unconsciously been holding in and opened the door with all the strength left with me. In no time I’m already lying on my bed and realized that I’m staring at the curtains covering the balcony’s door before darkness took over.

I’m awake but I don’t have the courage to open up my eyes. I know it’s already night time because I can hear the cicadas outside… just like before. The only diffence is that I’m afraid that there will be no pebbles knocking on my door tonight… there’s no Fall coming for me this summer.

*****

Buong umaga ay nakipagkwentuhan ako kay na Nanay Lina at sa mga apo niya habang tumutlong sa mga gawaing bahay. Naparami nyang kwento lalo na tungkol sa mga pagbabago sa probinsya. Si Luisa, ang apo ni Nanay Lina ay napakabait na bata ngunit kapansin pansin ang pagkamahiyain nito. Si Luis naman ay ang kakambal nito ngunit hindi sila magkamukha ay kaswal lamang makipag-usap at halatang sanay makihalubilo sa ibang tao. Kay Luis ko natuklasan na tapos na sila sa highschool ngunit hindi magawang makapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa hindi kakayanin ng kanilang mga magulang ang mapag-araal sila. Kaya naman napagdesisyunan kong tustusan ang pag-aaral nilang dalawa. Nakikita kong gusto rin ni Lea ang maging doktor dahil sa pagiging interasado nya sa pagkekwento ko tungkol sa aking trabaho. Si Luis naman ay nais na maging engineer. Wala naman pa naman akong sariling pamilyang sinusuportahan kaya naman maganda na rin ito, atleast may makakatulong ang perang kinikita at namana ko sa aking magulang.

“Maraming salamat talaga Ate Autumn!” sabi ng kambal na may malawak na ngiti sa kanilang labi.

Binigyan ko naman sila ng mahigpit na yakap at napatawa ako nang umiwas ng tingin si Luis at napakamot sa batok, nahihiya sya, akala ko ay wala sya noon.

“Gusto kong makausap ang magulang nyo bukas dahil isasama ko na kayo sa Manila kung papaya sila. Sa ngayon ay may pupuntahan muna ako, pakisabi na lang kay Nanay Lina.”

“Sige po. Mag-iingat kayo.” Saad nila.

When Fall Came One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon