2 : Summer Night

11 0 0
                                    

Komportableng nakahiga sa kanyang kama si Autumn, habang ang mga huni ng kuliglig ang tanging nagbibigay ng ingay sa paligid. Kung wala ang mga ito ay magiging napakatahimik ng unang gabi niya sa kanilang tahanan dito sa probinsya. Dala ng pagod mula sa byahe ay di mapigilan ni Autumn ang mapapikit, ngunit ang ingay na nanggagaling sa salamin na pintuan ng kanyang balkonahe ang nakapagpamulat sa kanya. Ipagpapabalewala na lamang sana nya ito ngunit umulit ang tunog na gawa ng isang maliit na batong tumama sa pintuan ng kanyang balkonahe.

Tahimik siyang tumayo at lumapit sa pintuan at marahan nyang hinawi ang kurtinang nakatakip sa dito. Napatigil siya ng makita ang isang binatang nakaupo sa isang malaking sanga ng puno na malapit sa balkonahe ng kanyang silid. Nakatingin ito sa taas kung saan maliwanag na nakatanaw sa binata ang buwan. Unang pumasok sa isip nya ang tumakbo papunta sa silid ng kanyang ama upang sabihing may isang di kilalang lalaki ang nakapasok sa kanilang tahanan.

Ngunit may kung anong pumipigil sa kanyang mga paa at maging sa kanyang mga labi kung kaya't hindi niya magawang makatakbo o makasigaw man lamang. Napuno ang kanyang isipan ng mga bagay tungkol sa kanyang nakikita. Ang mala ginto nitong buhok na kumikinang sa ilalim ng maliwanag na buwan kasabay ng kanyang malalim at maiitim na mata.

Nanigas siya ng lumingon sa kanya ang binata at ngumiti. Kumaway ito na tila ba matagal na silang magkakilala. Muling syang nagbalik sa wisyo ng maramdaman ang malamig na hanging tumatagos sa manipis nyang pantulog. Dun nya lamang napagtantong nabuksan na nya ang pintuan at nakalabas na siya.

"Malamig ngayon, baka sipunin ka sa suot mo." Saad ng binata at muling ngumiti.

Mabilis na bumalik sa loob si Autumn upang magsuot ng sweater. Pabalik na sya sa balkonahe ngunit naatigil sya at tinanong ang sarili kung bakit kailangan pa nyang lumabas uli at kausapin ang isang taong hindi nya kilala at bigla na lamang sumulpot sa bahay nila ngayong disi oras na ng gabi. May maliit na boses naman sa kanyang loob ag nagsasabi kung gaano kaganda ang boses ng binata, at hindi maitatangging ang itsura nito ay malayo sa itsura ng mga adik sa kanto. Napailing sya sa kanyang naisip at sinabing hindi pa rin sya dapat kaagad na magtiwala.

Narinig nya ang mahinang pagtawa nito kaya naman lumabas na sya.

"Bakit ka nagtatagong parang bato roon? Nakikita pa rin naman kita. Natatakot ka ba sa akin?"

Nag init ang pisngi ni Autumn dala ng pagkapahiya. Kaya naman inis nyang sinagot ag binata.

"Sino ka ba?! Bakit ka nandito?! May masama ka sigurong balak no?! Dapat talaga tinawag ko na si Daddy!" bulyaw ng dalaga.

"Pasensya na.Ako nga pala si Fall. Kung gusto mo ay aalis na lamang ako." Malungkot na saad ng binata.

"W-wag... A-ano... ako nga pala si Autumn." Sabi ng dalaga.

Hindi nya maintindihan kung bakit nya pinigilan ang binata. Naisip nyang marahil ay mabuti narin ito at may bago kaagad syang kaibigan.

"Autumn... napakagandang pangalan." Nakangiting tugon ni Fall.

Ang pagbanggit ng binata sa pangalan ni Autumn ay nagpabilis sa tibok ng puso ng dalaga.

"H-hindi ka ba bababa dyan? Baka kase mahulog ka."

"Maraming salamat sa pag-aalala pero ayos lang ako rito."

"Siguro myembro ka talaga ng akyat-bahay gang ano?!"

"Nakakatuwa ka talaga Autumn! Alam ko namang hindi iyan ang tingin mo sa akin."

"P-paano mo naman nasabi?!"

"Dahil kung ganoon ay hindi mo sana ako kinakausap ngayon." Nakangiti nitong sagot.

Hindi na sumagot pa si Autumn dahil napapaisip din siya kung bakit nga ba siy nakipagkilala rito. Hindi nagtagal ay muling nagsalita si Fall.

"Malalim na ang gabi, dapat ka na sigurong magpahinga. Nagpunta lamang ako dito ng mabalitaan kong nagbalik ang dating may ari ng bahay. Nagagalak akong makilala ka Autumn.Basta, magkaibigan na tayo ha!" Sabi ng binata at mabilis na nakababa ng puno at tumakbo na paalis.

"Fall... my first friend here in a new place. It's nice to meet you too." Mahinang saad ni Autumn habang nakatanaw sa tumatakbong binata hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

When Fall Came One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon