5

7 0 0
                                    

Sa isang araw na ang alis nina Autumn. Kakauwi nya lang ngayon mula sa lugar kung saan sila laging tumitigil ni Fall. Naabutan nya ang kanyang amang naghihintay sa kanya sa sala.

“Good evening, Dad!”

“You’re home. Let’s eat.” Yaya nito sa kaniya.

“Nanay Lina, sumabay na po kayo sa amin.” Yaya pa nito sa katiwala nila.

Habang nasa hapagkainan ay bigla na lamang nagsalita ang kanyang ama.

“Sabi ni Nanay Lina, nawiwili ka raw gumala dito. At napapansin ko nga rin yon.”

“Yes Dad. May magandang place kase kaming natagpuan eh.”

“Kami? Sino ang kasama mo? Mabuti naman ay may naging kaibigan ka na rito.”

“Uhh… Si Fall po.” Nakangiti nyang sagot rito.

Napatigil naman ito sa pagkain, maging si Nanay Lina. Napatingin naman si Autum sa mga ito na puno ng pagtataka.

“Iha, kung hindi ako nagkakamali ay sya ang kalaro mo noong bata ka pa lamang hindi ba?” saad  ni Nanay Lina.

“Po? Kalaro?” taking tanong nya rito.

“Bata ka pa lang noong huli tayong tumira rito ng iyong ina, Autumn. Kaya siguro ay hindi mo na natatandaan.” Sagot naman ng kanyang ama.

“Siguro nga dad…” naguguluhang sagot ni Autumn.

“Ngunit iha… Tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Fall?” tanong muli ni Nanay Lina.

“O-opo. Simula po ng dumating kami rito ay nakilala ko na sya. Sya po yung nakatira sa bahay sa may burol.”

“Susmiyo!” gulat na saad ni Nanay Lina.

“Hindi maaari iyon, iha. Matagal ng wala ang mag-anak nina Fall dito sa probinsya. May isang taon na rin ang nakakalipas. At ang balita pa ay naaksidente raw ang sasakyan ng mga ito. At si Fall… Iha… sigurado ka bang si…”

Nabitawan ni Autumn ang kubyertos na gamit niya. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa narinig. Natauhan sya ng may humawak sa nanginginig nyang kamay kung kaya napalingon sya sa kanyang ama. Pinunasan nito ang kanyang mga luha na hindi nya man lang napansing nakawala sa mga mata niya.

“H-hindi… k-kasama ko sya. Kanina lang… masaya kami. T-tapos… madami pa nga kaming p-pictures..”

Agad nyang piuntahan ang camera nya na iniwan nya sa salas. Sumunod naman ang kanyang ama at si Nanay Lina.

“I-ito oh...” napaupo siya sa sofa ng makitang wala ni anino ni Fall sa mga litratong dapat ay naroon ang binata. Tanging ang malinaw na batis… nalawak na lupain ng bulaklak.

At ang litrato kung saan ay magkasama sila at nakadantay ang ulo niya sa balikat ni Fall ay nag bago. Walang Fall na makikita, siya lamang mag-isa ang naroroon.

“P-pero… kasama ko sya dito! Nandito sya kanina lang! H-hindi…”

Niyakap sya ng kanyang ama. At pilit na pinapakalma.

Iginaya na sya nito sa kanyang silid at umalis din ito ng makatulog na si Autumn dahil sa pag-iyak.

When Fall Came One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon