3

11 0 0
                                    

Tanghali ng nagising si Autumn, napuyat kasi ito sa pagkukwentuhan nila ni Fall. May dalawang linggo na rin ang nakakalipas at gabi-gabi niya itong kausap. Pagbaba nya ay wala ang kanyang ama ngunit may niluto na itong pagkain. Matapos ito ay nag-ayos sya para maggala-gala. Kasalukuyan syang nagbibihis ng may marinig syang ingay galing sa balkonahe. Doon nya lamang napansin na hindi pala nakasara ang kurtina nito. Mula sa salamin nito ay nakita nya si Fall na gulat na nakatingin sa kanya at nang matauhan ay agad na tumalikod. Hindi na nagawang sumigaw pa ni Autumn, saglit syang natigilan, nanlalaki ang mata at nakaawang ang bibig habang nakatakip ang t-shirt sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. Patapos na naman syang magbihis at T-shirt na lang ang hindi nya nasusuot ng mapaharap sya kay Fall kanina.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ng dalaga ng maisuot ang damit at makabawi sa pagkabigla.

"A-ah... eh... tapos ka na ba?" nahihiyang tanong ni Fall at dahan-dahang humarap ng sabihin ni Autumn na tapos na syang magbihis.

"Pasensya na. Hindi ko naman alam na... nagbibihis ka pala." Saad nito at hindi parin umaalis sa balkonahe.

"Okay lang. Kasalanan ko din at hindi ko naibaba ang kurtina." Sagot ni Autumn na namumula pa rin at pumunta rin sa balkonahe.

"Yayayain sana kitang maglakad-lakad. May alam kasi akong magandang lugar dito." Sabi ni Fall na nakatungo.

"TALAGA?!" excited na tanong ni Autumn. "Tara na!" yaya nito sa binata habang nakatayo sa pintuan, nakasabit ang camera sa leeg at palabas ng kanyang kwarto.

"Hihintayin na lamang kita sa baba. Dito na lang ko dadaan." Saad ni Fall.

" Okay!" Sagot ni Autumn at mabilis na bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay nagpaalam na lamang sya sa isang katiwang nandoon na mag-iikot lamang sya.

Tahimik lamang habang naglalakad ang dalawa. Mapuno ang paligid kaya naman hindi nila masyadong nararamdaman ang init ng araw.

"Fall. Pag ikaw, kung anong masama ang gawin sakin. Hindi ka na sisikatan ng araw!" saad ni Autumn.

Napatawa naman ang binata sa sinabi nito, "Walang makakaalam kung may gawin ako sayong masama, Autumn." Seryosong saad ng binata.

"H-hoy! Fall ha! W-wag kang ganan ! Pinagkatiwalaan kita..."

"Ahahahaha! Nagbibiro lamang ako, Autumn." Usal ni Fall at binigyan ng ngiting may sinseridad ang dalaga.

Napangiti na lamang din ang dalaga. Hindi nya alam sa sarili kung bakit napakagaan ng loob nya rito gayong kakikilala lang naman nila. At sa totoo lamang ay pagkasama nya ito ay pakiramdam nya ay protektado sya. Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na sila sa isang napakagandang lugar.

May batis na may malinaw na tubig at maraming bulaklak sa malawak na lupaing nasa kanyang harapan.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Fall.

Parang batang sunod-sunod na tumango si Autumn at nagtatakbo sa paligid.

Masaya itong pinagmasdan ni Fall pagkat isa ito sa matagal na nyang pinangarap.

"Fall !! Halika dito! Picturan mo ako, daliiii!!"

Tumakbo naman si Fall patungo sa kinaroroonan ng dalaga. Tila isang modelo ay nagpopose si Autumn.

Di nagtagal ay inagaw na nito kay Fall ang camera.

"Smile, Fall!" at agad nyang pinicturan ang binata.

May mga kuha rin sila na magkasama. Nang mapagod ay humiga sila sa damuhan, tahimik lamang.

"Salamat sa pagdala mo sakin dito ah!" nakapikit habang nakahiga sa damuhan si Autumn ngunit nakangiti ito.

When Fall Came One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon