Napakabilis na lumipas ng mga araw at isang linggo na lang ay babalik na sina Autumn sa Maynila. Sa araw-araw ay kasama na nakakasama nyya si Fall ay naging napakalapit na nila sa isa’t-isa. Masayahin si Fall at napakakulit. Hindi rin maitatanggi ang komportableng pakiramdam ni Autumn sa tuwing kasama ang binata.
“Autumn…” tawag ni Fall kay Autumn na masayang nagpapalamig ng paa sa batis.
“Yes?” sagot ng dalaga at tumingin sa katabi.
“Autumn…”
“Ano nga?”
“AUTUMN!”
“Fall! Anong trip mo?!” sigaw nito sa katabi na ngayon ay nakangisi lang sa kanya.
“Autumn, Autumn, AUTUMN!”
“WHAT?!” inis na usal ni Autumn sa binata.
“Autumn. .. Ang sarap talagang sabihin ng pangalan mo.” Sabi ni Fall na syang ikinapula ng pisngi ni Autumn.
Agad namang umiwas ng tingin ang dalaga nang maramdaman ang pag-init ng kanyang pisngi.
“Ang ganda mo talga Autumn. Lalo na kapag namumula ang pisngi mo.” Dugtong pa ng binata.
“T-tumigil ka nga!” saway ni Autumn dito.
Napatawa na lamang ang binata sa reaksyon nito. Ngunit napatigil sya nang muling magsalita ang dalaga.
“Isang linggo na lang at babalik na kami sa Manila.” Malungkot na saad ni Autumn.
Walang pasabi ay bigla na lamang niyakap ni Fall si Autumn na tila ba ayaw na nya itong paalisin.
“Autumn… wag mo na akong kakalimutan ha? Hindi ko kakayanin.” Basag na sabi ni Fall.
Hindi na rin napigilan ni Autumn ang maiyak, “Hinding-hindi, Fall.”
Tila ba sinasabi ng pagkakataon at ng kanilang damdamin nang nagtagpo ang kanilang mga labi. Sa ilang sigundong iyon ay tila tumigil ang lahat. Magkalapat ang kanilang noo habang nakapikit parin. Hawak ni Fall ang mga pisngi Autumn, nagmulat si Autumn at bumungad sa kanya ang itim na mga mata ni Fall at wala syang nais na sayangin na panahon.
“Mahal na mahal kita Fall. At hinding – hindi kita kakalimutan. Babalik ako dito, babalikan kita.”
Napakatamis ng ngiting ibinigay ni Fall sa dalaga bago ito muling niyakap.
‘Mahal din ba niya ako? Iyon ba ang ibig sabihin ng ngiti at yakap mo Fall? Pakiusap… sabihin mong tama ako.’ Saad ng kanyang isip. Magkahalong lungkot at saya ang bumabalot sa dalaga, pansamantala lamang ba ang pagmamahal na ito?
BINABASA MO ANG
When Fall Came One Summer
Teen FictionOne summer, I met him. Sitting on a tree near my balcony with the moonlight as his own spotlight. A stranger who turned out to be my first friend at a new place I'm in. The story of my summer started that night. When he purposely crept into my heart...