Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mata. Palaginip. Palaginip lamang ang lahat. Dumiretsyo ako sa banyo at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Pugto ang aking mg mata. Marahil ay naiyak ako dahil sa aking napalaginipan. Matapos mag-ayos ng aking sarili ay aga akong bumaba upang kumain. Matapos kumain ay umakyat muli ako sa aking kwarto.
“Grabe naman ang palaginip na ‘yon. Parang totoo.”
Naisipan kong magtingin-tingin sa mga lumang gamit sa silid. Hindi ko alam kung bakit, marahil ay dahil sa palaginip kong sinabi saakin ni Nanay Lina na tumira kami rito noong bata pa ako. Binuksan ko ang isang cabinet at doon ay may nakita kong ilang lumang box, nasa pinakataas nito ay ang isang di kalakihang box na may dekorasyong halatang bata pa ang gumawa. Hinipan ko ang alikabok upang mabasa ko ang nakasulat sa takip ng kahon. Natigilan naman ako nang mabasa ko na ito.
FALL and AUTUMN AUMI
“A-ayumi… A.. u.. mi.”
Agad kong binuksa ang kahon at sa loob nito at mga litrato ng dalawang bata. Ako… at si Fall.
Agad kong kinuha ang aking camera at tinignan ang mga litrato naming ni Fall doon. Ngunit gaya ng sa palaginip ay wala… walang Fall. Doon ko lamang napagtantong hindi palaginip ang lahat. Totoo ang nangyari kagabi. Si Fall… walang Fall.
Nagtatakbo ako apaalis ng bahay, pinipigilan ko ang pagpatak ng aking mga luha. Tinatawag ako ni Nanay Lina pero hindi ko na sya nagawang lingunin. Papunta ako ngayon sa bahay nina Fall. Hindi ako naniniwalang wala na sya. Hinihintay nya ako diba?!
Ngunit nawala lahat ng pag-asa ko ng buksan ko ang pintun ng bahay nina Fall. May iilan lamang gamit ang nandirito at halatang napabayaan na. Pero paano?! Kahapon lamang ay may sofa rito. may T.V. ,may gamit sa kusina… may Fall.
Namalayan ko na lamang na nandito ako sa lugar kung saan lagi ko syang kasama. Nakatitig sa batis.
“Ang sabi mo ay hinihintay mo ang kababata mo. Alam ko na ngayong ko yun… pero nasaan ka? FALL! Ang daya mo naman eh!!” basag ang kanyang boses at walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha hanggang sa mapaluhod na sa gilid ng batis.
Matagal rin akong namalagi roon bago ko napagpasyahang umuwi na. Hindi ko na magawang umiyak.
Naabutan ko sa labas ng bahay si daddy na bakas ang pag-aalala.
“Anak! Akala ko ay kung ano ng nangyari sayo! Ayos ka lang ba?? Tinawagan kita pero iwan mo ang cellphone mo sa kwarto mo.” tanong nito habang yakap pa rin ako.
“Pasensya na dad. Okay lang ako. Magpapahinga lang po ako.” Sagot ko sa kanya.
“Sige, magpahinga ka na. Maaga pa ang alis natin bukas.” Tumango na lamang ako sa kanya matapos nya akong bigyan ng isa pang yakap.
Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko ang box na naiwan ko kanina. Kinuha ko ito at dumiretso sa balkonahe. Tinignan ko ang iba pa nitong laman. Inisa isa ko ang mga litrato namin at napapangiti sa mga naalala ko dahil dito. May mga laruan din na nagpapaalala sakin sa pagkabata ko… at kay Fall.
Napatitig ako sa isang gold na sing-sing na may tatlong diamond na nakalinya. Sinuot ko ito sa aking palasinsingan. Kasya na sya. Naalala ko noong ibinigay nya ‘to sa akin, hindi pa ito kasya sa akin noon dahil sa maliliit pa ang aking daliri kaya naman napasama ito sa box na ‘to. Pinangako nya saking pakakasalan nya ako. Binigay iyon sa kanya ng kanyang ina at sinabing balang araw ay ibigay sa babaeng pakakasalan nya.
Napatawa ako sa aking naalala. Bata pa lang pala ako ay na-engaged na ako kay Fall.
Mas matanda sya sa akin ng tatlong taon. Seven years old siguro ako noon at ten years old sya nung huli ko syang makasama.
Malamig na hangin ang dumampi sa aking pisngi at alam kong masaya si Fall na naalala ko na sya. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang hangin na nagdala sa akin sa pagtulog.
“Mahal na mahal kita Autumn Misami, Aumi. Pangako, magkikita tayong muli.”
Nagising ako sa pagtawag sa akin ni Daddy. Ngayon nga pala ang araw ng pagbalik naming sa Manila.
Agad akong nag-ayos at bumaba na para kumain. Nakaayos na kasi ang mga damit ko, inayos na ni Nanay Lina.
Nakangiti kong sinalubong si Daddy at Nanay Lina na parehong nagtataka.
“M-maganda at ang gising mo anak.” Alinlangang bati sa akin ni daddy.
“Ayaw ni Fall ng umiiyak ako dad.” Nakangiti kong sagot sa kanya.
Niyakap nya lamang ako at muling ngumiti at niyaya na akong mag-almusal. Matapos yun ay nagpaalam na rin kami kay Nanay Lina. Pinabaunan nya pa nga kami ng tanghalian.
“Dad.” Tawag ko kay daddy.
“Yes?”
“I know what I want to be.”
“Good. What is it?”
“I want to be a doctor.”
BINABASA MO ANG
When Fall Came One Summer
Teen FictionOne summer, I met him. Sitting on a tree near my balcony with the moonlight as his own spotlight. A stranger who turned out to be my first friend at a new place I'm in. The story of my summer started that night. When he purposely crept into my heart...