Chapter 6

6 2 5
                                    

Normal na kapag sumakabilangbuhay ang isang tao mula sa lupa ay magrereplay ang kanyang mga alaala noong nabubuhay pa ito mula pa sa pagkasilang niya bilang isang sanggol na parang bang bumabalik ang kaluluwa nito sa nakaraan niya. Nahahati ang kaluluwa sa dalawa, ang espiritu na siyang identity ng tao at ang kaluluwa na siyang naghihiwalay sa katawan pagkatapos nitong mamatay. Ang kaluluwa ay lutang ng ilang sandali sa nakaraan nito. Tatlong minuto lamang ito sa lupa ngunit sa lugar na lutang sila'y napakabagal ng oras. Ang tawag nila rito sa pinakamadilim na parte at maselang parte sa kaluluwa ng tao ay ang Pandora Box, ang siyang nagsisilbing tulong o patnubay ng mga Dean o ang magpapasya kung saan mapupunta ang ang kaluluwa at manirahan sa pam-eternidad.

Orange


Hindi ako makagalaw. Nanatiling nakaluhod ang aking mga paa sa matigas na sahig.

Bakit ang dilim? Ba't amoy masansang? Naligo naman ako ah? Ba't parang may naririnig akong pagliliyab ng kung anong init?

DUG, DUG.

Parang maheart attack ako kasi ang bilis ng kabog gud ng aking heart.

Sa wakas ay nagtagumpay akong imulat ang aking mga mata ng dahan-dahan na para bang kakagising ko lang at halos maluwa ko ito ng nagprocess sa aking isip ang nasa paligid at kung ano ang situasyon ko ngayon.

Kaya pala napaka-init! Nagliliyab ang buong paligid! Harujusko! Hula ko ay nasa loob ako ng isang mansyon sa laki ng espasyo at mga namumukhaan ko pang mga furniture, nasa sala yata ako.

Nasaan ako? Nakidnap ba ako? Itrtrap nila ako? Ano naman kaya ang mapapala nila sakin? Bad trip, man.

Ramdam ko na mayroong tumulo na mula sa aking mata hanggang sa aking pawis na pawis na pisngi kaya trinapo ko ito gamit ng aking maliit na kamay. Nagtataka kong inispeksyon ito. Mukha itong likido na nahaluan ng kung anong pula. Wait—— maliliit na kamay?! What—

Ramdam ko ang pagbigat sa aking lapa kaya yumuko ako. Ngayon ko lang napansin itong napakagandang babae na nasa twenties yata na nakapahinga ang ulo sa aking lap. Mukha itong modelo ng maraming mamahalin na clothing line. Medyo wavy ang kulay blonde na mukhang 'di naisuklay ngunit mukhang malambot parin na mahabang buhok nito. Mukhang 'di pa din nagagalaw ang nakakainggit na makapal ngunit maayos nitong kilay. Pointed ang mapayat na ilong niya. Maputla pa ito sa patay!—— Nabaling ang atensyon ko sa nakabaon na matulis na bakal sa kanyang dibdib. Kalat ang pagdurugo niya sa kanyang suot-suot na madungis na puting dress.

Horisheyt.

Hindi ko siya magawang bitawan ng may biglang kirot akong naramdaman mula sa aking puso at napahagulgol ako ng labag sa aking kalooban. Bakit ako napaiyak? Alam ko ang samang pakinggan pero never pa akong umiyak na para sa ibang tao na hindi ko naman kilala.

Atat na atat akong mapatalon ng bigla itong gumalaw ng naghihina at nahihirapan sa halong gulat at takot na naramdaman ko.

"***," hindi kong maintindihang hinang-hinang tawag niya.

Dumilat ang malakalangitang asul na pares ng mga mata nito na pinapalibutan ng medyo maitim na bilog na nagpapahiwatig ng ilang gabi nitong walang tulog. Hinaplos nito ang aking kaliwang pisngi gamit ang kanyang nanginginig at malamig na kamay.

"M-mahal kita, aking munting bulaklak, tandaan mo iyan. Pa-pa-aki-usap, tumakas ka na't iwanan mo na ako da-dahil, wala na akong silbi sa i-iyo," nauutal nitong pangtataboy nito sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Life SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon