Chapter 5: The Masters

311 20 1
                                    

Dali-daling nagpatawag ng pagtitipon si Theodore. Tinawag niya ang bawat pinuno ng mga teritoryo.

Si Vianus the Griffin o isang nilalang na kasing laki ng leon, may ulo at pakpak siya ng agila at siya ang pinuno ng Acrisla.

Makikita rin si Fortchtwig the Forest keeper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makikita rin si Fortchtwig the Forest keeper. Si Fortchtwig ay isang tree creature. Malaki siya at ayon sa iba siya ay ilang libong taong gulang na.

 Malaki siya at ayon sa iba siya ay ilang libong taong gulang na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nadoon din si Dargath the Ice Elf. Mapapansin mo sa kanya ang ganda ng kanyang kulay asul at puting damit na may magagandang nakaimprintang disenyo na kulay puti. Nagtataglay siya ng mahabang tuwid na puting buhok, pointed na mga tenga, puting balat at asul na mga mata. Siya ay nakasuot ng koronang gawa sa yelo.

Silang tatlo kasama sina Theodore at Zack ay nakaharap sa isang malaking bilog na mesang gawa sa bato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Silang tatlo kasama sina Theodore at Zack ay nakaharap sa isang malaking bilog na mesang gawa sa bato. Mapapansin sa batong mesang ito ang mga makalumang letra at imaheng nakaukit.

Ang lugar na kanilang kinalalagyan ngayon ay ang Ressurgent o ang gusaling nakatayo sa taas ng bundok na matatagpuan malapit sa dalampasigan ng Scaria. Ang gusaling ito ay parang lighthouse na kung saan nakatayo ito malapit sa bangin.

"Pinatawag ko kayo ngayon dahil may mahalaga akong mensaheng dapat ipahayag. Alam niyo naman siguro ang tungkol sa aking kapatid, si Valker. Nagtatangka siyang agawin ang trono mula sa akin..." sabi ni Theodore.

"Masamang balita 'yan. Kung siya ay nananatiling nasa paligid, maaari siyang maging banta sa lahat ng nilalang" sabi ni Vianus.

"Tama ka ibon, ah este Vianus. Dapat na siyang mahuli sa lalong madaling panahon!" sabi ni Dargath.

"Ahh..." sabi naman ni Fortchtwig na para bang may ibang lenggwahe.

"Tama ka puno, may punto ka dun" sabi ni Vianus.

"Ano raw?" sabi ni Theodore.

"Hindi ko rin alam" biro ni Vianus.

Huminga ng malalim si Theodore at sinabing... "May plano ako, Fortchtwig tawagin mo ang lahat ng malalakas na hayop na nasa iyong nasasakupan. Dargath kailangan ko ang iyong mga mandirigmang Elves at ang kakayahan niyo sa ice magic. Vianus ikaw naman ang bahala sa himpapawid. Isama mo ang lahat ng griffin sa Acrisla at ibang lumilipad na nilalang. Ako naman sa ibang kagamitan at si Zack ang lalaban kay Veenix" sabi niya.

"Talaga ba? Mukhang isang batalyon yata ang kalaban natin ha? Sigurado ka ba na si Valker lang?" sabi ni Vianus.

"Mas mabuti na ang handa... At saka kasama niya si Veenix na alam naman nating may koneksiyon sa ibang masasamang nilalang" sabi ni Theodore.

"Hmmm, hmmm" ungol ni Fortchtwig habang ginagalaw ang kanyang ulo.

Nagulat naman sila nang biglang lumindol ng napakalakas.

"Ano ang nangyayari?!" sigaw ni Dargath.

"Malamang lumilindol" biro ulit ni Vianus.

"Hindi 'yun. Ang ipinagtataka ko lang kung ano ang sanhi nito. Alam naman nating simula pa talaga noon ay hindi nililindol ang Scaria dahil protektado ito ng mahika!" sigaw ni Dargath.

Bigla namang lumabas si Fortchtwig at sumunod na rin sila.

At nagulat sila sa kanilang nakita.

********

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon