Chapter 8: The Dark Horse

181 19 1
                                    


Pinalibutan ni Zack the Sorcerer ang buong Mainland o ang syudad ng Legendaria ng kulay gintong magic barrier. Para itong dome-shaped na enerhiya na tinakpan ang buong kaharian.

Nagmula ang enerhiyang ito sa tungkod niya na isang mahabang tungkod na gawa sa purong ginto.

Nakatayo siya sa disyerto na ilang metro lang ang layo mula sa tulay o ang daanan ng syudad.

Bigla namang may nagpakitang itim na ipu-ipo. Sumasabay din ang buhangin ng disyerto sa pag-ikot. Lumalakas ang hangin at dumidilim na ang kalangitan.

"Ano kaya ang nangyayari?" pagtatanong sa isip ni Zack.

Nagulat siya nang biglang may nagpakitang isang Centaur. Halos kulay itim ang makikita sa Centaur na ito. Nagtataglay siya ng mga mahahabang sungay at nakasuot siya ng kulay itim na armor at mayroon siyang nakakasindak na kulay violet na mga mata.

"Sino ka?!" sigaw ni Zack.

"Hindi mo ako kilala?!" sabi ng Centaur na ito sa isang boses na kakaiba. Ang boses niya ay kasing tunog ng tatlong taong nagsasalita ng sabay-sabay.

"Valker?" pagkagulat ni Zack.

"Sa wakas nakilala mo rin ako..." sabi ni Valker.

"Anong nagyari sa'yo?!" sigaw ni Zack.

"Naging mas malakas lang naman ako. Naging mas makapangyarihan at higit sa lahat mas naging... Sabihin na nating imortal na ang kalagayan ko ngayon!" sigaw ni Valker.

"Paano mo nakuha ang ganyang kalakas na kapangyarihan?!" sigaw ni Zack.

"Nagmula ang kapangyarihan ko kay Caprithorn at huwag ka nang magtaka kung gaano na ako kalakas ngayon!" sabi niya.

"At ano naman ang binabalak mo ngayon?!" sabi ni Zack.

"Ang wasakin ang lahat!" sabi ni Valker.

***********

Samantala sa loob naman ng palasyo,

"Ah kawal, nakita mo ba si Zack? Hindi ko kasi siya makita simula pa kaninang umaga" sabi ni Theodore.

"Malamang nasa labas po siya ng kaharian mahal na hari" sabi ng kawal at napatingin ito sa malapit na disyerto at sinabing... "Ah... Mahal na hari mukhang kakaiba po ang ipu-ipong 'yun!"

"Ano 'yan?! At saka sino ang nilalang na iyon? Ha?! Paanong?!" sigaw ni Theodore.

"Ano po ibig ninyong sabihin?" sabi ng kawal.

"Si Valker. Dalian mo tawagin mo ang lahat ng mga kawal na centaur at tao" sabi ni Theodore.

"Masusunod po mahal na hari" sabi ng kawal at siya ay mabilis na umalis.

*************

Mabilis na tumakbo si Theodore suot ang isang armor at pumunta sa kinalalagyan ni Zack bitbit ang kanyang pana at espada.

"Oh, ang magaling kong kapatid ay dumating na!" sabi ni Valker.

"Valker? Ano ang nangyari sa'yo?!" sigaw ni Theodore.

"Wala ka nang pakialam do'n. Ah!" sigaw ni Valker at bigla niyang ginalaw ang kanyang mga braso sabay sa pagbanggit ng engkantasyon.

Nagulat sina Theodore at Zack nang biglang may lumabas mula sa buhangin.

"Ano ang mga 'yan?!" sigaw ni Theodore.

"Paanong?!" sigaw ni Zack.

"Ano ang ibig mong sabihin Zack?" pagtataka ni Theodore.

"Ang mga nakikita mong mga lumalabas sa buhangin ay ang mga namayapa nating mga ninuno at ibang kawal na centaur na namatay sa digmaan!" sabi ni Zack.

"Zombies?!" sabi ni Theodore.

"Ano ang Zombies Theodore? Pagkain?" sabi ni Zack.

"Isang salitang tumutukoy sa mga patay na muling "nabuhay". Natutunan ko ito sa Earth nang minsan akong pumunta doon para sa isang pagtitipon" sabi ni Theodore.

"Kung gayon, mga "Zombies" nga ang mga 'yan!" sabi ni Zack.

Bigla namang pinana ni Theodore ang mga bumangong mga patay na Centaur mula sa buhangin pero hindi ito tinatablan. Tumatama naman ang mga pag-atake niya pero sadyang walang pakiramdam ang mga ito.

"Bakit hindi yata sila tinatablan?" sabi ni Theodore.

Bigla namang dumating ang halos isang libong kawal na mga Centaur at tao galing sa palasyo. Suot nila ang kani-kanilang gintong armor at bitbit nila ang kanilang bilog na shield na naka-imprinta ang sagisag ng Legendaria at kanilang espada. Makikita rin ang mga Archers.

"Walang panama ang isang libo mong mga kawal sa limang libo kong mga patay na kawal!" sigaw ni Valker at bigla pang dumami ang mga lumalabas na mga patay na kawal sa buhangin.

Bigla namang itinusok ni Zack ang kanyang tungkod sa buhangin at naglikha ito ng malaking alon na gawa sa buhangin.

Patungo ang malaking alon ng buhanging ito sa kinalalagyan ni Valker at ng kanyang kampon.

Pero bago pa ito tumama sa kanila ay biglang pumagitna si Veenix ang dark sorcerer para sirain ang pag-ataking iyon gamit ang isang spell.




"Veenix!" sigaw ni Zack at nawala siyang bigla na para bang nag-teleport. Nawala rin si Veenix at naiwan ang usok na kulay violet.

Para silang mga kidlat kung maglaban. Kapag nagbabanggaan sila ay lumilikha ito ng malakas na pagsabog.

Samantala,

Patuloy pa rin sa pag-atake si Theodore kahit na alam niyang wala itong panama.

"Mga Archers! Ihanda ang mga umaapoy na palaso!" sigaw niya.

Nakahanda na ang mga Archers na Centaur at tao.

"Ready! Hold! Release!" sigaw ni Theodore.

Masasaksihan ang nagsiliparang mga umaapoy na palaso na para bang nagbagsakang mga bituin mula sa kalawakan.

Tinatamaan ang mga kampon ni Valker na mga patay na mandirigmang Centaur. Nasusunog ang kanilang mga bulok na katawan pero nananatili pa rin silang nakatayo at parang walang nangyari. At mukhang mas naging malakas pa sila.

"Ano kaya ang makatatalo sa kanila?!" sabi ni Theodore sa kanyang isip.


********

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon