Mula naman sa isang isla na kung saan ay napakadilim. Natatakpan ang tatlong buwan ng hamog at nagkalat ang mga buto ng Archillans at tao, mga sirang barko at ang lugar ay nakakatakot.
Sa kalagitnaan ng patay na gubat ay may isang templo na may dalawang sulo na nakatayo na umaapoy at tulay na halos sira na ay may isang misteryosong nilalang ang nakatira dito.
Ang kanyang itsura ay parang demonyo, may dalawang malalaking sungay siya at mahabang buntot.
Siya ay nakaupo sa isang trono na gawa sa bato.
"Wala talagang silbi kong aasa lang ako sa iba..." sabi niya at tumayo siya. "Ang dapat siguro ay ako na mismo ang gumawa. Kaya humanda kayo darating na ako para sirain ang mga buhay ninyo!" sigaw niya.
Nakatatakot ang boses niya at siya ay parang galit na galit.
"Matitikman niyo na ang bagsik ni Caprithorn! Yah!" sigaw niya at biglang umapoy ang kanyang ulo.
**************
Ano kaya ang balak ng nilalang na ito sa Legendaria?
At ano ang magiging papel niya sa buhay nina Theodore at Zack?
Abangan!
**********
BINABASA MO ANG
LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)
FantasyThe land of Legendaria, a peaceful and magical world somewhere. Where Animals talk. Where magic exist. Where medieval period is still. And all mythical creatures lived. Want to go there? Come and be amazed in Legendaria. CSU SERIES #2 Stand-alone No...