The land of Legendaria, a peaceful and magical world somewhere.
Where Animals talk.
Where magic exist.
Where medieval period is still.
And all mythical creatures lived.
Want to go there?
Come and be amazed in Legendaria.
CSU SERIES #2
Stand-alone No...
Umuwi na sina Theodore at Zack sa palasyo at tumigil muna sila sa balkonahe.
Nakikita nila ang tatlong buwan na nagliliwanag.
"Ang Cresto, Eclisia at Juttur ang tatlong buwan ng Legendaria. Hay... Ah... Zack... Malapit na pala ang Total Eclipse" sabi ni Theodore.
"Oo Theodore, mga ilang linggo mula ngayon. Magdidiwang na naman ang mga Taga-Kalawakan" sabi ni Zack.
Maganda ang panahon at maraming mga bituin. At may nakita pa silang isang bituin na gumagalaw.
"Isang bulalakaw!" sigaw ni Theodore.
"Hindi Theodore, papalapit ito! Maghanda ka!" sigaw ni Zack.
Ang "bulalakaw" kasi na ito ay naging hugis tao na nagkukulay pula.
"Isang robot?!" sabi ni Theodore.
Lumapag ang misteryosong "taong" ito sa isang patag na lugar sa disyerto kaya mabilis na pumunta doon sina Zack.
"Sino ka?!" sigaw ni Theodore.
Bumukas ang parang helmet ng robot na ito at nagpakita ang isang pamilyar na mukha.
"Dalistro? Ang martian, ano naman ang ginagawa mo sa kalagitnaan ng gabi dito sa disyerto?!" sabi ni Theodore.
"Ikaw talaga ang pakay ko dito Theodore..." sabi ni Dalistro na isang martian. Siya ay parang tao lang naman pero kulay pula ang kanyang balat imbis na puti o kayumanggi. Suot niya ang isang kulay pulang robot suit na sobrang high tech.
"Bakit naman?!" pagtataka ni Theodore.
"May misyon kasi ako Theodore. Kasalukuyan ko ngayong hinahanap ang Stone of Endless Energy. Nagbabasakali akong nandito ito" sabi ni Dalistro.
"Nasa pangangalaga ito ng mga taga-Earth, kay Thumpyr. Balak nga niyang ibigay sa amin iyon pero minabuti ko nang nasa kanila iyon. Bumagsak daw ito sa kanilang mundo at may nakakita. Ah, Bakit ba ito napadpad sa Earth gayong kayong mga Martian naman ang nangangalaga dito?" sabi ni Theodore.
"Iyon na nga, dahil kamakailan lang ay hinarap namin ang isang digmaan sa pagitan ng mga Martian at ng mga taga-Ethorthems. At nanalo kami, pero nakuha nila ang Stone of Endless Energy kaya iyon din ang ipinagtataka ko kung paano itong napunta sa Earth" sabi ni Dalistro.
"Kami rin naman ay nakaranas din ng digmaan pero nalampasan na namin iyon. Ah Dalistro, magtatagal ka ba dito?" sabi ni Theodore.
"Ah hindi, nandito lang ako para hanapin ang bato. Aalis din naman ako. Mahaba-haba ring paglalakbay ang dinaanan ko. Babalik muna ako ngayon sa Earth. Salamat sa impormasyon" sabi ni Dalistro.
Bigla namang may nagsalitang babae sa kung saan.
"One message received" sabi nito.
"Ano iyon?" sabi ni Zack.
"Ah... Ang Assistant ko iyong A.I. na si A.N.N.I.E. Ah... message open" sabi ni Dalistro.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"The message reads... Ah Dalistro kailangan kita ngayon dito sa Mars bilisan mo!" sabi nito.
"Sino iyon?" tanong ni Theodore.
"Ang kapatid ko iyong si Sandro. Ah sige alalis na ako" sabi ni Dalistro at sumara ang helmet na suot niya at nakaharap ngayon sa kanila ni Zack at Theodore ang mukha ng isang advance robot.
"Mag-iingat ka Dalistro" sabi ni Theodore.
"Sige paalam" sabi ni Dalistro at lumipad siya ng napakabilis. May lumalabas kasing apoy sa kanyang suot na robotic gloves at boots kaya nakalilipad siya sa himpapawid at kalawakan.
"Hyperjump activate!" sabi ni Dalistro.
"Hyperjump activated" sabi ng assistant niya at siya ay lumipad na para bang kometa at napakabilis niya.