Third person's POV
Biglang umatake si Zack na isang sorcerer. Nasira niya ang shield na nilikha ni Veenix at silang dalawa ay naglaban. Hawak-hawak nila ang kani-kanilang mga mahiwagang tungkod. Ang isa ay ginto at ang isa ay itim.
Bigla namang nagsilabasan sa arena ang mga tao at ibang klase ng nilalang.
Sorcerer laban sa sorcerer ang labanan. Isang labanan ng mga makapangyarihang nilalang.
Bigla rin namang sumugod si Valker at pati na rin si Theodore. Winawasiwas ni Valker ang kanyang espada sa hangin at inihanda. Si Theodore naman ay inihanda rin ang kanyang pana.
"Theodore!" sigaw ni Valker.
"Valker!" sigaw naman ni Theodore.
Habang nagpapatuloy si Theodore at ang kanyang mga kawal sa pagpana kay Valker, patuloy din sa pagwasiwas si Valker sa kanyang espada para maprotektahan ang kanyang sarili. Patuloy din siyang umaabante na para bang hindi siya inaatake.
Nagsiliparan ang napakaraming palaso at ang iba pa ay umaapoy.
Maririnig naman ang tunog ng espada ni Valker na para bang isang maliit na kampanang mabilis na niyuyugyog kapag natatamaan ng mga palaso.
Samantala...
"Zack, ang Royal sorcerer. Ang tanyag na salamangkero. Ang The Golden Wishgranter na siyang ang pinakamalakas na Artifact sa kalawakan. Ang bagay na 'yan ay hindi nababagay sa'yo! Hindi ka karapatdapat na maging tagapangalaga ng napakalakas na bagay na 'yan! Bakit ikaw?!" sigaw ni Veenix.
"Malalaman mo rin kapag nakalaban mo na ako!" sigaw naman ni Zack.
Sumugod ang dalawa sa isa't isa at ipinagpatuloy nila ang kanilang labanan.
*****************
Bigla rin namang hinugot ni Theodore ang kanyang espada at nagkukulay silver ito.
"Ah... Nasa iyo pa rin pala ang espada ng ating namayapang ama?!" sabi ni Valker.
"Tama na ang salita, hetong para sa'yo!" sigaw ni Theodore at siya ay sumugod.
Sumugod din si Valker. Tumatakbo ang dalawa at papunta sila sa ginta ng entablado ng arena.
Parang sila na ang naging kalahok. Maririnig naman ang kanilang mga sigaw, tunog ng mga espada at ang kanilang mga yapak na para bang sa kabayo.
"Magaling ka kapatid, pero ako ang nauna sa'yo!" sabi ni Valker.
"Nauna ka nga pero nalamangan na kita!" sabi naman ni Theodore.
"Ako nalamangan mo? Paanong nangyari 'yun? Eh hindi mo pa nga ako natalo kahit minsan?!" sabi ni Valker.
"Hindi pa nga noon, pero ngayon matatalo na kita!" sigaw ni Theodore at siya ay umatake at maririnig ang malakas na pagwasiwas ng kanyang espada na tumama sa espada rin ni Valker kaya nabitawan nito ang kanyang espada.
"Wala ka nang laban Valker! Sumuko ka na! Wala namang saysay ang labanang ito!" sabi ni Theodore.
"Hindi. Hindi maaari! Ah!" sigaw ni Valker at magtatangka sana siyang sumugod.
Pero mabilis na naitutok ni Theodore ang kanyang espada.
"Sumuko ka na, pakiusap..." sabi niya.
Bigla namang nagpakita si Veenix at nawala silang dalawa bigla ni Valker na para bang nag-teleport sila habang sinasabing...
"Pinapangako ko sa iyo Theodore, babalik ako!" sigaw ni Valker.
Bigla ring nagpakita si Zack na parang may sumabay sa kanyang gintong ilaw.
"Sundan ko kaya sila..." sabi ni Zack.
"Huwag na Zack, pabayaan muna natin sila..." sabi naman ni Theodore.
Bigla namang may lumapit sa kanilang kawal at sinabing...
"Mahal na Hari nandito po si Ginoong Thumpyr Drangerock"
"Sabihin mo na papunta na kami..." sabi ni Theodore at tumingin sa malayo. "Tayo na" dugtong niya at sila ay umalis.
********
BINABASA MO ANG
LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)
FantasiaThe land of Legendaria, a peaceful and magical world somewhere. Where Animals talk. Where magic exist. Where medieval period is still. And all mythical creatures lived. Want to go there? Come and be amazed in Legendaria. CSU SERIES #2 Stand-alone No...