Chapter 2: Tournament

546 29 5
                                    


Third person's POV

Maligaya ang lahat dahil dinaraos nila ngayon ang taunang tornamento na kinabibilangan ng apat na teritoryo. Mapapansin naman ang mga flag ng kanya-kanyang teritoryo na makikita sa lugar. Ang bawat teritoryo ay may kanya-kanyang kulay, ang sa Legendaria ay ginto, ang sa Hervorva ay berde, sa Archill ay asul at sa Acrisla ay puti. Ang bawat kulay na ito ay may nakalaang kahulugan, ang ginto ay Leadership, ang berde ay loyalty, ang asul ay bravery at ang puti ay purity.

Makikita naman sa lugar ang iba't ibang kulay at laki ng mga tent, mga tindahan at palaruan na para bang piyesta. At ang halos lahat ng mga tao at ibang nilalang ay nasa loob na ng arena o ang lugar na paglalabanan ng mga kalahok sa tornamento.

Maganda ang panahon at sumasang-ayon ito sa kanila dahil ang kinalalagyan nila ay isang open arena.

Mabilis lumipas ang oras at naglalaban na ang mga kalahok.

Nung nasa ika-10 kalahok na ay may biglang pumukaw sa pansin ng hari. Nabahala si Theodore dahil imbis na pabayaan na lang ang nakabulagtang kalaban ay tuluyang itong pinatay ng isang napakamisteryosong kalaban gamit ang kulay itim na mahika.

"Mga kawal pigilan niyo siya!" sigaw niya.

At biglang inihanda ng mga kawal ang kanilang mga hawak na pana.

Tinanggal ng misteryosong lalaki ang kanyang suot na talukbong at nagulat si Theodore sa kanyang nakita.

"Veenix!" sigaw ni Theodore.

Ang lalaki ay biglang nilabas ang kanyang kulay itim na tungkod. Mahaba ito at parang poste ng ilaw.

"Oo ako nga, nagulat ka ba? Expellum introus!" sigaw ng lalaki at biglang may nagpakitang isang bilog na gawa sa kulay itim na enerhiya na para bang teleportation hole o portal.

At nagulat si Theodore sa kanyang nakita.

Meron kasing lumabas na nilalang na parang pamilyar sa kanya.

"Valker! Ano ang ginagawa mo dito!" sigaw ni Theodore.

"Ano ang ginagawa ko dito? Isang tanong ba iyon? Nandito ako dahil kapatid mo ako. Ang iyong nakatatandang kapatid. Napagtanto ko kasi Theodore na hindi ako nabibilang sa maduming lugar na nasa labas ng kaharian. Ang dapat sa kagaya kong dugong bughaw ay nakatira sa isang kastilyo na may magandang kagamitan, maraming pera at kilala ng mga tao!" sabi ni Valker na isang itim na Centaur.

"Ikaw mismo ang pumili ng iyong kapalaran! Ikaw ang kusang umalis sa ating tahanan! Kaya sa labis na pag-aalala ng ating ina ay namatay siya sa lumbay! At sinundan naman ni ama nang siya ay nagkaroon ng malubhang karamdaman! Bakit ngayon may mukha kapang iharap sa lupa na iyong tinalikuran!" sigaw ni Theodore at bigla niyang inihanda ang kanyang pana na may umaapoy na palaso.

"Oo... Umalis ako Theodore dahil ako ang dapat nandiyan sa kinalalagyan mo ngayon! Kung dati ay magkasundo pa tayo, bakit ngayon ay parang gusto mo na akong patayin?!" sigaw naman ni Valker.

"Hinintay ka namin Valker, bakit hindi ka bumalik? Hinintay ka namin. Ako, hinintay kita! Pero dahil hindi ka bumalik, namatay ang ating mga magulang!" sigaw ni Theodore. "Mga kawal ihanda ang mga pana!" dugtong niya.

"Kinakain ka na ng galit mo kapatid, pero kung 'yan ang gusto mo. Pagbibigyan kita!" sigaw ni Valker at bigla niyang binunot ang kanyang nagniningning na espada sa kanyang tagiliran at sumugod.

Maririnig naman ang mga yapak niya na nababalutan ng paghihiganti.

"Mga kawal ngayon na!" sigaw ni Theodore at biglang nagsiliparan ang mga palasong umaapoy.

"Domino protectto!" sigaw naman ng dark sorcerer na si Veenix. Ang kanyang suot ay pang-ilalim lang. May hikaw siya sa kanyang isang kilay at sa ilong at may suot siyang itim na makapal na sinturon at may suot siyang isang pares ng gintong bracelet at mahaba ang kanyang buhok na nakatali.

 May hikaw siya sa kanyang isang kilay at sa ilong at may suot siyang itim na makapal na sinturon at may suot siyang isang pares ng gintong bracelet at mahaba ang kanyang buhok na nakatali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil sa binanggit niya na spell ay nagkaroon ng dome-shaped shield na gawa sa dark energy kaya ang mga umaapoy na mga palaso na ito ay tumatalbog lang dito.

"Wala ka nang magagawa Theodore dahil kasama ko ang pinakamagaling na sorcerer sa buong Legendaria!" sigaw ni Valker.

Bigla namang dumating si Zack ang kaibigang Sorcerer ni Theodore.
Dumating siya na para bang nag-teleport at nasa mataas din siya na lugar kung saan nakatayo si Theodore.

"Sinong sorcerer ang sinasabi mong pinakamagaling?" sabi ni Theodore na para bang nagmamayabang.

"Pasensya na Theodore kung nahuli ako. Nasaan na ba tayo?" sabi ni Zack at bigla niyang pinatunog sa sahig ang hawak-hawak niyang gintong tungkod at lumiwanag ito.

*********

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon