Chapter 10: Victory

186 17 1
                                    


Patuloy pa rin ang dalawang panig sa paglalaban. Para silang mga langgam kung titingnan mula sa taas.

Maririnig ang tunog ng mga naghahampasang espada. Makikita ang nagliliparang palaso at sibat. Mga gumagapang na mga ugat na nagmula kay Fortchtwig. Makikita rin ang paggamit ng mga Archillans ng Ice magic, ang pagbuga ng apoy ng mga dragon at mga pagaspas ng mga pakpak at sigaw ng mga Griffin.



Samantala,

Habang patuloy sa paglalaban ang dalawang panig, patuloy din sa paglalaban sina Zack at Veenix sa kabilang dimensyon.

Kani-kanina lang ay nakahanap ng sandali si Zack para makalabas mula sa dimensyong kanilang kinalalagyan at para tanggalin ang sumpa sa mga centaur na muling binuhay ni Valker.


"Kahit na natanggal mo na ang sumpa sa mga centaur ni Valker, hindi mo pa rin mawawala sa iyong isipan kung paano nila tatalunin ang liman' libong kawal niya na pawang bihasa sa pakikipaglaban!" sigaw ni Veenix.

"Hindi mo siguro alam na nandoon ang mga mandirigmang centaur ng Mainland, mga Archillan, mga Griffin at mga hayop ng Hervorva?!" sigaw ni Zack.

"Siguro nga at malalabanan nila ito, pero hindi nila ito maiibsan ng hindi rin sila naiibsan. Alam mo kasi Zack pareho na silang mga mortal kaya malaki ang posibilidad na hindi lang ang panig ni Valker ang mababawasan, nakasisiguro akong pati na rin ang inyong panig!" sigaw naman ni Veenix.

"Hindi mo hawak ang kapalaran Veenix kaya hindi ka nakasisigurong tama ang hinala mo!" sigaw ni Zack.

"Tama ka Zack, hindi ko nga hawak ang kapalaran pero malaki ang posibilidad na mangyayari ang aking hinala!" sabi ni Veenix.

"Tingnan na lang natin, pero bago iyon kailangan muna kitang talunin!" sigaw naman ni Zack.

"Talaga lang ha? Explodius!" sigaw ni Veenix at may lumabas na kulay violet na energy blast sa kanyang tungkod.

"Ito na ang ating huling laban kaya huwag na tayong magpigil! Noviticus! Ha!" sigaw ni Zack at may lumabas na kulay gintong enerhiya sa kanyang nagniningning na kulay gintong tungkod.

Mapapansin na gumagalaw ng kusa ang kulay pulang mahabang damit ni Zack dahil sa lakas ng hangin na nagmula sa kanyang pag-atake.

Sumigaw ang dalawa na para bang ibinuhos na nila ang kanilang buong lakas.



At makikita ang unti-unting pagliliwanag ng buong lugar.

************

Mula naman sa himpapawid ng lugar na pinaglalabanan ng dalawang panig na kinabibilangan ng kay Valker at ng kay Theodore, makikita rin ang paghihirap ng mga Griffinmor o mga mandirigmang Griffin o ang mga nilalang na kalahating leon at agila.

Ang mga Griffin ay nagtataglay ng mga pakpak, ulo, tuka at unahang paa ng agila at katawan, likurang paa, tenga at buntot ng leon. At halos doble ang laki nila sa karaniwang leon.

Kinakalaban nila ang mga dragon na tinawag ni Valker.

Ang mga dragong ito ay bumubuga ng apoy na siyang ginagamit nila sa pakikipaglaban.

Mabuti na lang at may nakakabit na mga mekanikal na uri ng pana sa mga likuran ng mga Griffin na siyang ginagamit nila sa pag-atake.

Ang mga mekanikal na uri ng mga panang ito ay may mga palasong may lason na tuloy-tuloy lang sa paglabas.

"Sugod! Ahhh!" sigaw ni Vianus na pinuno ng mga griffin.

At sumigaw ang daan-daang mga Griffinmor na para bang agila.

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon