Chapter 1: The King

930 37 3
                                    

I was born not to be anyone else.

I was born destined to be a ruler.

A Leader.

A King.

Ang istorya ko ay hindi magtatapos sa masaya.

O mag-uumpisa sa masaya.

Dahil minsan hindi naging masaya ang aking buhay nang dahil lang sa insedenteng 'yun.

Bata pa ako noon.

Naiisip mo ba ang isang batang centaur?

Palalaro, makulit at palaging tumatakbo?

Lagi ko noong kasama ang aking nakatatandang kapatid na lalaki.

Malaki ang pagkakaiba namin.

Sa talento, kakayahan, katawan at maging sa ugali.

Kulay itim ang balat niya sa kabayong katawan at ako naman ay kayumanggi.

Malaking-malaki talaga.

Pero halos sa lahat ng bagay ay magkasundo kami.

Minsan lumalabas kami sa palasyo ng hindi nagpapaalam.

Pinupuntahan namin parati ang taunang tornamento sa paglalaban ng mga pinakamalakas na nilalang.

Hilig talaga naming paglaruan ang pana.

Minsan nga kaming dalawa ang naglalaban.

Pero dahil ako ang bunso, sa akin lahat nakatuon.

At 'yun ang nakasira sa aming dalawa.

Nagseselos siya sa akin.

Hindi ko ito gusto lalo na at kapatid ko siya at kaibigan na rin.




Isang gabi, gabi na gusto ko nang kalimutan.

Mga menor de edad na kami noon.

Gustong-gusto talaga ng kapatid ko ang maging isang hari.

Parang buhay niya na rin 'to.

Pero sa gabi ring 'yun nasira ang kanyang pangarap.

Papasok sana siya sa kwarto nina ina at ama nang bigla niya itong narinig na nag-uusap.

Ang pinag-usapan nila ay tungkol sa magiging susunod na hari.

Ang masaklap ay hindi siya ang napili.

Ako.

Malaki na kasi ang ipinagbago ko simula nung nangarap akong papantayan ko ang aking kapatid.

Mas hinigitan ko siya.

Imbis na maging masaya ako parang hindi ko kaya.

Dahil malungkot siya.




Lumayas siya na may baong kalungkutan at galit.

At simula noon hindi na siya nakita at nagpakita pang muli.

Dumaan ang maraming taon at ako na nga ay kinoronahan.

Hinirang na bagong hari.

Pansamantala kong nakalimutan ang malungkot na alaalang 'yun.

Pero kahit ano mang iwas ko,

Hindi ko iyon matatakasan.

********************

Dito sa Legendaria kung saan ako naghahari ay maraming bagay ang hindi mo lubos maisip.

Ito ay tahanan ng mga kakaibang nilalang, mula sa pinakamaliit na Pixie hanggang sa pinakalaking higante.

At ito rin ay nahahati sa apat na bahagi na pinamumunuan ng aking mga kaalyansa.

Ang una ay ang Acrisla, isa itong teritoryong binubuo ng mga sky island o islang lumulutang sa himpapawid.

Pinamumunuan ito ni Vianus the Griffin o isang nilalang na may pakpak at ulo ng agila at may katawan ng leon.

Ang isa naman ay ang Hervorva na pinamumunuan ni Fortchtwig the Forest keeper na isang nilalang na gawa sa halaman at ugat ng puno.

Dito rin halos nakatira ang mga hayop at ibang kakaibang nilalang.

Ang susunod naman ang Archill na isang islang gawa sa yelo na nakalutang sa gitna ng karagatan.

Pinamumunuan ito ni Dargath the Ice Elf.

At ang huli, ang Mainland, ang mismong lugar kung saan nakatayo ang syudad at ang kastilyo ng Legendaria.

At ako ang namumuno dito.

Sa tulong nila mas madali na lang ang aking trabaho.

At sa gabay na rin ng aking kaibigan na si Zack the Sorcerer na siyang royal sorcerer ng kaharian.

At hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang kapayapaan sa aming lugar.

Ngunit magpapatuloy nga ba ito hanggang sa huli?

Hindi ko alam, pero mas maganda na ang handa.

******************

Ngayong araw pala ang taunang tornamento o ang tinatawag na "The Battle of the Greatest Warrior" na kinabibilangan ng apat na teritoryo.

"Theodore dating gawi, magbibigay ka na ng talumpati" sabi ni Zack sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko!" sabi ko.

"Basta... Pumunta ka na do'n" sabi ni Zack.

Pumunta ako sa balkonahe at ang lahat ay nagsigawan at nagpalakpakan.

"Maligayang araw, ngayon ang ika-siyamnapu't pitong taon ng tornamento kaya maghanda kayo! Ngayong taon ay mas magiging mahigpit na ang laban! Kaya hindi dito nabibilang ang mga mahihina!" sigaw ko at ang mga mamamayan ay nagsigawan na rin.

***************

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon